XI

249 16 0
                                    

Capitol XI

Nang makarating kami sa palasyo ay agad akong binuhat ni Callus papasok sa loob. Inilapag nya ako sa mahabang upuan saka nagmamadaling nag tungo sa kusina.

Nakarinig ako ng ilang kalabog sa itaas kaya mas lalo akong kinabahan. Baka nasundan kami ng mga lobo.

"Athena akin na ang paa mo" natatarantang sabi ni Miranda. Hindi ko namalayang nakabalik na sila ni Callus dahil nakatingin ako sa itaas.

Agad tinanggal ni Miranda ang telang nakabalot sa paa ko. Napatingin ako kay Callus ng lumayo sya at tumalikod para hindi makita ang sugat ko.

Muling kumalabog sa itaas kaya sabay sabay kaming tatlo na napatingala doon. Ano bang nangyayari?

"Shit!" Napamura si Callus dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"C-callus" sandali syang tumingin saakin bago magmadaling pumunta sa ikalawang palapag.

"Sana mapigilan nya" habang pinapatakan ni Miranda ang sugat ko ay narinig ko ang bulong nya.

"S-sinong pipigilan?" Nag aalangan man ay nagawa ko paring tanongin si Miranda. Napatigil sya bigla sa ginagawa at tila nabigla dahil sa tanong ko.

"Huh? Ah wala yun" hindi nalang ulit ako nag tanong.

Ilang sigundo lang ang tinagal at naghilom na ang sugat ko. Wala naring bakas ng dugo.

"Sa susunod mag iingat ka" sabi ni Miranda.

"S-salamat ah" tumango lang sya at ngumiti bago nagpaalam na umalis. Napabuntong hininga nalang ako habang inaalala ang nangyari kanina.

Paano nalang kung hindi dumating ang mga kasamahan ni Callus? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring hindi maganda sa kanya.

Bakit ba kasi lagi nalang ako nagsisisi kapag nasa kapahamakan na ako? Hindi lang si Callus ang nadamay sa katangahan ko. Maging ang mga kasama nya.

Sana lang ay walang mangyaring masama sa kanila sa pakikipag laban nila para lang mailigtas kami. Sana mapasalamatan ko sila.


Nagising ako dahil sa marahang pagkatok sa pinto ng kwarto ko. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako kanina ng umakyat ako sa kwarto.

Gabi na kaya naman sinara ko muna ang mga bintana bago buksan ang pinto ng kwarto.

Bumungad saakin ang nag-aalalang mukha ni Callus. Marahan akong ngumiti para iparating sa kanya na ayos lang ako.

"Kamusta, ayos naba ang sugat mo?" Una niyang tanong habang naglalakad kami sa pasilyo papuntang kainan.

"Maayos na, Callus pasensya na talaga sa nangyari. Kasalanan ko talaga-"

"Shhh, wala kang kasalanan"

"P-pero kung hindi sana ako namilit na pumunta doon, ede sana hindi tayo napahamak"

"Athena, wala tayong dapat sisihin sa nangyari. Walang may kasalanan. Ang mahalaga ay ligtas na tayo" kahit papaano ay nabawasan ang pag-aalala ko dahil sa mga sinabi ni Callus.

Ang buong akala ko ay galit sya saakin pero hindi pala. Sana lang talaga ay maayos rin ang mga kasama nya.

Nang makarating kami sa kainan ay ganon nalang ang pagkabigla ko at ang kanina ay kalmado kong sistema ay ngayon ay kabado nanaman dahil sa lalaking nakaupo sa dulo kung saan ang pwesto nya.

Tulad ng dati ay hindi nanaman ako makatingin sa kanya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makaupo ako malayo sa kanya. Nasa harap ko si Callus na walang malay kung gaano ako kakabado.

Her Poisonous Blood ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon