VII

289 17 0
                                    

Capitol Vll

Lumipas ang dalawang araw na ganon ang ginagawa ko. Pagkatapos kong kumain ay sa silid aklatan agad ako magpapalipas ng maghapon. Hindi ko narin ulit nakasabay ang kamahalan. Kahit nasa iisang bahay kami ay hindi kami nag kikita.

Kasalukuyan akong tumitingin sa mga papel na naka dikit sa mesa ng mapukaw ang atensyon ko sa isang lumang mapa ng buong bayan ng Tirya.

Napapalibutan pala talaga kami ng gubat kaya delikado maglakbay ng gabi. Malaki rin ang sakop ng buong palasyo batay narin sa nakalagay sa mapa.

Naguguluhan parin ako sa kung ano talaga ang buhay ni Callus at ng kamahalan dito. Para naman kasing napaka imposibleng dalawa lang sila dito.

Napakunot ang nuo ko ng makita ang salitang simenteryo sa likod ng palasyo. Ibig sabihin ay may simenteryo sa likod nito?

Sakop parin ito ng bakod ng palasyo kaya malamang ay malapit lang ito. Wala naman sigurong masama kung susubukan kong puntahan. Isa pa, araw naman ngayon kaya walang lobong aatake saakin. Sana nga wala.

Lumabas ako ng silid aklatan at sinilip ang paligid. Baka mamaya ay makita ako ng kamahalan at ikulong nanaman sa kwarto.

Nang masiguro kong walang tao ay dahan dahan akong naglakad papunta sa likod. May pinto na palabas sa likod ng palasyo kaya hindi ko na kailangan pang lumabas sa harapan at umikot papunta sa likod.

Sinigurado ko na walang ingay ang bawat lakad ko palabas. Sa tingin ko ay wala namang makakakita saakin.

Bumungad saakin ang masukal na likuran ng palasyon. Akala ko ay puro mga patay na kahoy nalang ang nasa palibot ng lugar na ito. Ang mga damo ay mahahaba at nagkalat rin ang mga punong sa tingin ko ay walang sapat na taba para mamunga ng prutas.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi lumingon sa likuran ko. Mahirap na at baka bigla nalang akong atakihin ng lobo.

Nasa sampong minuto na akong naglalakad ng may mamataan akong sirang gate. Sa tingin ko ay ito na ang simenteryo.

Dahil sa kalumaan at kasukalan, nakakatakot na tingnan at mukhang delikado ang lugar na ito.

Ang bawat lapida ay kinakain na ng lumot. May mga sculpture rin ng angel at mga krus sa bawat libingan. Nakakalungkot isiping ang lugar na hinihimlayan ng mga patay ay wala naring buhay.

Naglibot libot ako sa paligid. Napapaisip ako kung ano kaya ang mga nakalibing dito. Mga ordinaryong tao kaya o mga bampira at lobo? Hindi ko na mabasa ang pangalan nila dahil sa mga lumot at lupang bumalot.

Sayang at walang naglinis dito. Sigurado akong maganda ang simenteryong ito.

Marahang umihip ang malamig na hangin. Naramdaman ko ang mga pares ng mga matang nakatingin saakin. Napalunok nalang ako sa kaba dahil sa pumasok sa isip ko.

Tatakbo na sana ako pero mabilis humarang sa harap ko ang isang babaeng nakapulang cloak. Bahagya akong napaatras dahil sa prisensyang hatid nya.

Unti unti nyang tinanggal ang hood nya saka ko nakita ang napaka gandang babae. Literal na napanganga ako dahil sa gandang taglay nya.

Maputi ang balat nya tulad ng sa kamahalan. Matangkad rin sya. Maganda ang hugis ng kanya mukha. Ang kanyang perpektong kilay at ilong ay bumabagay sa mapupula niyang labi. Para rin akong nagagayuma sa mga mata nya.

Nakita kong ngumiti sya dahilan para matauhan ako at mas lalong umatras para sa agwat naming dalawa.

Sa kabila ng kanyang nakakahalinang mukha ay hindi ko maitago ang kakaibang pakiramdam sa kanya.

Her Poisonous Blood ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon