XIX

213 22 0
                                    

"Nananaginip ba ako?"

Ito ang paulit ulit kong tanong habang tulalang umuwi saamin. Sa buong buhay ko ay hindi kailanman naisip na makakadaupang palad ko ang Reyna. At ngayon, iimbitahan nya pa ako sa palasyo.

Nakakapagtaka lang dahil tila nakakapagtaka ang pinapakita ng Reyna na kabaitan saakin. Paanong ang isang tulad nya ay madali nalang magtiwala sa isang estrangherang katulad ko. Ganon naba talaga kabait ang isang Reyna?

Natauhan ako ng makita si inay sa labas ng bahay at nagwawalis sa bakuran. Siguradong matutuwa si inay at itay kapag nalaman nila ang nangyari.

"Nay!" Sigaw ko at nagmamadaling bumaba ng kabayo. Patakbo akong nagtungo kay inay pero agad rin akong napaatras ng akmang hahampasin nya ako ng walis.

"Ikaw bata ka, talaga bang gusto mo ako laging nagugulat?" Inis nitong sabi kaya napakamot ako sa ulo dahil mukhang nagulat ko ata sya sa pagtawag ko.

"Eh inay, may sasabihin sana ako" mahinakong sabi. Bahagya namang napakunot ang nuo ni inay at mataman akong tiningnan.

"May ginawa kananaman ba sa bayan?" Tanong nito. Agad naman akong napailing at palinga lingang tiningnan ang paligid bago lapitan si inay.

"Hindi po, mas mabuti po siguro kong sa loob nalang tayo ng bahay" aya ko. Agad namang sumang-ayon si inay. Sumunod sya saakin sa kusina kung saan agad akong napainom ng tubig.

Nang matapos akong makainom ay hinarap ko na si inay na hindi parin inaalis ang mapanuring tingin saakin.

"Nay, hindi kayo maniniwala sa sasabihin-"

"Tao po!"

Naputol ang dapat ay sasabihin ko kay inay ng may biglang kumatok sa pinto. Baritono rin ang boses ng lalaki kung kaya bigla akong kinabahan.

Sunod naman ay ang biglang pagpasok ni itay mula sa pinto ng kusina na pawis na pawis galing sa bukid.

"Anong nangyayari sa labas? Bakit may mga kawal ng palasyo?" Takang natong ni itay na ikinalaki ng mata ko. Dali dali kong sinilip sa siwang ng dingding ang sinasabi ni itay at ganon nalang ang gulat ko ng makitang may mga kawal ng palasyo ang nasa labas ng bahay. Ang apat ay nakasakay sa kanikanilang mga kabayo samantalang ang isa naman ay nasa tapat ng pinto at pilit kumakatok.

Hindi ka nga nananaginip Athena.

Dali dali naman akong bumalik sa kusina kung saan halata sa mukha nila inay at itay ang pagkabahala.

"Ikaw bata ka, ano bang ginawa mo?" Hindi mapakaling tanong ni inay.

"Kasi po-"

"May tao ba dito?" Muling sabi ng boses ng lalaki. Napapikit nalang ako dahil sa hindi malaman ang gagawin. Sa huli ay natagpuan ko ang sariling binuksan ang pinto.

"M-magandang araw, a-ano po iyon?" Nauutal kong tanong sa lalaking nasa harap ko.

"Ikaw ba si Athena?" Seryoso nitong tanong kaya naman agad akong napatango.

"Nako mawalang galang na po pero may nagawa po bang kasalanan ang anak ko? Parurusahan po ba sya?" Halos mangiyak na si inay habang tinatanong ang kawal. Sandali namang nagkatinginan ang mga kawal.

"Ang totoo nan ay nais makita ng Reyna ang inyong anak. Iniimbitahan nya ito sa palasyo." Sagot nito na ikinagulat nila inay.

"Ho? S-sandali lang mag uusap lamang kami ng anak ko" matapos sabihin ni inay iyon ay dali dali nya akong hinila sa malayo.

"Ano bang sinasabi ng mga kawal na iyon? May nagawa kabang kasalanan sa Reyna?"

"Yun nga po yung dapat na sasabihin ko sa inyo. Nakausap ko po ang Reyna kanina at ang sabi nya ay gusto nya akong anyayahan sa palasyo" masaya kong sabi na ikinahinga ng maluwag ni inay at itay.

Her Poisonous Blood ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon