"Vlad?"
Gulat kong sambit sa pangalan nya dahil sa hindi inaasahang tagpo. Bahagya itong lumingon habang ako ay nanatiling napako sa kinatatayuan.
Matagal ko na syang gustong makita para makausap, pero ngayong nasa harap ko na sya ay wala ni isang salita ang nais lumabas sa bibig ko.
"Come here" utos nito.
Awtomatiko namang gumalaw ang mga paa ko patungo sa tabi nya. Pareho kaming nagkatitigan at tila walang balak na magsalita.
"Will you trust me again?" Tanong nito ng diretso sa mga mata ko. Napalunok nalang ako dahil sa subrang kabang nararamdaman.
"O-oo naman" mahina kong sagot saka napaiwas ng tingin dahil sa hiyang nararamdaman pero napasinghap nalang ako ng bigla nya akong hapitin at ilagay ang dalawang braso ko sa balikat nya.
"V-Vlad, ano ito?" Nauutal at natataranta kong tanong. Hindi ko narin malaman ang gagawin ko dahil sa subrang lapit naming dalawa. Ramdam ko narin ang malapad at matigas nyang dibdib.
"You'll see" sabi nito at walang ano ano ay isinama ako magpatihulog. Kung kanina ay nag aalangan akong dumikit sa kanya, ngayon naman ay halos ayaw ko ng humiwalay dahil sa takot.
Ramdam ko ang higpit ng pagkakayakap nya saakin at ganon rin ako sa kanya. Hindi ko narin naimulat ang mga mata ko dahil sa gulat at takot.
"You can open your eyes now"
Naramdaman ko nalang ang paglapag namin. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at doon ay nakita kong nandito na kami sa ibaba.
Nang matauhan ay doon ko lang naisip na nakayakap parin pala ako sa kanya. Dali dali ko syang naitulak dahilan para gumawa ng malaking distansya saaming dalawa.
Para mabawasan ang tensyon sa pagitan namin, nagawi ang tingin ko sa itaas kung saan kami nanggaling. Subrang taas pala talaga ng tinalon nya kaya ganon nalang nakakatakot.
"B-bakit mo ginawa yun?" Wala sa sarili kong tanong sa kanya.
"I want you to feel how I feel," seryosong sagot nito na hindi inaalis ang tingin saakin.
"Huh? Ano bang nararamdaman mo?" Nalilito kong tanong.
"Falling?" Hindi sigurado nitong sagot.
Sa pagkakataong iyon ay napalingon na ako sa kanya at doon nagtama ang paningin naming dalawa.
"Gusto mong maramdaman ko ang pakiramdam ng nahuhulog? Loko kaba? Hindi naman ako bampira eh." Sabi ko saka sya tinarayan.
"Tss, never mind" masungit rin nitong sabi.
"Never mind nye nye nye" panggagaya ko sa kanya. Sinamaan nya naman ako ng tingin kaya natatawa akong tumakbo papasok sa loob ng palasyo.
Kinabukasan ay maghapong si Callus lang ang nakasama kong kumain. Dapat ay sanay na ako sa mga ganito pero hindi ko parin naiwasan ang magtanong.
"Callus, ang kamahalan?" Tanong ko habang kumakain kami ng hapunan.
"Bakit mo hinahanap?" Balik na tanong at sumilay ang nakakalokong ngiti.
"Callus naman eh, masama bang magtanong?" Iritado kong sabi at padabog na hiniwa ang karne.
"Ito naman di mabiro. Ayon nasa kwarto, nagkukulong." sagot nito bago inumin ang pulang likido sa baso.
"Madalas nya bang gawin yun?" Tanong kong muli, sandali namang hindi nakapagsalita si Callus at tila iniisip ang sasabihin.
"Hindi naman, pero kasi kahit na may taglay na pambihirang lakas ang mga bampira, kapag nagamit nila ng husto yun, ay nanghihina rin sila. Baka nagpapahinga lang. Gusto mo dalhan mo ng dugo sa kwarto nya" sabi nito na ikinatigil ko.
BINABASA MO ANG
Her Poisonous Blood ( COMPLETED)
VampirePaano kung dahil sa isang misyon mo ay mapunta ka sa lugar kung saan walang kahit na anong buhay ang makikita. Tila tuluyan ng namatay ang lugar dahil sa isang misteryosong trahedya na nangyari 20 years na ang nakakaraan. Makayanan mo kaya kung mala...