Capitol lX
Kinabukasan ay naisipan kong mag ikot-ikot sa labas ng palasyo. Mas magandang makabisado ko ang paligid.
Kinuha ko si Kala ang kabayo ko at sinama ito sa paglalakad. Habang pinagmamasdan ang paligid ay hindi ko mapigilang hindi manghinayang sa lugar.
Sayang ang lapad ng sakop ng palasyong ito at wala manlang mga bulaklak o kahit na halamang magbibigay buhay sa paligid.
Naisip ko lang kung dati ba talagang ganito ang lugar na ito. Mukha naman itong maayos dati batay sa bakas ng mga patay na halaman. Sigurado akong napabayaan lang talaga.
"Kamusta na kaya sila nanay at tatay. Sigurado akong nag aalala na sila saakin" sabi ko sa kawalan.
Hindi ko maiwasang hindi mag isip sa kanila. Baka nag aalala na sila dahil lagpas nang isang linggo ng umalis ako.
Pagbalik ko ay sisiguraduhin kong ipapaliwanag ko ang lahat sa kanila ng maayos. Ayokong bumalik sa Narea ng walang napapala. Halos buwis buhay na ang pananatili ko dito. Sayang naman kung mauwi lang sa wala.
Napunta kami ni Kala sa parte kung saan may mga punong nakahelera sa magkabilaang daan. Tila nagsisilbing lilim sa dadaanan.
Kasabay ng pag hangin ay ang paglaglagan ng mga dahon sa paligid. Napangiti ako habang sinasalo ang iilang dahon na tumatama saamin ni Kala.
Hindi ako nakatingin sa daan dahil sa pagkawili ko sa mga dahon na nagbabagsakan. Ganon nalang ang gulat ko ng huminto si Kala dahil sa biglang pagsulpot ng isang taong nakatalukbong ng itim.
Natigilan ako bigla ng tanggalin nya ang talukbong nya sa ulo at doon ko nakita ang nasa harap ko.
"K-kamahalan" sambit ko na hindi makapaniwala. Paano sya nakasulpot ng ganon kabilis sa harap ko?
Dali dali akong bumaba ng titigan nya nanaman ako sa mata. Tuwing magtatama ang paningin namin ay iniiwas ko kaagad dahil sa kakaibang nararamdaman ko.
"Hindi ka maaaring lumayo, delikado" malamig niyang sabi na hindi man lang inaalis ang tingin saakin.
"P-pasensya na.....w-wala lang akong magawa sa loob" sagot ko kahit pa kanina pa ako nangangatog sa kaba.
"Ayaw mo naba sa mga libro sa silid aklatan?" Nagtaas sya ng kilay at pinagkrus ang magkabilang braso nya. Sandaling napakunot ang nuo ko sa tanong nya.
Umiling ako bago muling nagsalita.
"Hindi naman sa ganon kamahalan. Gusto ko lang rin na makalanghap ng sariwang hangin" napangiwi pa ako sa huling sinabi ko.Hindi naman sya umimik ng ilang sigundo kaya napatingin ako sa kanya at ganon parin sya. Nakatitig parin saakin na para bang pinag-aaralan ang galaw ko.
"Sasamahan kita" diretso niyang sabi na nakapa-awang ng bibig ko sa gulat. Tama ba ang narinig ko? Sasamahan nya ako? Hindi nya ba ako kakaladkarin pabalik sa loob ng palasyo? Hindi ba sya magagalit dahil umalis ako ng walang paalam?
Sigurado ba talaga sya?
"Ayaw mo?" Natauhan ako ng magsalita sya ulit. Nakatalikod na pala sya at hindi ko manlang namalayan.
Agad kong hinawakan ang tali ni kala at dali daling naglakad pasunod sa kanya.
Tahimik lang ako habang nakasunod sa kamahalan. Ayokong magsalita o gumawa ng kahit na anong ingay na mapapansin nya. Hindi ko alam kung paano ko sya kakausapin. Bakit ba kasi ako kinakabahan ng ganito?
"Hindi kaba napapagod maglakad?" Biglang tanong nya saka huminto at nilingon ako. Napakurap pa ako nang ilang beses dahil sa pagkabigla.
"A-ayos lang po ako kamahalan" sagot ko saka nag iwas ng tingin sa kanya. Hindi ko talaga kayang tumitig sa mga mata nya ng matagal.

BINABASA MO ANG
Her Poisonous Blood ( COMPLETED)
VampirePaano kung dahil sa isang misyon mo ay mapunta ka sa lugar kung saan walang kahit na anong buhay ang makikita. Tila tuluyan ng namatay ang lugar dahil sa isang misteryosong trahedya na nangyari 20 years na ang nakakaraan. Makayanan mo kaya kung mala...