XXX

220 14 0
                                    

Mag iisang linggo na simula ng madalas akong manghina. Wala akong ganang kumain at panay ang pagkahilo ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari saakin lalo na tuwing umaga.

Kasalukuyan ako ngayong nasa silid aklatan at kanina parin ako iyak ng iyak dahil sa binabasa kong nobela sa libro.

"Athena, anong nangyayari sayo?" Nag-aalalang tanong ni Luna na nagmamadaling pumasok at puntahan ako.

"Kasi itong lalaki sa binabasa ko, namatay." pagsabi ko at muli nanamang humagolgol ng iyak. Halata naman kay Luna ang pagtatakang reaksyon na tila hindi alam ang gagawin.

"T-teka bakit naman ganyan ka umiyak, kwento lang yan," pagpapatahan saakin ni Luna pero mas lalo lang akong naiyak.

"Kahit na," protesta ko at muli nanamang umiyak.

"Anong nangyayari?" Nag-aalala ring pumasok si Callus na tila nagtataka rin.

"Eh kasi ito, umiiyak sa kwento sa libro." sagot naman ni Luna na ikinakunot ng nuo ni Callus.

"Weird" bulong nito sa sarili bago kamot ulong nagtungo sa mesa.

"Mabuti pa, ikain mo nalang yan." Aya ni Luna. Agad ko namang pinunasan ang luha ko saka nagpagpag ng damit at nagtungo sa mesa. May dalang prutas si Callus kung kaya nakain ko iyon.

"Hay, Luna akin 'yan eh! Kumuha ka ng sayo!" Tutol ni Callus ng kunin ni Luna ang baso nya na may lamang dugo.

"Ang layo kaya ng kusina, isa pa kaunti lang naman. Ang damot mo!" Bwelta naman ni Luna at inisang lagok ang isang basong dugo.

"Kita mo na! Napaka takab mo talaga!" Asar na sabi ni Callus at nakangusong sumandal sa upuan dahil sa pagkaubos ng dugo sa baso.

Ako naman ay tawang tawa sa kanila at panay rin ang subo ng prutas. Minsan ko lang silang makitang magkulitan at masasabi kong bagay talaga sila.

"Athena? Kanina iyak ka ng iyak tapos ngayon ang saya saya mo?" Naguguluhang sabi ni Luna at napailing pa ito.

"Bakit inggit ka? Pwede mo naman akong puntahan sa kwarto kung gusto mo sumaya." Panuya ni Callus na ikinalaki ng mata ni Luna. Kitang kita rin ang pamumula ng mukha nito na pilit tinatago ng pagka-asar.

"Eh kung tanggalan kita ng ulo ngayon?!" Singhal ni Luna.

"Dalawa kasi ulo ko eh. Alin ba? Sa taas o sa ibaba?" Mapang-asar na tanong ni Callus na mas lalong kinagalit ni Luna.

"Ah talaga!" Inis na tugon ni Luna.

"Pero pag tinanggal mo sila, ikaw rin sige ka, walang magpapasaya sayo." Dagdag pa ni Callus dahilan para batuhin sya ni Luna ng libro na nasa mesa na agad nya namang naiwasan.

Ako naman ay panay ang tawa sa kanilang dalawa dahil sa hindi maawat na asaran nila. Natigil ito bigla ng bigla nalang may pumasok sa pintuan.

"Mukhang nagkakasayahan kayo?" Bungad na tanong ni Vlad saka binaling ang tingin sa saakin. Agad naman akong umiwas at muling itinuon ang pansin sa dalawa na hindi parin tumitigil.

Ramdam ko ang paglapit ni Vlad at pagyakap sa likuran ko.

"Wife" tawag ni Vlad at akmang hahalikan sana ako sa leeg pero agad ko itong iniwas at inis na hinarap sya.

"Ano ba, Vlad. Huwag kangang magulo." inis kong sabi at lumayo sa kanya. Tila nabigla naman silang tatlo lalo na ang lalaking tinanggihan ko.

Ang nuo nito ay unti unting kumunot at tila nagtataka sa naging reaksyon ko.

Napatigil rin sina Luna at Callus sa pagbabangayan at ngayon ay pabalik balik na ang tingin saaming dalawa ni Vlad.

"Kamahalan, for the first time tinanggihan ka ng babae!" Hindi makapaniwalang sabi ni Callus at gulat na gulat pa.

Her Poisonous Blood ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon