Isang linggo ang lumipas simula ng malaman namin ang lahat at magkaayos ang mga taong mahal ko. Sa isang linggong iyon ay malaki na agad ang nagbago. Kahit papaano ay maayos na ang buhay ni inay at itay. Malaya narin silang makakapasok ng palasyo kung nais nila.
Naninibago man ay masaya ako lalo na dahil tinuturing na ako ng lahat bilang anak ng hari at reyna.
Malaki rin ang pasasalamat ko dahil nanatili rin sina Callus, Luna, at Vlad dito sa palasyo.
"Hay grabe, kahit dito nalang ako tumira" pabirong sabi ni Callus habang naglalakad lakad kami sa buong palasyo.
"Wow, feeling tao?" Sarkastiko namang tanong ni Luna.
"Kasi naman, halos lahat ata ng mga taga silbi nila Athena ay magaganda." Nakangiti nitong sabi at tila inaalala pa ang mga pangyayari.
"Ah talaga?" Utas naman ni Luna at palihim na umirap. Natawa rin ako ng mahina dahil mukhang nagseselos si Luna.
"Bakit? Ikaw nga eh, todo pacute sa isang guwardya." Asar naman ni Callus, tiningnan naman sya ni Luna na halos hindi makapaniwala sa narinig.
"Talagang hindi kompleto araw mo hanggat di mo nasisira ang araw ko 'no?" Inis na tanong ni Luna at akmang hahampasin na si Callus ng masalubong namin ang isang grupo ng mga tagapagsilbi. Agad silang napahinto ng makita kami at yumuko saamin bago muling maglakad.
"Nabalitaan ko nga na may natagpuan daw na mga bangkay ng mga lalaki sa gubat kanina. Mukhang kinagat daw ng mabangis na hayop sa leeg." Rinig kong sabi ng isa sa mga tagapagsilbi sa mga kapwa nya kasama.
"Kaya nga, natatakot na tuloy ang mga nangangaso na pumunta ng gubat." Dagdag pa ng isa bago sila tuluyang makalayo.
Lihim kong sinulyapan si Vlad. Hindi ko sigurado kong narinig nya rin ba iyon pero iba ang nararamdaman ko.
Kinagabihan ay naisipan kong magdala ng kape sa hari. Nasa pintuan na ako ng nakasaradong pinto ng aksidente kong marinig ang nag-uusap sa loob. Mukhang hindi pa natatapos ang pagpupulong ng mga konseho dahil sa sari-saring mga boses na naririnig ko mula sa loob.
Akmang aalis na ako ng hindi sinasadyang marinig ko ang sinasabi ng isang lalaki mula sa loob.
"Mahal na hari, bukod sa natagpuang mga bangkay kaninang umaga sa gubat ay may natagpuan nanaman ngayon na bangkay ng mga babae sa magkakaibang eskinita sa bayan. Ayon sa mga sumuri ng bangkay, pareparehong kagat sa leeg ang kinamatay nila. Wala naring mga dugo ang lahat ng bangkay. Hinala ng mga taga bayan ay isang mabangis na hayop ang sumasalakay at nambibiktima."
"Mahal na hari, natatakot na ang mga tao lalo na ang mga malapit nakatira sa gubat."
Rinig kong sabi ng mga konseho. Dahil sa pagkabahala ay agad kong nilisan ang lugar na iyon at nagtungo sa silid namin. Pagdating doon ay hindi ko nadatnan si Vlad kaya naman nagtungo ako sa silid ni Callus ngunit wala rin ito doon. Mas lalo akong kinabahan kung kaya nagtungo ako sa silid ni Luna. Hindi paman ako nakakarating ay nasalubong ko na sya sa pasilyo. Mukhang may hinahanap rin ito.
"Gosh mabuti at nakita kita" saad ni Luna at dali dali akong nilapitan.
"Luna may alam kaba sa mga balita?" Panimulang tanong ko. Hinila nya naman ako sa medyo madilim at walang taong parte ng pasilyo.
"Athena, maging kami nina Callus at Vlad ay nagtataka sa mga balita." May halong pag-aalalang sabi ni Luna.
"Luna, hindi maganda ang kutob ko. Sa tingin ko, hindi mabangis na hayop ang umaatake sa bayan." Saad ko.
"Ako rin, pero imposibleng white tribe at ang Clan natin ang may pakana nito. We are all trained to control our cravings sa dugo ng tao. Don't worry, umalis ng palasyo sina Callus at ang kamahalan. Sa tingin ko, aalamin nila ang nangyayari." Sabi naman ni Luna na mas kinabahala ko.

BINABASA MO ANG
Her Poisonous Blood ( COMPLETED)
WampiryPaano kung dahil sa isang misyon mo ay mapunta ka sa lugar kung saan walang kahit na anong buhay ang makikita. Tila tuluyan ng namatay ang lugar dahil sa isang misteryosong trahedya na nangyari 20 years na ang nakakaraan. Makayanan mo kaya kung mala...