XIV

238 19 0
                                    

Kakarating lang ni Callus sa palasyo galing sa kanilang tribe. Agad siyang dumiretso sa kwarto ng kamahalan kung saan inaasahan niyang naroon rin si Athena.

"Athena" bungad na tawag ni Callus ng buksan nya ang pinto ngunit mga tagasilbi ang naabutan niyang naroon sa loob.

"Si Athena, nasaan?" Tanong ni Callus sa kanila ngunit agad niyang napansin ang biglang pagtataka sa mga mukha nito.

"Hindi nyo po ba kasama? Narinig kasi naming tinatawag nya kayo mula sa bintana kanina. Lumabas po sya para habulin kayo" sumbong ng isa sa kanila.

Tila biglang binalot ng kaba si Callus ng pumasok sa isip nya ang hindi maganda.

"Saan sya nag tungo?" Nagmamadali nyang tanong.

"Sa gubat po" sagot ng kasambahay. Wala ng inaksayang oras si Callus at dali daling lumabas ng palasyo at bumalik sa gubat.

Masyadong malawak ang gubat para mahanap kaagad si Athena kung kaya naman agad nag-anyong lobo si Callus. Ngayon ay maliwanag na ang kanyang paningin, mas matalas narin ang kanyang pandinig at mas mabilis na ang kanyang kilos.

Hindi kalaunan ay naamoy nya ang napaka bangong dugo pero sandali syang napahinto ng mapagtanto kung saan nanggagaling ang amoy naiyon.


Athena's POV

Pinilit kong makatayo pero muli akong bumagsak sa lupa. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko dahil maging ang paghinga ko ay nakakalumos na. Napapikit nalang ako sa sakit habang pabalik balik na pinagmamasdan ang paa kong may sugat na at ang mga lobong ano mang oras ay aatake na saakin.

Unti unting kumawala ang mga luha sa mata ko habang napapagtantong ito na ang maaari kong maging katapusan.

Gusto kong lumaban pero nakakainis isiping wala akong magagawa dahil hamak na tao lang ako. Pagkain lang ang tingin nila sa mga tulad ko.

Napasinghap ako ng umabante ang nasa pinaka unahang lobo. Nakalabas ang mga mahahaba nitong pangil at kanina pa galit na galit at gusto akong atakihin.

Ilang beses na akong inatake ng lobo pero ito na ata ang pinaka kinatatakutan ko lalo pa't hindi isa o dalawa ang maaaring umatake saakin kung hindi nasa sampo.

Napalunok nalang ako sa subrang kaba at takot. Nanginginig rin ang mga kamay ko at tumatagaktak narin ang pawis ko.

Dahan dahan akong umatras ng makakapa ako ng bato. Agad ko itong kinuha at akmang ibabato na sana ng marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko.

"Athena!" Tawag ni Callus mula sa di kalayuan at dahil sa subrang bilis nya, hindi ko na namalayang nasa harap ko na sya. Bahagya siyang lumingon saakin na halata ang pag-aalala sa mukha.

"Athena tumakas kana" utos ni Callus ng lingonin nya ako mula sa likod nya. Ramdam ko ang kaba ni Callus dahil napapalibutan na kami ng napakaraming lobo. "Nasa tiretoryo nila tayo, siguradong hindi nila tayo bubuhayin kapag hindi kapa tumakas" muling sabi ni Callus. Napailing ako habang pinagmamasdan ang likuran nya. Sabay ng pagtutol ko ang pagtulo ng mga luha sa mata ko.

"H-hindi Callus, hindi kita iiwan dito" matigas kong sabi sa kanya. Napabuntong hininga naman sya bago ako muling lingonin.

"Susunod ako, basta iligtas mo muna ang sarili mo" saad nya. Gusto kong maniwala pero alam kong maging sya ay hindi rin sigurado. Gusto kong magalit sa sarili ko dahil sa muling pagkakataon ay ipapahamak ko nanaman si Callus. Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang palagi akong protektahan at alagaan pero eto ako at palagi siyang nilalagay sa pahamak. Anong klaseng kaibigan ba ako?

"Callus" tawag ko muli sa kanya.

"Athena takbo na!" Pasigaw niyang utos saakin. Kahit labag sa loob ko ay wala na akong nagawa kung hindi ang piliting tumayo at paika ikang tumakbo.

Her Poisonous Blood ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon