Capitol X
Parang lahat ng takot at lungkot ko ay nawala ng makita ko si Callus na nakangiti saakin. Grabe hindi ko akalaing sa sandaling pagsasama namin ay mamimiss ko sya.
Agad syang lumapit saakin. Napatayo naman ako sa kinauupuan ko at masayang niyakap sya. Grabe ang bango nya.
"Namiss kita subra" masaya kong sabi bago kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Inayos ko rin ang nagusot niyang damit.
"Ako rin" sabi pa nya. Malapad ang ngiti naming dalawa at para kaming magkapatid na matagal nag kawalay at ngayon lang muli nagsama.
Magtatanong pa sana ako ulit pero narinig namin ang biglang pagbagsak ng upuan. Napalingon agad ako at ganon nalang ang pagtataka ko dahil sa ginawang pag alis ng kamahalan.
Teka anong problema non?
"Hayaan mo na sya, ganyan talaga yan" sabi ni Callus ng makitang nakatitig ako sa paalis na kamahalan.
"Anong problema non? Hindi kaba nya namiss?" Wala sa sarili kong tanong saka muling ibinalik ang tingin kay Callus na nakangiti parin.
Bahagya niyang ginulo ang buhok ko at ngumiti. "Masanay kana. Tara kain na tayo nagugutom na ako" dahil sa sinabing iyon ni Callus ay muling bumalik ang ngiti ko sa labi.
Kumain kami ni Callus ng nagtatawanan pa dahil sa mga kwento nya. Marami kaming pinag-usapan at isa na doon ang pagkawili ko sa libro sa silid aklatan.
"Mabuti at maayos ka" sabi ni Callus. Kasalukuyan kaming naglalakad lakad sa gilid ng palasyo kung saan ang mga punong nakahilera.
"Sa totoo niyan muntik na akong atakihin ng lobo" sabi ko sa kanya habang inaalala ang panahong muntik na akong mawala sa mundong ito.
"Ano? Paano? Bakit?" Napatigil kami sa paglalakad ni Callus ng hawakan niya ang magkabilaang balikat ko at iniharap sa kanya.
Kita ko sa mukha nya ang pag-aalala dahil sa sinabi ko.
"K-kasalanan ko, nagwawala kasi si Kala kaya nabitawan ko ang tali nya. Tumakbo sya kaya hinabol ko. Hindi ko napansin na may nakaharang palang lobo sa daanan kaya ayon muntik na" kwento ko sa nangyari.
"Mabuti nalang dumating ang kamahalan at pinatay nya ang lobo. Nakakapagtaka lang kasi bigla nalang syang sumulpot ng ganon kabilis. Kahit kauri mong lobo ay hindi sya napansin" hanggang ngayon ay palaisipan parin talaga saakin ang pabigla biglang pagsulpot ng lalaking yun.
"Mabuti naman kung ganon" sabi nya at bahagyang ngumiti.
"Callus...lobo rin ang kamahalan diba? Pero bakit hindi ko pa ata sya nakikitang nagpalit ng anyo" sa tanong kong iyon ay bigla nalang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Callus.
Nawala ang ngiti sa labi nya at napalitan ito ng pagkabalisa. Agad syang umiwas ng tingin ng makita ang pagkunot ng nuo ko.
Binitawan nya narin ang balikat ko at muling tumingin sa daanan samantalang ako ay hindi parin inaalis ang tingin sa kanya.
Pakiramdam ko ay may tinatago si Callus saakin.
"Callus" tawag ko sa kanya. Tila nabigla sya dahil hindi sya kaagad naka sagot.
"B-bakit?" Nakakapagduda na talaga itong si Callus. Kanina ang ayos ayos tapos ngayon nauutal at parang kabado.
"Pwede ko bang malaman ang pangalan ng kamahalan?" Sa tanong kong iyon ay tila tuluyang namutla ang mukha ni Callus kaya kinabahan ako.
"C-Callus namumutla ka, ayos kalang?" Nag-aalala kong tanong sa kanya. Ano bang nangyayari sa kanya?
"H-hindi ko alam eh, pasensya na" napakamot sya sa batok nya at umiwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
Her Poisonous Blood ( COMPLETED)
VampirPaano kung dahil sa isang misyon mo ay mapunta ka sa lugar kung saan walang kahit na anong buhay ang makikita. Tila tuluyan ng namatay ang lugar dahil sa isang misteryosong trahedya na nangyari 20 years na ang nakakaraan. Makayanan mo kaya kung mala...