"Subukan nyong galawin si Adam, at hindi ako magdadalawang isip na saktan kayo."
Mahigpit ang hawak ko sa pana at ano mang oras ay bibitawan ko na patungo sa kawal. Lahat ng tao ay nabigla sa ginawa ko dahilan para magkaroon ng katahimikan.
"Kamahalan! Isang kataksilan ang ginagawa ng binibining ito! Dapat syang parusahan!"
Matapang na sigaw ng lalaki sa entablado kung kaya nagawi ang tingin ko sa Hari at Reyna na halata ang pagkagulat sa mukha. Nasasaktan ako, nasasaktan ako dahil alam kong nabigo ko sila ngunit hindi nila alam na ang kanilang papaslangin ay isang inosenteng lobo.
Nagsimulang magbulong bulungan ang mga tao hanggang sa lumakas ang hiyawan. Galit ang mga ito dahil sa ginagawa kong pagtanggol sa lobo.
"Magsitahimik kayo!" Sigaw ng Hari na syang nakapatigil sa lahat. Muli nya akong binalingan ng tingin at tila nangungusap ang mga mata nito. May halong pagtataka ang nararamdaman ko ngayon dahil hindi ko makitaan ng galit ang ekspresyon nya.
"Hija, ano bang ginagawa mo? Isa itong halimaw, mapapahamak tayong lahat kung mananatili ang mga tulad nila kasama ang mga tao.." mahinahong sabi ng Hari. Nanatili namang nakatitig lang ako sa kanya at hindi alam ang gagawin. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming ganon pero nabalik lang ako sa sarili ng makarinig ng mga kawal na agad nagtakbuhan patungo sa kulungan ni Adam. Agad silang nag labas ng mga matatalas na espada kung kaya wala na akong nagawa kung hindi ang diretsong panain silang lahat.
Nagkagulo ang mga tao, may ibang nagtakbuhan na palabas at nagmamadali namang pumasok ang iba pang mga kawal.
"Huwag nyo syang sasaktan!" Sigaw ng Hari sa mga kawal ng makalapit na ako sa kulungan ni Adam. Napapalibutan narin ako ng mga kawal. Nasa gitna ako ng laban ng magawi ang tingin ko sa lalaking nakatanaw lang sa malayo at nakatitig diretso sa mga mata ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, pagkabigo? Siguro nga ay inaasahan kong tutulong sya pero hindi nya ginawa.
Hindi na ako nagsayang ng oras at agad pinana ang kandado ng kulungan ni Adam. Sa isang iglap ay nakawala ang lobo na syang mas lalong ikinabahala ng lahat. Agad akong sumakay sa likod nya at sa huling pagkakataon ay muli kong pinagmasdan ang Hari at Reyna at si Vlad bago tumalon sa bintana sakay ng lobo.
Sa tingin ko ay wala akong pinagsisihan sa ginawa kong pagligtas kay Adam. Mas pagsisisihan ko pa kung hinayaan kong pahirapan sya at paslangin ng mga taong walang alam tungkol sa mga tulad nila. Siguro para sa kanila ay isa akong baliw at banta pero wala akong pakealam. Ang mahalaga ay makalayo si Adam sa lugar kung saan hindi kailanman ligtas para sa mga tulad nila.
Napayakap nalang ako sa sarili habang tinatahak namin ang magubat na daan pabalik ng bayan ng Tirya. Bahagyang umihip ang malamig na hangin na sinasabayan ng paglaglagan ng mga dahon ng bigla nalang kaming harangin ng lalaking nakabalot ng itim dahilan para mapahinto kami ni Adam.
Walang ano ano'y bumaba ako sa likod ni Adam ng makilala kung sino ang nasa harap namin ngayon. Hinarap ko muna si Adam upang magpaalam.
"Sige na Adam, bumalik kana sa inyo. Mag iingat ka" saad ko. Umalolong naman sya bilang sagot bago nawala sa paningin namin. Walang gana ko namang hinarap ang lalaking nasa likod ko.
"Why did you do that?" Seryoso nyang tanong.
"Ang alin? Ang iligtas si Adam sa kanila?" Balik kong tanong sa kanya. Wala namang nagbago sa ekspresyon ng mukha nya, nanatili lang itong seryosong nakatingin saakin.
"You know you could die, because of your heroic-"
"Hindi ako nagpapakabayani dito, ginagawa ko lang ang tama." Inis kong sabi sa kanya. Hanggang ngayon ba, tingin nya parin saakin ay nagpapakabayani tuwing may nililigtas ako? Ang tagal ko syang hindi na kita, ang akala ko ay magbabago sya pero mukhang mas lumala lang ang ugali nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/248556245-288-k802754.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Poisonous Blood ( COMPLETED)
VampirosPaano kung dahil sa isang misyon mo ay mapunta ka sa lugar kung saan walang kahit na anong buhay ang makikita. Tila tuluyan ng namatay ang lugar dahil sa isang misteryosong trahedya na nangyari 20 years na ang nakakaraan. Makayanan mo kaya kung mala...