Capitol Vlll
Naiwan akong tulala sa upuan dahil sa inasta ng kamahalan. Bakit bigla nalang ata siyang nagalit?
Napatingin ako sa kamay kong may dugo. Posible kayang....
Hindi naman siguro.
Agad na may lumapit saakin na babae. Sa tingin ko ay matanda lang ito ng kaunti saakin. Base sa suot nya ay isa sya sa mga tagapag silbi.
Masyado siyang maganda para sa isang tagapag silbi. Maputi ang balat nya. Mahaba ang pilik mata. Kulot ang kulay mais na buhok at may magandang ngiti.
"Ako po ang inutusan ng kamahalan na gumamot sa sugat nyo" sabi nya dahilan para mapaawang ang bibig ko sa gulat.
Gulat dahil nalaman ng kamahalan na nasugatan ako!
Paano nya nalaman yon?
Ang layo ko sa kanya at may mga harang na pagkain kaya hindi mapapansin na nahiwa ako ng kutsilyo. Isa pa masyadong maliit ang sugat. Kakaunting butil lang rin ng dugo ang lumabas.
Dugo....
Teka....
Nanlaki ang mata ko at agad napatayo sa pumasok sa isip ko.
Ibig sabihin ba non ay naamoy nya ang dugo ko?
Paanong....
"Kailangan na po nating mapatigil ang dugo. Hindi po ito makakabuti sa inyo" saad ng babae saka walang ano ano ay kinuha ang daliri kong may sugat.
Naguguluhan na talaga ako. Ano ba kasing klaseng nilalang sya at ganon nalang kalakas ang pang-amoy nya sa dugo?
Napakunot ang nuo ko ng makita ang ginawa ng babae sa daliri kong may sugat. May ipinatak syang puting likido na unti unting nagpahilom ng sugat ko.
Agad kong binawi ang kamay ko at tingnan iyon. Walang kahit na anong bakas ng sugat. Paano nangyari iyon?
"P-paano nangyari yon?" Wala sa sarili kong tanong.
"Isa po akong white witch. Isa sa mga kakayahan namin ang gumawa ng mga kakaibang gamot" paliwanag nya na nakapa-awang ng bibig ko.
Ibig sabihin ay hindi lang lobo at bampira ang nandito? May mga witch din?!
"Nandito kami para magsilbi sa kamahalan. Hindi kami masasamang tao" dagdag pa nya na parang nabasa ang nasa isip ko.
Ang dami ko nangang tanong tapos dumagdag pa na hindi lang pala dalawang lahi ng nilalang ang nandito sa Tirya.
"L-lahat kayo ng mga taga silbi?" Tanong ko kahit pa hindi ako makapaniwala. Grabe na talaga ang mga nalalaman ko.
Tumango sya at ngumuti.
"Ako si Miranda" pakilala nya saka yumuko para magbigay galang.
"A-Athena" nauutal kong sabi saka pilit na ngumiti sa kanya.
Ano pa bang mga nilalang ang nandito? Baka mamaya ay hindi lang tatlong klase.
"Halika, ipapakilala kita sa mga kasama ko" yaya nya saka hinila ako papunta sa kusina kahit pa hindi pa ako nakakapagsalita.
Wala naman akong kakaibang nararamdaman sa kanya. Sa tingin ko ay mabait naman sila. Mabuti narin siguro itong may makausap at maging kaibigan ako dito maliban kay Callus.
Hindi nagtagal ay nakarating kami sa kusina. Malaki ang kusina at nandoon ang nasa hindi bababa na benteng taga silbi.
"Mga kasama, si Athena nga pala ang panauhin ng kamahalan" anunsyo ni Miranda sa mga kasama nya.
BINABASA MO ANG
Her Poisonous Blood ( COMPLETED)
VampirPaano kung dahil sa isang misyon mo ay mapunta ka sa lugar kung saan walang kahit na anong buhay ang makikita. Tila tuluyan ng namatay ang lugar dahil sa isang misteryosong trahedya na nangyari 20 years na ang nakakaraan. Makayanan mo kaya kung mala...