"Athena" natauhan ako ng tawagin ni Callus ang pangalan ko. Kasalukuyan naming tinatahak ang magubat na daan pabalik sa bayan ng Narea.
"Huh?" Wala sa sarili kong sabi saka sya binalingan ng tingin.
"Ayos kalang ba? Kanina kapa kasi tulala simula ng umalis tayo." Agad akong nag-iwas ng tingin kay Callus ng sabihin nya iyon. Napakagat ako sa labi ko ng maalala ang nangyari kanina sa kwarto.
Hindi ako makapaniwala, sinabi nya ang pangalan nya saakin. At ang higit sa lahat ay ang halikan ako. Kahit naguguluhan, inaamin kong gusto ko ang halik na iyon. Nababaliw na ata ako. Oo nababaliw na nga talaga ako.
Athena, ano bang nangyayari sayo? May gayuma ba ang halik na iyon? Matapos nya akong paalisin at maliitin, bigla nya nalang akong hahalikan?
"Arggggg" dahil sa pagkaasar ay ginulo ko ang buhok ko.
"Athena, ano bang nangyayari sayo?" Sandali kaming napatigil ni Callus. Dapat ko bang sabihin sa kanya ang ginawa ni Vlad kanina? Pero hindi eh.
"Wala ito" sagot ko sa kanya saka umiwas ng tingin. Rinig ko ang pagbuntong hininga nya pero hindi ko nalang ito pinansin.
Nabalot kami ng katahimikan ni Callus habang tinatahak ang daan. Hindi ko magawang makapag salita. Sadyang masyadong maraming gumugulo sa isip ko at isa na nga doon si Vlad.
Pero hindi ko rin alam kung kailan kami muli magkikita ni Callus.
"Ummmm.......C-Callus?" Kahit alanganin ay nagawa kong tawagin ang pangalan nya.
"Mmmm?" Hindi sya lumingon pero alam kong nag aantay sya ng sasabihin ko.
"N-nakita mo na ba ang m-mate mo?"
"Nakita ko na sya" diretso nyang sagot na nakapa laki ng mga mata ko.
"T-talaga? P-paano mo....n-nalaman na.....na...m-mate mo sya?" Kinakabahan kong tanong sa kanya. Sandali naman siyang hindi nakasagot.
"Sa unang paglapat palang ng mga paningin nyo sa isat isa, alam nyo na kaagad ang kakaibang koneksyon nyo. Para bang konektado kayo ng nararamdaman sa isat isa kahit pa tingnan nyo lang ang isat isa." Sa mga sinabi ni Callus ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Bakit parang naramdaman ko na ang mga sinabi ni Callus?
"Bakit mo naitanong Athena?" Balik namang tanong ni Callus saakin.
"Ah..ano kasi...ummmm...w-wala naman. N-naisip ko lang kasi na maswerte ang babaeng iyon sayo dahil mabuti ka." Totoo ang sinabi ko. Napaka swerte ng babaeng iyon kung sino man sya.
"Kung maaari lang baguhin ang tadhana ay ginawa ko na Athena. Isang sumpa ang koneksyon naming dalawa" sabi nya na nakapa kunot ng nuo ko. Bakit naman magiging sumpa ang pagiging konektado nila?
"Walang kahit na anong sumpa Callus ang makakatalo sa kapangyarihan ng pag ibig. Ipaglaban mo sana ang pag ibig nyong dalawa." Hindi ko man kilala kung sino iyon, nakakasiguro akong magiging masaya sila ni Callus dahil ang pag-iibigan nila ay pang habang buhay.
"Sana nga Athena" sabi naman ni Callus. Wala nang nagtangkang magsalita muli saamin.
Napag disesyonan namin ni Callus na magpalipas nalang ng gabi sa ilalim ng malaking puno.
"Nakaya mong mamalagi sa gubat ng mag-isa?" Hindi makapaniwala niyang sabi habang pinapanood akong mag siga ng apoy.
"Oo, alam mo hindi ko rin nga alam kung bakit ang lakas lakas ng loob ko." Napangiti ako sa kawalan habang inaaalala ang panahon kung kailan ako namalagi sa gubat ng mag-isa.
BINABASA MO ANG
Her Poisonous Blood ( COMPLETED)
VampiriPaano kung dahil sa isang misyon mo ay mapunta ka sa lugar kung saan walang kahit na anong buhay ang makikita. Tila tuluyan ng namatay ang lugar dahil sa isang misteryosong trahedya na nangyari 20 years na ang nakakaraan. Makayanan mo kaya kung mala...