XXXIII

210 15 0
                                    

"Sino ka para bantaan kaming lahat! Marahil ay kaanib ka ng mga halimaw!" Sigaw ng lalaking nasa konseho.

Hindi ko mapigilan ang maslalong pagkairita lalo na ng makita ko ang kalagayan ni inay at itay. Hindi ko akalaing kaya nilang manakit at hatulan ng kamatayan ang dalawang inosenteng tao.

Ang kasalanan ko ay hindi kailanman magiging kasalanan nila. Hindi patas ang kanilang pinaiiral na batas.

"Bakit hindi nalang ikaw ang hatulan ng kamatayan? Kung nais mong maligtas ang buhay nila, kailangan mong pagbayaran ang kasalanan mo!" Dagdag pa ng isa sa mga konseho na sinang-ayunan ng mga tao maliban sa mga malapit saakin tulad ni Lolo Arthuro at mga hinahatiran namin ng bulaklak at gulay.

"Hindi....anak huwag! Hayaan mo na kami ng itay mo!" Pakiusap ni ina ng simula na silang tanggalan ng tali sa leeg.

"Kung iyon ang magliligtas sainyo, isusuko ang sarili ko sa kanila, ina!" Sagot ko ng bumaba ako sa kabayo. Hindi ako gumawa ng kahit na anong hakbang at hinayaang dakpin ako patungo sa itaas ng intablado. Ramdam ko ang presensya nila Vlad kung kaya hindi ako maaaring gumawa ng ikakapahamak ng lahat.

"Anak, huwag! Pakiusap" pakiusap ni ina ng paluhurin silang muli ni ama sa gilid. Ako na ngayon ang nakaharap sa maraming tao habang nilalagyan ng tali sa leeg.

"Hindi nyo sya maaaring patayin!" Pigil ni inay kahit paman may piring silang dalawa ni itay.

"At bakit hindi?" Galit na tanong ng nasa konseho.

"Mahal na hari, mahal na reyna....dahil sya ang nawawalang prinsesa! Anak nyo si Athena!" Malinaw at malakas na sabi ni ina na nakapagpatigil ng buong sistema ko.

Kunot nuo at halos hindi ako makalingon ng tingnan ko sila inay at itay. Dali daling tinanggal ng guwardya ang mga piring nila at mangiyak ngiyak si inay na tiningnan ang hari at reyna na ngayon ay nakatayo na.

"Paano mo nasabing sya ang nawawalang prinsesa?" Naguguluhang tanong ng nasa konseho na tila hindi kombinsido.

Hindi ako makaimik. Pinapanood ko lamang sila kung paano isiwalat ang lahat sa buong pagkatao ko.

"Dahil sa kwintas na suot ni Athena. Suot nya yan simula noong sanggol palang sya at iwan ng hindi nagpakilalang lalaki saaming mag-asawa. Sinabi nyang ilihim namin ang buong pagkatao ni Athena dahil may gustong pumatay sa bata. Kaya gustuhin man naming ibalik sya ay hindi namin magawa." Naiiyak na sabi ni inay sa lahat. Namalayan ko nalamang ang sarili kong umiiling habang pumapatak ang mga luha sa mata ko.

Ngayon ko lang napagtantong hindi dahil sa mate ko lang si Vlad kaya sya gumaling ng ihalo ang dugo ko. Ito ay dahil maharlika ang dugo ko. Isa akong maharlika. Isang ....prinsesa.

Dahan dahan akong napahawak sa kwentas na suot ko. Ito ang palatandaan na nakalagay sa libro kung saan nawawala ang bahaging iyon.

"Mahal na reyna at hari! Anak nyo si Athena, maniwala kayo!" Ulit ni ina. Nalipat ang tingin ko sa hari at reyna na ngayon ay saakin ang tingin. Umiiyak ang reyna habang naguguluhan parin ang hari.

"Itigil ang paghahatol! Dalhin si Athena at ang kanyang mga magulang sa palasyo." Utos ng hari. Agad kumilos ang lahat ng guwardya upang dakpin kami. Hindi ko na nagawang lumaban pa, nanghihina ako. Nanghihina ako sa mga nalalaman at maaari ang matuklasan sa buong pagkatao ko.

Tulala. Kanina pa ako tulala at hindi makapagsalita. Ano mang pilit kong pag-iisip nangsasabihin ay walang pumapasok sa isip ko at hindi ko magawang ibuka ang bibig ko.

Kasalukuyan kaming nasa isang saradong silid kung saan kaming lima lang ang tao. Nakaupo ang lahat at magkaharapan sa mahabang mesa. Samantalang ako ay nasa sentro at hindi kumikibo.

Her Poisonous Blood ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon