XXVIII

224 14 0
                                    

Isang linggo na simula ng dalahin ako ni Selene sa lugar nila, isang linggo na simula ng malaman ko ang tungkol sa ginawa ni Vlad, at isang linggo naring walang tumatakbo sa isip ko kung hindi puro pagtataka at katanungan.

Hindi ko akalaing nagawang pumatay ni Vlad ng tao at kaibigan pa nya. Masyadong malaki ang tiwala ng taong iyon sa kanila base narin sa mga nakasulat sa kanyang libro.

Hindi ko maisip kung gaano kabigat ang kasalanan ng taong iyon at nagawa nya itong paslangin gayong wala itong kalaban laban sa tulad nya. Isa pa, kung may pinagsamahan silang dalawa, paano nya nagawa at nakayanan iyon?

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa matinding pag-iisip. Sigurado akong alam na nilang umalis ako sa palasyo. Ang hindi ako sigurado ay kung alam nya kayang sumama ako kay Selene.

Ang sabi ni Selene ay aalis muna sya kaya naman ako ang naiwan sa bahay nya. Maaari naman akong lumabas ngunit mahigpit nyang bilin na huwag huhubarin ang kwentas na bigay nya.

Tanghali na ng maisipan kong lumabas ng bahay. Hindi ko alam kung gaano ako katagal mananatili rito kaya mas magandang kabisaduhin ko ang bawat sulok ng lugar na ito.

Habang naglalakad sa kahabaan ng park. Sa di kalayuan ay may bata akong nakitang umiiyak. Agad ko itong nilapitan at nag-aalalang tiningnan.

"Ayos kalang ba?" Tanong ko sa batang babae. Tila nagulat naman ito at sandaling natulala sa akin.

"Pasensya na, nag-aalala lang ako" muli kong sabi ng mapansing hindi parin kumikibo ang bata.

"Isa kang tao" wala sa sarili nitong sabi diretso sa mata ko. Dahil sa pagkabigla ay nabitawan ko ang braso nya at bahagyang napaatras. Hindi nya naman inalis ang tingin saakin at tila sinusuri pa ako.

"P-paano mo nalaman? Ang sabi ni Selene hindi malalamang-"

"Matalas ang pang-amoy at pakiramdam ko kumpara sa ibang bampira. Iyon ang kakayahan ko na wala ang iba." Paliwanag nya. Tila mas lalo naman akong nabahala.

"Maging ang iyong takot at pangamba ay nararamdaman ko. Huwag ka mag-alala, hindi ko ipagsasabi ang nalaman ko." Saad nya at ngumiti na nakapagpa kalma saakin.

"Ano bang pangalan mo? Tsaka bakit ka umiiyak?" Tanong ko. Naupo rin kami sa malapit na upuan.

"Ako po si Lyla, tsaka naiyak po ako kasi bigla nalang po ako nakakita ng mga bangkay kanina."

"Bangkay?" Nabigla ako sa sinabi ni Lyla. Napansin ko rin ang muling paglungkot ng mukha nya.

"Pangitain ko lang po iyon. Kadalasan ay nagkakatotoo, siguradong hindi maganda iyon kaya ako umiyak."

Parang bumigat ang nararamdaman ko habang naririnig ang mga sinasabi ni Lyla. Maaari mang matanda ang edad nya ngunit sa mundo nila, isa parin syang bata na maagang namulat sa karahasan ng mundo.

"Sya nga po pala, gusto nyo po ba sumama sa bahay? Ipakikilala ko po kayo kay ina" aya ni Lyla saakin. Hindi naman ako tumanggi at sumama nalang sa kanya.

Sa gitna ng kalsada at mabampirang lugar, hawak kamay kami ni Lyla na naglalakad patungo sa kanilang bahay. Sa di kalayuan ay natanaw namin ang isang bahay na may tindahan ng mga damit.

Diretso kaming pumasok sa loob at doon ay tumambad saakin ang malinis at magandang mga kasuotan. Sa dulo naman ay may isang babae na nagtatahi. Agad syang napatigil ng mapansing pumasok kami.

"Ina" patakbong nagtungo si Lyla sa babae at agad yumakap. Napangiti rin ako ng makita ang lambingan ng mag-ina. Sandali kong naalala ang mga magulang ko.

"Isa kang tao, paano ka nakapunta rito?" Nagtatakang tanong ng babae at dali daling isinara ang tindahan. Naguguluhan akong pinagmasdan sya. Napasinghap rin ako ng hawakan nya ako sa braso at hilahin patungo sa kanilang sala.

Her Poisonous Blood ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon