XVIII

218 14 0
                                    

"Sino kaba talaga?"


"Alam mo bang gulong gulo na ako, huh Athena."



" Vlad,..........Vlad ang pangalan ko"


Vlad ang pangalan ko

Vlad ang pangalan ko


"Kamahalan!"

Agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa matinding kaba. Habol hininga akong napasandal sa may bintana ng maalala ang naging huling tagpo namin bago ako umalis.

"Vlad, bakit paba kita naiisip? Ano ba Athena, bakit mo paba sya iniisip? Ayaw nga ng tao sayo diba? Diba? Ay....hindi pala sya tao. Bampira sya, bampira!" Pagalit kong sabi sa sarili. Napabuntong hininga nalang ako ng buksan ang bintana at tanawin ang madilim na paligid sa labas. Napatingin ako sa bilog na buwan ng maalala ang halik nya.

Bakit mo nga ba ginawa yun, Vlad?


Lumipas ang linggo simula ng makabalik ako. Bumalik sa normal ang lahat, sa umaga ay maghahanda ng almusal pagkatapos ay maglilinis ng bahay. Kapag walang magawa sa bahay ay tumutulong ako sa bukid. Naging ganon ang buhay ko sa mga nagdaang araw at linggo.

Araw ng sabado, naisipan kong ibalik kay lolo Arthuro ang librong hiniram ko. Habang binubuklat ay napatigil ako sa isang pahina kung saan napunit at nawawala ang pahinang iyon.

"Teka, wala naman akong natandaang pinunit ko ang pahinang ito ah. Paano nawala iyon?" Nagtataka kong tanong sa sarili habang pilit iniisip kung kailan ko pinunit ang pahinang nasa libro.

Kung punit ito, hindi ko ito maaari pang ibalik kay lolo Arthuro. Siguradong hindi na ako makakahiram ulit kapag ibinalik ko itong kulang nang pahina.

Napagdisesyonan kong dalhan nalang si Lolo Arthuro ng prutas. Sasabihin ko nalang rin na hindi ko pa tapos basahin kaya hindi ko pa maisusuli sa kanya.

Gamit ang kabayo kong si Kala ay nagtungo ako sa bayan kung saan ang tindahan ng libro ni Lolo Arthuro.

Pagdating ko doon ay naabutan ko syang nag-aayos ng mga libro. Napangiti ako dahil ngayon lang ako ulit nakapunta dito.

"Lolo Arthuro!" Masiglang tawag ko sa kanya na ikinagulat nya. Napakunot pa ang nuo nya ng lingunin ako at bahagyang inayos ang suot nyang salamin.

"Athena?" Gulat nyang sabi.

"Opo Lolo, ako nga" magiliw kong sabi bago lumapit at nag mano. Kita naman sa mukha nya ang saya.

"Ang tagal mo ng hindi nakadalaw dito ah. Saan kaba nanggaling? Ang akala ko ay ayaw mo na ng libro kaya hindi kana nakakadalaw dito." Saad nya na ikinatawa ko ng mahina.

"Nako hindi po, marami lang po kasi akong inasikaso kaya ayon nawalan po ako ng oras sa libro. Pero syempre ngayon nandito na po ako ulit. Tsaka, ito po oh may dala akong prutas para sainyo" mas lalong lumapad ang ngiti nya ng iabot ko sakanya ang isang supot ng sariwang prutas.

"Nako, ikaw talagang bata ka oh. Nag abala kapa talaga"

"Nga po pala, yung librong hiniram ko po sainyo. Hindi ko po muna maibabalik kasi hindi ko pa po natatapos basahin eh" sandali naman syang napaisip sa sinabi ko.

"Ah oo, huwag mo ng ibalik iyon. Saiyo na iyon." Dahil sa sinabi nya ay nanlaki ang mata ko sa tuwa.

"Talaga po? Salamat po" masaya kong sabi.

"Ah nga pala, mayroon akong naitabing libro para saiyo. Alam kong magugustuhan mo ito. Sandali lang ah at kukunin ko" paalam ni lolo Arthuro. Tumango lang ako at naupo sa isa sa mga bakanteng upuan nya.

Her Poisonous Blood ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon