Sa gitna ng ulan at nagnga-ngalit na kalangitan ay nakatayo ako sa kawalan. Umiiyak ako sa hindi malamang dahilan. Napatingin ako sa damit kong basang basa na ng ulan. Dahan dahan kong inangat ang mga palad ko at halos hindi ako makahinga sa gulat ng makitang nababalot ito ng dugo.
Muli ay pinagmasdan ko ang paligid. Ngayon ay marami nang mga bangkay ang nakagandusay sa lupa. Mga bampira at lobo. Halos hindi na ako makahinga sa mga nakikita ko. Dumadanak ang dugo sa lupa at lahat ng ito ay hindi ko alam kung bakit nangyari.
Napatingin ako sa gawi kung saan biglaang maypagsabog. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang unti unti ng natutupok ng apoy ang kaharian ni Vlad.
"H-hindi" hindi ko makapaniwalang sabi. Dahil sa subrang takot ay napatakbo ako sa gitna ng mga nakahandusay na bangkay para hanapin ang mga taong importante saakin.
Napapailing ako habang iniisip kung sakaling makita ko ang mga bangkay nila.
Bakit hindi ko ito alam? Bakit pakiramdam ko ay isa ako sa dahilan ng pagkasawi nilang lahat? May gyera ba? Bakit wala akong alam? Bakit bigla nalang nangyari ang lahat ng ito?
Ang sariwang dugo sa kamay ko. Kanino ito? Bakit nababalot ng dugo ang mga kamay ko?
"Vlad!" Tawag ko sa pangalan nya sa gitna ng kalungkutan.
Ang buwan ay kulay dugo at ang buong kalangitan ay sumasabay sa puso kong puno ng pagkalumbay.
Bakit ako lang ang buhay?
Bakit ako lang?
Nasaan sila?
Nasaan ba ako?
"Vlad!" Tawag kong muli at sa pagkakataong ito ay natanaw ko na ang isang pamilyar na katawan ng lalaki.
Nanghihina ang tuhod kong naglakad patungo sa lalaking nakahandusay sa lupa at dumadanak ang dugo.
"Hindi" napapailing kong sabi habang pilit na inaalis ang masakit na katotohanan na nabubuo sa isip ko.
Pakiusap, huwag sya.
Sa paglapit ko sa bangkay ay siyang para naring pagtalon ko sa bangin ng habang buhay na sakit. Napabagsak ako sa lupa ng makilala at mapagtanto na ang lalaking wala nang buhay sa harap ko ay si Vlad.
"Vlad....Vlad gumising ka, pakiusap gumising ka Vlad." Umiiyak kong sabi habang pilit ko syang ginigising. Punong puno ng sugat ang kanyang mukha at katawan. Naliligo narin sya sa sarili niyang dugo.
"Pinatay mo sya!" Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may magsalita sa likuran ko. Agad akong napalingon at laking tuwa ko ng makita si Callus kasama si Luna. Parehas silang sugatan pero ang makita silang buhay ay siyang pinaka masaya.
"Callus......Luna" ang lahat ng saya ko ay unti unting nawala ng makita ang galit sa mukha nila. Napakunot ang nuo ko dahil sa pagtataka sa mga tingin na ibinabato nila saakin.
"Pinatay mo ang kamahalan! Pinatay mo sya!" Akusa ni Callus saakin na nakapagpabasag ng puso ko dahil sa sakit.
"H-hindi, C-Callus.....hindi ko magagawa iyon" umiiling kong sabi pero ang tanging nakikita ko lang sa mga mata nila ay galit saakin.
"Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito! Ikaw ang pumatay sa kanya! Ang dugong nasa mga palad mo ay dugo ng kamahalan!" Para akong mabibingi sa akusa nila ni Luna saakin. Ang makitang talikuran at akusahan ng mga taong inaakala ko ay matutulungan ako ay isa sa pinaka masakit na bagay sa lahat.
Lahat sila ay iniwan at tinalikuran ako. Ang mundo ay tinalikuran ako sa kasalanang hindi ko ginawa.
"H-hindi.......h-hindi......hindi!!!!"

BINABASA MO ANG
Her Poisonous Blood ( COMPLETED)
WampiryPaano kung dahil sa isang misyon mo ay mapunta ka sa lugar kung saan walang kahit na anong buhay ang makikita. Tila tuluyan ng namatay ang lugar dahil sa isang misteryosong trahedya na nangyari 20 years na ang nakakaraan. Makayanan mo kaya kung mala...