Wakas

518 19 3
                                    

After 2weeks.

"Sigurado kanaba?" Panimulang tanong ni Athena kay Luna. Nasa ilalim sila ng puno at nakatanaw sa malawak na lawa sa palasyo ng Narea.

"Alam kong nasa mabuti kana kaya napagadesisyonan kong magpakalayo layo muna. Natapos narin naman ang gulo. Panahon na siguro para magsimula ulit." Malayo ang tinging sagot ni Luna.

"Hindi na talaga kita mapipigilan. Basta Luna mag-iingat ka, kayo ng anak mo. Tandaan mong laging bukas ang palasyo para sa inyo." May lungkot sa boses ni Athena. Ayaw man nyang pumayag ay wala syang magagawa. Nirerespeto nya ang nais ng kabigan.

"Hindi pa ito ang huli nating pagkikita, Athena. Maaaring dekada o daang taon ang lumipas ngunit alam kong darating ang panahon na magtatagpo tayong muli." May ngiti sa labing sabi ni Luna saka binalingan ang kaibigan na kanina pa tumutulo ang luha.

"Mag-iingat kayo. Sana ay maghilom na ang mga sugat sa puso nating dalawa." Dagdag pa nya.

"Hihintayin ko ang araw na iyon, Luna." May kirot sa pusong sabi ni Athena saka niyakap ang kaibigan. Isang yakap na mahigpit. Isang yakap ng pamamaalam.














                  7months later

Nabalot ng ingay ang buong silid ni Athena dahil sa matinding pag-iri nito. Lahat ng tagapagsilbi ay hindi magkamayaw sa pag-aalalay sa prinsesa. Ang buong palasyo ay masaya dahil sa isisilang ng prinsesa.

"Malapit na mahal na prinsesa, kaunti nalang." Saad ng nagpapaanak. Tagaktak naman ang pawis ni Athena dahil sa matinding sakit na nararamdaman.

Isang malakas na pag-iri ang tuluyang nagpalabas sa sanggol. Umiiyak itong ipinatong sa dibdib ni Athena habang magkadugtong pa ang kanilang mga pusod.

Halos mangiyak ngiyak si Athena maging ang hari at reyna ng tuluyan na nilang masilayan ang isang magandang babaeng sanggol.

May lungkot na nararamdaman si Athena dahil wala sa kanyang tabi si Vlad upang masilayan ang unang araw ng anak nila sa mundo. Ang mukha nito ay tila nahahawig sa kanyang ama na mas lalong nagparamdam kay Athena ng saya at halong pangungulila.

"Mahal na prinsesa, ano pong ipapangalan nyo sa kanya?" Tanong ng isa sa mga tagapagsilbi.

Pinagmasdan muna ni Athena ang anak, bahagya hinaplos ang pisngi nito saka ngumiti.








Isang buwan ang lumipas simula ng manganak si Athena ay nagsilang rin si Luna ng isang sanggol na lalaki.

"Simula ngayon, tatawagin na kitang Shawn." Matamis na ngiting sabi ni Luna habang pinagmamasdan ang anak.








"Athena sigurado kanaba?" Tanong ni Miranda kay Athena dahil sa desisyon nito.

"Oo" sagot ni Athena.

"Pero bakit?"

"Gusto ko syang protektahan. Sa ngayon, ayokong malaman nya ang totoong pagkatao nya." Seryosong sagot ni Athena.

Gamit ang majica ni Miranda ang sanggol ni Athena ay matutulog sa mahabang panahon. Lalaki itong walang alam sa nangyayari sa kanya. Ito ang nais ni Athena sa ngayon, lalo pa't isinilang ito sa magulo at komplikadong panahon.















380 years later

Kakapasok palamang ng isang babae sa kwarto. Ginabi na ito ng uwi galing sa trabaho. Pabagsak itong naupo sa kama at inilapag ang bag nito.

Hihiga na sana ito ng marinig ang pag-iyak ng isang sanggol. Agad syang nabalik sa sarili at dali daling nagtungo sa kuna. Doon ay pabagsak nyang nabitawan ang hawak nyang unan ng makita ang hindi inaasahan.










"Gising kana......."






To be continued.......
         




                 Author's note

Hello my beloved readers! Finally ay natapos narin hahaha. This is my first ever vampire story kaya mahalaga ito saakin. Pagpasensyahan nyo na kung may mga naging mali man ako. I'm still improving my writing skills. I want to take this opportunity narin to say a big thank you to my inspirationS ( dami kasi haha) behind my story. Syempre kasama narin readers ko hehe. Sending my hugs and big thank you sa mga nakaabot at nagtiyagang magbasa ng story ko na ito. Katulad ng pagsupport nyo sa book ko na Hidden Academy, thank you thank you for spending time to read this.

Alam kong nabitin kayo! Hahaha
At sa mga nagtatanong kung may book 2 ba ang Her Poisonous Blood? Yes po meron!

Magkita kita tayo sa pangalawang yugto ng madugong pag-ibig ng mga nilalang na ito.

BLOOD WAR soon....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Poisonous Blood ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon