XX

212 18 0
                                    

Kung may isang taong hindi ako inaasahang makita, iyon ay ang taong matagal ko nang hindi nasisilayan. I was stunned at hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Kaba, takot, inis, o saya.

"Can I dance with you, Milady?" Gamit ang malamig at baritono nitong boses, tinanong nya ako na hindi ko kaagad nabigyan ng sagot.

"K-kamahalan" halos hindi ko makapaniwala at wala sa sarili kong sabi habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Nakasuot sya ng itim na coat na may dobleng puti sa loob. Naka kapang itim rin sya na mas lalong bumabagay sa maputi nyang balat.

Inilahad nya ang kanyang kamay sa harap ko at ang isa naman ay sa likod nya. Sandali ko itong tinitigan bago unti unting tanggapin. Dinala nya ako sa gitna ng mga nagsasayawang tao at doon ay nagsimula kaming sumayaw gamit ang mabagal na musika.

Ang kanang kamay nya ay maingat na naka hawak sa bewang ko samantalang ang isang kamay nya naman ay hawak ang kamay ko. Ang kaliwang kamay ko naman ay nakalagay sa gilid ng leeg nya.

Marami ang natigilan sa pagsayaw at saamin lang nakatingin. Siguradong napansin nila ang kakaibang kagwapuhang taglay ng kamahalan.

Ni minsan ay hindi pa ako naisayaw ng lalaki kung kaya ito ang kauna unahang pagkakataon. Marami akong tinanggihan kanina pero bakit sa kanya ay bumigay ako.

"K-kamahalan bakit ka nandito?" Sa wakas ay nagawa kong tanongin sya. Mahina lang ito upang hindi kami marinig.

Nanatili naman syang nakatitig saakin kaya napaiwas ako ng tingin dahil sa kakaibang pakiramdam na gumapang saakin.

"You don't need to know it" sagot nito.

Nakaramdam ako ng pagkadismaya dahil sa sagot nya. Masyado ba akong umasa? Ang akala ko ay dahil saakin- ano ba Athena, tigilan mo na nga iyang kahibangan mo.

"Pero kamahalan, hindi kaba nababahala. Mga tao ang nakapalibot sayo. Ang dugo-"

"You don't trust me, do you?" Putol nito. Natigilan ako ng itanong nya iyon. Wala nga ba akong tiwala sa kanya?

"I can control my cravings for blood, so don't worry" nakahinga ako ng maluwag ng sabihin nya iyon. Mas mabuti nang klaro dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung malaman nilang isang bampira pala ang lalaking kasayaw ko.

"You look stunning" biglang sabi nya na nagpagapang ng kakaibang pakiramdam saakin. Napakurap akong napatingin sa kanya. Seryoso lang ang tingin nya saakin at parang pinag-aaralan ang bawat parte ng mukha ko.

"P-parang hindi kayo masungit ngayon" pilit kong pagbibiro para gumaan ang pakiramdam sa pagitan naming dalawa. Subrang lapit lang namin kung kaya hindi ko maiwasang hindi maalala ang ginawa nyang pagnakaw ng halik saakin na hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan.

Mukhang natauhan naman sya kaya umiwas ito ng tingin at napatikhim. Lihim naman akong natawa dahil sa reaksyon nya.

"Ehem, ehem....magandang gabi sa lahat"

Natigilan ang lahat sa kanikanilang ginagawa, maging kami ng kamahalan ay natigil sa pagsayaw at sabay na humarap sa lalaking nagsalita sa isang intablado.

Nakasuot ito ng pang Carnival at malapad ang ngiting binati ang lahat lalo na ang Hari at Reyna.

"Ngayong gabi ay may inihanda kaming espesyal na palabas para sa inyo at para sa Hari at Reyna" magiliw nitong anunsyo. Nagpalakpakan naman ang lahat ng taong narito.

"Ngayon ay masasaksihan ng inyong dalawang mga mata ang isang nilalang na nagkukubli sa dilim" tila unti unting kumunot ang nuo ko sa sinasabi ng lalaki. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari.

Her Poisonous Blood ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon