Sa bawat araw na lumilipas ay mas lalong tumitindi ang kabang nararandaman ko. Samo't saring mga tanong na hindi ko masagot. Samahan pa ng pakiramdam na pinaglilihiman nila ako ay syang mas lalong nagpapaisip saakin.
Muli kong pinagmasdan ang litrato ni Dracula na napulot ko sa daan sa bayan ng Tirya. Isa ito sa nagpapatunay na totoo ang nangyari noon. Pero nasaan na sya ngayon?
Itinupi ko nalang ito ulit at inipit sa libro. Napabuntong hininga nalang akong inayos ang mga gamit sa kwarto.
Masyado nang matagal ang isang linggo sa pamamalagi ko dito sa kwarto kaya napagdisesyonan kong lumabas ng silid.
Dahan dahan lang ang bawat pag-apak ko sa malamig na sahig para walang makarinig saakin. Umaga na pero madilim parin sa pasilyo dahil narin sa kaunti lang ang tumatagos na liwanag.
Hindi na bago saakin ang katahimikan ng buong paligid pero sa pagkakataong ito, sa bawat paglabas ko sa silid, pakiramdam ko ay may nag-aabang lang saakin. Kakaiba ang hatid ng pagiging kalmado ng paligid.
Dapat lang na malaman ko kung anong nangyayari sa palasyo hindi dahil sa wala akong kakayahan tulad nila kundi dahil nandito rin ako at dapat ay handa ako sa kung sino man ang kalaban namin.
Nagpatuloy ako sa pagtahak ng pasilyo ng mapahinto ako dahil sa ingay ng pagkabasag ng gamit mula sa itaas. Unti unti akong napalingon sa kanan ko kung nasaan ang hagdan patungo doon. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa muling pagkabasag ng mga gamit.
Sa isang iglap ay namalayan ko nalang ang sarili kong nakadikit sa pader habang ang lalaking nasa harap ko ay hingal na hingal na nakatingin saakin ng matalim.
Kung nakakamatay lang ang tingin ay siguradong kanina pa ako natumba dito sa sahig. Napalunok nalang ako ng itukod nya ang kanyang kaliwang kamay sa pader sa gilid ng ulo ko.
Kitang kita ko ang pag galaw ng panga nya at ang pagpipigil ng galit. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit ganito ang mga kinikilos nya.
Mariin akong napapikit ng bigla nya nalang suntukin ang kanang gilid na pader. Halos lumuwa ang mata ko sa gulat ng magmulat ako at unti-unti kong nilingon ang kamay niyang tumagos sa matigas na pader.
Hindi ako nakapagsalita at tanging nagawa ko lang ay matulala sa ginawa nya. Hindi ko alam kung anong una kong mararamdaman sa pag hahalo halo ng takot, kaba, gulat, at pagtataka sa buong sistema ko.
Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto. Tanging ang mabibigat lang na paghinga naming dalawa ang namayani sa buong pasilyo.
"Kamahalan!" Sa pagkakataong ito ay nakita ko nalang bigla si Callus mula sa dulo ng pasilyo na tumatakbo patungo saamin. Hindi paman sya nakakalapit ay tuluyan ng naglaho ang prisensya ng kamahalan habang ako ay naiwang tulala doon.
Unti unti akong napasalampak sa sahig ng rumihistro saakin ang kani kanina lang na nangyari. Mabilis naman akong dinaluhan ni Callus st hinawakan ang magkabilaan kong balikat.
"Athena, anong ginawa ng kamahalan sayo? Sinaktan kaba?" Natatarantang tanong ni Callus saakin habang sinusuri kung may sugat ba ako.
Hindi agad ako naka-imik at nanatili lang akong tulala sa kawalan. Hindi ko na maintindihan ang mga kinikilos nila. Ano bang nangyayari? Bakit bigla nya nalang ginawa yun? Bakit parang hingal na hingal sya? Bakit takot na takot si Callus? Ano bang nangyayari sa kanila?
Unti unti kong hinarap si Callus at sa pagkakataong ito ay hindi nalang pag-aalala ang nakikita ko sa mga mata nya kundi pati narin takot.
"Callus, magtapat ka nga saakin, ano bang tinatago nyo? Ano bang nangyayari?" Diretso kong tanong sa kanya. Muli ay umiwas lang ng tingin saakin si Callus at hindi umimik.

BINABASA MO ANG
Her Poisonous Blood ( COMPLETED)
VampirePaano kung dahil sa isang misyon mo ay mapunta ka sa lugar kung saan walang kahit na anong buhay ang makikita. Tila tuluyan ng namatay ang lugar dahil sa isang misteryosong trahedya na nangyari 20 years na ang nakakaraan. Makayanan mo kaya kung mala...