V

292 15 0
                                    

Alone

Halos pigil ang pag hinga ko at hindi ko alam kong ikatutuwa ko ba ang nangyari. Dahan dahan akong napa tingin sa lalaking naka salo sa akin ngayon.

Isang lalaki na may makapal na kilay, mapulang labi, matangos na ilong, itim na itim ang kanyang buhok at kutis na subrang puti. Seryoso lang ang tingin nya sa akin, walang kahit na anong ekspresyon mula sa mukha nya.

Pati pag lunok ko ay pigil dahil sa bigat ng presensya nya. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming ganon, basta ang alam ko lang ay nakatitig ako sa mga mata nya.

Parang may kung anong koneksyon ang mga mata ko na hindi ko magawang maalis sa kanya.

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba habang pinagmamasdan ko sya. Bakit parang bago ata saakin ang ganito?

"Athena!" Agad naman akong napalingon kay Callus na tumatakbo ngayon papunta saamin.

Naramdaman ko ang pagbaba saakin sa lupa kaya mas lalo akong kinabahan. Nang maka balik ako sa sarili ay doon ko lang napagtantong wala na ang lakaking sumalo sa akin.

Tamang tama rin dahil nakalapit na si Callus na subrang nag aalala ang mukha ngayon. "Athena ayos kalang ba?" Hindi ako maka tingin ng diretso kay Callus ngayon. Subrang nahihiya ako sa nangyari.

Nagpalinga linga ako sa paligid pero wala na talaga ang lakaking nag ligtas sa akin kanina. Asaan na kaya yon?

"Binalak mo bang tumakas?" Mas lalo akong nahihiya ngayon. Tumingin si Callus sa telang naka tali parin sa terrace ng kwarto ko. Napailing pa sya bago ako ulit tingnan ng may halong pag aalala.

"Athena diba sinabi ko na-"

"C-Callus pasensya na talaga pero-"

"Muntik ka ng mapahamak Athena, mabuti nalang nasalo ka ng kamahalan" tila biglang nagbago ang pakiramdam ko ng banggitin nya ang salitang kamahalan. Ibig sabihin sya ang nakausap ko noong gabing nagpaalam ako na makiki tuloy dito?

"Kamahalan? S-Sya ba yung....yung may ari ng palasyo na ito?" Kinakabahan ako sa nangyayari. Sya ang nag ligtas sa akin kanina. Malamang ay alam nya na ring binalak kong tumakas. Athena ano bang ginawa mo?!

"Sya nga, mabuti pa pumasok na tayo sa loob. Hindi kapa kumakain simula kaninang umaga" agad akong hinila ni Callus at dinala sa loob.

Pagpasok namin ay dumiretso kami sa dining hall at doon ako pina opo. Tahimik lang kaming kumakain at tanging tunog lang ng plato ang naririnig. Paminsan minsan ay sinusulyapan ko si Callus pero seryoso lang itong kumakain.

"Callus/Athena"

Sabay pa kami sa pagtawag ng mga pangalan namin. Natawa nalang ako at napailing naman sya. Bago mag salita muli ay humugot muna ako ng lakas ng loob.

"Callus yung...yung nangyari kanina...pasensya kana kung binalak kong tumakas." Nag sisisi ako sa ginawa ko kanina.

"Kalimutan mo na 'yon, hindi kita masisisi dahil alam kong natatakot ka sa amin. Pero 'wag ka mag alala dahil hahanap ako ng paraan para makabalik ka ng ligtas sa Narea" marahan syang ngumiti. Napatango nalang ako bago bumalik sa pag kain.

"Sya nga pala may misyon akong pupuntahan mamaya kaya baka ilang araw rin akong mawawala" bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi ni Callus. Akala ko pa naman ligtas na ako dahil nandito sya, yun pala ay aalis rin sya kaagad.

"Pano ako? Baka mamaya-"

"Wag ka mag alala, hindi ka pababayaan ng kamahalan. Basta sundin mo lang ang bilin kong 'wag kang lalayo sa palasyo. Palagi mo ring isara ang bintana ng kwarto mo" pilit akong tumango sa mga sinabi ni Callus.

Her Poisonous Blood ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon