II

471 23 0
                                    

               〰 The Mission

Kinabukasan ay maaga akong nag handa ng almusal. Kinakabahan ako sa gagawin ko pero buo na ang desisyon ko, tutuklasin ko ang lihim ng lugar na iyon.

"Anak masama ba ang iyong pakiramdam? Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?" nag aalalang tanong ni nanay.

Saglit ko silang pinagmasdan bago paman ako humugot ng lakas ng loob para magpaalam. Alam kong hindi sila papayag sa gagawin ko kaya magsisinungaling ako sa kanila kahit na alam kung mali ito. Patawarin nawa ako sa gagawin ko.

"Ah nay, tay.... Magpapaalam ho sana ako sa inyo na-"

"Tinay, ano nanaman iyang binabalak mong gawin ah? Makikipag karerahan ka nanaman ba mamaya?" pag puputol ni nanay.

Napailing iling ako bago magsalita muli "hindi po, may pupuntahan ho sana akong kaibigan sa kabilang bukid. Medyo mas malayo po sa bayan kaya po siguro matatagalan ang uwi ko" kinakabahan ako sa bawat salitang sinasabi ko. Hindi ko mabasa ang mga tingin nila saakin. Parang kinikilatis nila kung nag sasabi ba talaga ako ng totoo.

"Ilang araw naman?" tanong naman ni tatay bago uminom ng tubig at naunang tumayo para mag hugas ng kamay sa lababo.

"Mga limang araw po"

"Limang araw?!" gulat na tanong ni nanay, tumango tango nalang ako bilang pag sagot.

"Athena hindi ko alam kung ano bang gagawin mo doon at gano'n katagal ngunit ayaw naman naming maghigpit sayo at baka magtampo ka saamin. Sana lang ay mag ingat ka anak" paalala naman ni tatay. Agad akong napatalon sa tuwa at niyakap sila pareho.

Alam kong sa mga panahong ito ay wala nang kasiguraduhan kung makikita at mayayakap ko paba silang muli. Alam kong hindi ako makakabalik ng limang araw lang kaya alam kong mag aalala sila. Gustuhin ko mang sabihin sa kanila ang totoo ay hindi maaari.

Pasensya na talaga nay, tay kung nagawa kong mag lihim sa inyo sa totoong gagawin ko. Mas mabuti nang hindi nyo ito alam para hindi na kayo mag alala para saakin.

Nang makaalis sila nanay at tatay papuntang bukid ay hinanda ko narin ang mga dadalhin ko. Naglagay ako ng tubig, mga prutas at tinapay sa bag. Dinala ko rin ang librong hiniram ko kay lolo Arturo na mag sisilbing gabay ko sa aking paglalakbay. May dala rin akong mga damit at kumot na magsisilbi kong panangga sa lamig.

Nang makalabas ako ng bahay ay sinigurado kong nakasara ito ng maayos. Pumunta na ako sa likod ng bahay namin para kunin ang alaga kong kabayo na si Kala. Kulay puti ang kabayo kong si Kala na niregalo sa akin ni tatay noong 18 ako. Noong una ay nagalit pa si nanay dahil sa pagiging konsintedor daw ni tatay sa delikadong hilig ko pero kalaunan ay naging maayos narin dahil malaki naman ang naitutulong ni kala saamin.

Nagsimula na akong maglakbay at tinahak ang magubat na daan. Ang sabi sa libro, ay kailangan kung tahakin ang magubat na daan.

Ang gubat na tinutukoy sa libro ay ang gubat sa likod ng bayan nang Narea kung saan madalas ako mag insayo sa pagpana. Hindi bago sa akin ang daan dito dahil may daanan naman na tanging hayop o tao lang ang nakakadaan. Ilang beses narin akong natukso na sundan ang daan na ito ng gubat pero lagi ako napangungunahan ng takot ngunit ngayon na alam kong may bayan ang nasa likod ng gubat na iyan, gagawin ko ang lahat kahit pa ang tahaking mag isa ang gubat na ito.

Tanghaling tapat na ng makarating ako sa bungad ng gubat. Matirik ang araw ngunit hindi man lang ito tumatagos sa loob ng gubat dahil sa dami ng puno dito.

Isinuot ko ang talukbong ko at inihanda ang palaso bago ako pumasok sa gubat. Mahigpit ang kapit ko sa lubid ni Kala, habang palayo kami ng palayo sa bungad ng gubat ay mas lalong lumiliit ang liwanag na nanggagaling doon.

Her Poisonous Blood ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon