⚜Behind This World⚜
Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Malakas ang ulan na may kasamang pag kulog at kidlat kaya naman dali dali kong kinuha ang lampara ko at sinindihan iyon.
Napatingin ako sa malaking orasan na nakadikit sa pader at nakita kong alas otso pasado na. Kung ganon ay nakatulog ako ng ilang oras.
Narinig ko ang pag ingay ni Kala sa baba kaya dali dali akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan.
Tulad ng dati ay madalim parin ang buong paligid at tanging kandila lang ang nagsisilbing ilaw.
Habang pababa ako ay mas lalong lumalakas ang pag ingay ni Kala kaya mas binilisan ko ang paglalakad palabas.
Kahit mabigat ang pinto ay nagawa ko parin itong mabuksan na gumawa ng ingay. Hindi ko na ito pinansin at dali daling lumabas.
Nadatnan ko si Kala na nag wawala sa tali. Malakas ang hangin at ulan kaya nahihirapan akong makalapit sa kanya. Samahan pa ng nakakatakot na tunog ng kulog at kidlat.
"Kala.......shhhhhh" pilit kong pinapakalma si kala pero mas lalo lang itong nag wawala. Nagsimula na akong mabahala dahil sa kinikilos nya. Nagkakaganito lang siya kapag natatakot.
Kailangan ko siyang mapakalma dahil kung hindi ay baka magalit ang kamahalan sa ingay nya.
Nagpa linga linga ako sa paligid para tingnan kung may tao ba pero wala naman. Bakit kaya nag wawala si Kala? Imposible namang natakot sya sa ulan eh dati rati hindi naman sya nag wawala ng ganito.
Naisipan kong ilipat nalang ng pwesto si Kala. Baka hindi sya komportable sa pinagtalian ko sa kanya.
Nang matanggal ko na ang tali ay 'yon naman ang pagtakbo niya dahilan para mabitawan ko ang tali nya.
"KALA!" tumatakbo na ito palabas kaya naman hindi na ako nagdalawang isip at agad sumuong sa ulan para habulin sya.
"KALA!" Sigaw ko muli ng bigla itong huminto sa gitna kaya naman naabutan ko na ito.
"Kala bakit kaba-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makita ang isang lobo na naka harang saamin. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang sinasabi ni Callus na black tribe dahil narin sa kulay ng balat nila. Katulad rin ito ng umakyat sa kwarto ko.
Dahan dahan akong napaatras ng dahan dahan itong maglakad palapit saamin. Subrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Sugurado akong katapusan ko na kapag tumakbo ako.
Napatingin ako sa mahahaba niyang kuko at mga pangil niyang matutulis. Napalunok nalang ako dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko ngayon.
Wala si Callus para ipagtanggol ako. Paano ko ba magagawang takasan ang isang halimaw na tulad nila? Tao lang ako at malamang ay gustong gusto nya nang sipsipin ang dugo ko ngayon.
"Aaahhhhh!!" Napasigaw nalang ako ng makitang aatakihin na ako ng lobo. Pero mas ikinagulat ko ang sunod na nangyari.
Bigla nalang itong natanggalan ng ulo sa isang kurap ko lang at bumagsak sa lupa ang walang buhay na katawan nito. Napatingin ako sa taong gumawa nito.
"K-kamalan"
"Ano ba b-bitawan mo ako!" Kanina pa ako nagpupumiglas sa hawak niya saakin ng hilahin niya ako papasok ng palasyo. Hindi sya nagsasalita pero ramdam kong galit sya.
Dinala nya ako sa kwarto at doon sapilitang tinulak papasok. Napahawak ako sa braso ko na hinawakan niya. Namumula na ito.
"Hindi ba't sinabi sayo ni Callus na delikado sa labas" halata sa boses nya ang pagkainis. Lumapit sya saakin para tingnan ang braso ko pero agad ko itong iniwas sa kanya. Nanatili lang akong nakayuko at hindi sya binalingan ng tingin.
![](https://img.wattpad.com/cover/248556245-288-k802754.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Poisonous Blood ( COMPLETED)
VampirePaano kung dahil sa isang misyon mo ay mapunta ka sa lugar kung saan walang kahit na anong buhay ang makikita. Tila tuluyan ng namatay ang lugar dahil sa isang misteryosong trahedya na nangyari 20 years na ang nakakaraan. Makayanan mo kaya kung mala...