Ilang minutong naghari ang katahimikan sa aming tatlo ng makaalis si Luna. Gusto kong magtanong kung bakit parang biglaan ata ang pag-alis nya pero pakiradam ko ay hindi ito ang tamang panahon para doon.
"That night...." Sabay kaming napatingin ni Callus sa kamahalan ng magsalita sya. Matapos nyang sabihin iyon ay sandali syang uminom ng pulang likido bago sulyapan si Callus. Tila bumigat bigla ang pakiramdam sa paligid at maging paghinga ko ay pigil.
"What are you two doing in that place?" Malamig nyang tanong. Napalunok naman ako ng tingnan si Callus. Kumpara saaming dalawa, ako ang mukhang kinakabahan, siguro ay sanay na sya sa ganitong aura ng kamahalan..
"It's all my fault, dinala ko si-" gulat kong tiningnan si Callus ng sabihin nya iyon. Alam ko na kung ano ang gusto nyang palabasin pero hindi ko hahayaang pagtakpan nya ako kaya agad kong pinutol ang sasabihin nya.
"A-ako po talaga kamahalan ang may kasalanan, pumunta po ako doon ng ako-"
"Athena, what are you saying?" Natigilan ako sa pagsasalita ng biglang hawakan ni Callus ang braso ko kung kaya sandali kaming nagtitigan at kita sa mata nya ang gusto nyang iparating na huwag kong ituloy ang sasabihin ko pero umiling ako kaya bahagyang kumunot ang nuo nya.
"Trying to save each other?" Naagaw ang atensyon naming dalawa ni Callus ng biglang magsalita ang kamahalan. Nilalaro nya ang natitirang pulang likido sa baso habang iniikot ikot ito.
"How sweet" Bahagya ring gumalaw ang panga nya na tila nagpipigil."Pero kamahalan-"
"Callus, don't dare to lie in front of me just to save that reckless human girl, what did really happened that night?" Putol nya kay Callus. Parehas naman kaming hindi nakaimik at halos sasabog na ang puso ko sa kaba dahil sa mga tanong nya. Halata narin sa tono ng boses nya ang pagkairita.
Wala na akong nagawa kundi ang magsalita kahit pa halos lamunin na ako ng kaba. Huminga muna ako ng malalim bago sabihin ang totoo.
"Nung gabing binabantayan kita sa kwarto mo, akala ko nakabalik na si Callus non kasi nakita ko syang naglalakad papasok ng gubat, hinabol ko sya tapos hindi ko namalayang malayo na pala ang narating ko. Doon ko nalaman na hindi pala si Callus yun, pero huli na kasi nasa tiretoryo na nila ako" kinakabahan man ay nagawa ko paring ikwento ang dapat ay nakaraan ko pa gustong sabihin sa kamahalan. Napakagat nalang ako sa labi dahil sa kabang hindi parin umaalis. Mataman ko syang pinagmasdan pero wala paring nagbabago sa ekspresyon ng mukha nya.
"So, Callus rescued you" hindi ko alam kong tanong ba o pangungumbinsi sa sarili ang nais nyang iparating sa sinabi nya. Nilagok nya ang natitirang laman ng baso bago ito madiing inilapag sa mesa at tiningnan ako.
"Alam mo bang pwede syang mamatay?"
"Kamahalan, it's not her fault, you heard it clearly that someone imitated me. If I didn't saved her, pwedeng sya ang mamatay" matapang na sabi ni Callus. Ramdam ko na ang tensyon sa pagitan nilang dalawa dahil sa mga palitan nila ng mga tingin.
"Really, Callus? Trying to save her even in this situation?" Halos hindi makapaniwalang sabi ng kamahalan. Napailing pa ito at tila sarkastikong natawa.
"I'm just telling the truth, pasensya na kamahalan" sandali muling naghari ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Walang nagtangkang nagsalita ni isa man lang.
Bahagya akong napayuko dahil sa hiya. Ako ang may kasalanan nun, tama ang kamahalan. Nakokonsensya rin ako dahil mukhang mag-aaway pa sila dahil lang sa magkaiba sila ng pananaw pagdating saakin.
"Pasensya na" pagbasag ko sa katahimikan. Muli kong inangat ang ulo ko at tiningnan ang kamahalan na seryoso lang na nakatingin saakin.
"Wala kanang ibang ginawa kundi ang magdala ng gulo sa lugar na ito, lahat ng nasa paligid mo ay nalalagay sa pahamak dahil sa kapabayaan mo. Humans are such a mess" napayuko nalang ako ng sabihin nya iyon. Hindi ko sya masisisi kung iyon ang tingin nya saakin. Hindi ko man sinasadya ang lahat ng mga nangyari, alam kong tama sya. Puro gulo ang nadulot ko sa kanila.

BINABASA MO ANG
Her Poisonous Blood ( COMPLETED)
VampirosPaano kung dahil sa isang misyon mo ay mapunta ka sa lugar kung saan walang kahit na anong buhay ang makikita. Tila tuluyan ng namatay ang lugar dahil sa isang misteryosong trahedya na nangyari 20 years na ang nakakaraan. Makayanan mo kaya kung mala...