⚜Escape⚜
Tulala lang ako dito sa kwarto habang pinagmamasdan ang malakas na buhos ng ulan sa labas. Sinasabayan rin ito ng pag kulog at pag kidlat.
Matapos ang naging usapan namin kanina ni Callus ay hindi na ako lumabas ng kwarto hanggang sumapit ang gabi.
Paano ako makakahanap ng sagot sa mga tanong ko kung hindi naman pala ako pwedeng umalis? Isa pa noong pumunta ako dito, wala namang halimaw ang nagpakita sa akin maliban nalang sa mga asong lobo na muntik na akong lapain.
Bahagya akong nahiga habang ginugulo ang ulo ko. Diko alam ang gagawin ko ngayon. Hindi ko na alam kung paano makaka uwi saamin.
Napabuntong hininga nalang ako at marahang pinikit ang aking mga mata ng biglang may naramdaman akong kakaiba sa paligid. Pumasok ang malamig na hangin sa terrace ng kwarto at tila ba may nakatingin sa akin.
Agad akong napabangon ng makaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kaba. Tuloy parin ang malakas na ulan sa labas at hinahangin rin ang kurtina.
Walang ilaw sa loob ng kwarto kaya hindi ko maaninag kung sino man ang nakatingin saakin.
Napapitlag ako ng maaninag mula sa liwanag ng kidlat ang isang anino sa kurtina ng balkonahe. Dahan dahan itong naglakad papasok at doon na huminto ang mundo ko ng makita kung anong nilalang ang nasa harap ko ngayon.
"Ahhhhhhhh!" Isang malakas na sigaw ang lumabas sa bibig ko ng mapagtanto kung ano ito. Isang malaking asong lobo, pero di gaya ng mga napatay ko ay mas malaki ito. Hindi ko masabi kung anong klase ito dahil kakaiba ito.
Ang mga matatalas nitong pangil na nag lalaway at ang mga gintong mata nitong tila anong oras ay lalapain ako.
Halos pigil ang hininga ko ng magtama ang paningin namin. Tumakbo agad ako malapit sa pinto.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at nag hahangos na pumasok si Callus. Agad itong napa tingin sa akin na tila subrang nag aalala ang mga mata nya.
"C-Callus.." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang mag iba ang anyo ni Callus at unti unting nagiging tulad ng lobong nasa harap ko.
Shit Callus!
Hindi na ako makahinga dahil sa mga sunod na nangyari. Sinugod ni Callus ang lobo at naglabanan sila sa harap ko. Parehas sila ng itsura maliban nalang sa kulay ng balahibo nilang itim at puti, tila handang patayin ang isat isa. Ang mga gintong mata nila na lumiliwanag sa madilin na silid at ang bawat tunog nila na lalong nakakapa taas ng balahibo ko.
Callus ito ba? Ito ba ang halimaw na sinasabi mo kanina? Isa ka sa kanila? Kaya ba dito ka rin naka tira?
Ang daming tanong sa isip ko. Hindi ko alam kung sino pa bang pagkakatiwalaan ko dahil sa mga nasasaksihan ko ngayon.
Hindi nagtagal ay sinakal ni Callus ang kalaban at unti unti itong naging tao na tulad nya. Hindi nya ito binitawan hanggang sa hindi ito malagutan ng hininga. Bumagsak sa lapag ang lalaki na wala ng buhay at puro dugo ang leeg at katawan.
Halos habol parin ang hininga ko habang pinapanood si Callus na bumalik sa dati niyang anyo na tao.
Nang bumalik na sya sa dati, tanging damit pang ibaba nalang ang natira sa kanya kaya kitang kita ang batak niyang katawan.
Napatingin sya sa akin kaya naman nag iwas ako ng tingin at napaatras ng maramdaman na papunta sa sya akin.
"Athena" nag aalala ang boses nya. Bahagya syang napa hinto kaya tumingin narin ako sa kanya. Ang dami kong tanong sa kanya. Kita ko ang pag aalala sa mukha nya.

BINABASA MO ANG
Her Poisonous Blood ( COMPLETED)
VampirPaano kung dahil sa isang misyon mo ay mapunta ka sa lugar kung saan walang kahit na anong buhay ang makikita. Tila tuluyan ng namatay ang lugar dahil sa isang misteryosong trahedya na nangyari 20 years na ang nakakaraan. Makayanan mo kaya kung mala...