III

329 29 0
                                    

                 ⚜ The Arrival

Nasa bungad ako ngayon ng mga nagtataasang pader ng kaharian. Bahagya kong dinahanan ang pagpapatakbo kay Kala ng makapasok kami sa loob nito. Tumambad sa akin ang malawak na daan kung saan may mga patay na kahoy ang naka kalat sa paligid. Walang kahit na anong halaman ang buhay. Tulad ng bayan ng Tirya, wala ring buhay ang kahariang ito.

Pinatakbo kong muli ang kabayo habang sinasalubong ang malamig na hangin na nagbabadya ng pag ulan. Nang makarating kami sa bungad ng higanteng pinto ay bumaba na ako. Itinali ko muna si kala sa isang poste kung saan hindi sya mababasa.

Marumi ang paligid, may mga nagkalat na patay na dahon at mga sanga ng kahoy. Maging ang simoy ng hangin ay nakikisabay rin sa lungkot ng paligid.

Kumatok ako ng ilang beses ngunit walang sumagot kaya naman bahagya kong binuksan ang pinto na gumawa ng ingay sa loob. Nang makapasok ako ay muli ko rin itong isinara. Naghari ang katahimikan sa loob at tanging mga naglalakihang kandila lang na naka dikit sa bawat pader ang nag sisilbing liwanag.

Ngayon palang ako nakapasok sa isang palasyo at hindi ko maikakailang nakakamangha ang loob nito malayo sa walang buhay nitong itsura sa labas. May mga kuwaderno na naka dikit sa dingding pero lahat ay may takip ng tela. Maging ang mga bintana. Wala ring ibang kulay ang nakikita ko kundi pula, ginto at itim lang. Masasabi kong napaka ganda ng loob nito.

May malaking hagdan sa gitna kung saan nahahati ito sa dalawa. Madilim ang parteng iyon dahil sa anino. Hindi rin sapat ang mga ilaw ng kandila para magsilbing liwanag sa buong lugar.

May kaba akong nararamdaman ngunit sinikap ko paring labanan ito. May kung anong kakaibang takot ang hatid saakin ng lugar.

"May tao ba dito?" umalingawngaw sa buong paligid ang boses ko. lumipas ang ilang minuto ngunit walang sumagot kaya napagdesisyonan kong maglakad nalang muli pabalik sa pinto pero biglang may nagsalita mula sa likod ko.

"Sino ka?" tinig mula sa malalim na boses ng isang lalaki. Dahan dahan akong napalingon at tumambad ang isang lalaking may talukbong. Nakatayo sya sa itaas ng kaliwang hagdan. Hindi ko makita ang mukha niya dahil narin nasasakop sya ng dilim at tanging pigura niya lang ang nakikita ko.

"M-Magandang a-araw.... Ako si Athena... ah..pwede ba akong makituloy dito?" nag aalangan man ay tinuloy ko parin. Masyado akong nilalamon ng kaba dulot ng presensya niya. Parang may kung ano sa kanya na kakaiba.

"Delikado ang lugar na ito" alam kong delikado ang lugar na ito pero kung may tumira dito. Ibig sabihin lang non ay ligtas ako hanggat nandito ako.

Isa pa ay mukha namang hindi ito ang sinasabing tirahan ng halimaw.

"Nandito ako para sa isang misyon. 'Wag ka mag alala hindi naman ako magtatagal" pansamantala lang naman talaga habang wala pa akong nahahanap na pwedeng masilungan.

"Ikalawang palapag sa kanan, maaari kang pumili ng silid mo" tugon nya bago maglaho sa dilim habang ako ay naiwang tulala.

Ilang segundo bago ako nabalik sa sarili at kumuha ng isa sa mga kandila. Dahan dahan lang ang pag akyat ko ngunit nasa kalagitnaan palang ako ng hagdan ng marinig ang ingay mula sa higanteng pinto sa kaliwa.

Imbis na pumunta sa kanan ay kumaliwa ako at pumasok sa higanteng pinto na may kaunting bukas. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita, isang mahabang mesa na may nakalatag na mga pagkain. Tila nagwawala bigla ang sikmura ko at gusto nang lantakan ang mga pagkaing nakahain.

Ano ba Athena, napaka patay gutom mo naman. Napabuntong hininga nalang ako at umalis na doon. Baka kung anong isipin ng may ari ng palasyong ito sa akin.

Her Poisonous Blood ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon