Ang buong akala ko ay kaya kong talikuran gamit ang galit ang taong kahit kailan ay hindi ko lubusang kilala. Ang taong matagal ko nang hinahanap ngunit matagal ko na palang nahanap. Ano mang gawin kong paglayo sa kanya ay namamalayan ko parin ang sarili kong bumabalik sa piling nya, itanggi ko man ito ay hindi ko maipagkakaila na para kami sa isat isa.
I am mated to a vampire.
He is my beloved.
Not just a vampire but a prince, a ruler, and the dangerous one.
Namalayan ko nalang ang sarili kong nakangiti habang pinagmamasdan ang maamo nyang mukha. Nakapikit ito at walang damit pang itaas.
Marahil ay ito na ang pinaka magandang umaga ko. I can't believe that this hot vampire is other half.
"Hindi naman kaya ako matunaw, kanina kapa nakatitig."
Agad akong napalayo at dali daling gumawa ng distansya ng magsalita si Vlad kahit paman nakapikit pa ito. Unti unti ring sumilay ang mapanuya nitong ngiti bago nagmulat ng mata at mataman akong tinitigan.
"How's you morning?" Malambing nitong tanong habang ako ay namumula na sa hiya at hindi parin makatingin ng diretso sa kanya.
"M-maayos naman" nauutal kong sagot.
"Come here" pagkuwan ay nilahad nya ang kanyang braso para doon ay pahigain ako. Agad naman akong lumapit at ngayon ay sya naman ang nakasandal.
"Vlad?"
"Mmmm?"
"Paano mo nalamang other half mo ako? Ang pagkakatanda ko kasi, ang sabi mo dati you are mateless." Ngayong umaga ko lang naisip na nasabi nga pala saakin noon ni Vlad na mateless sya. Kaya paanong naging mate nya ako?
"Remember when I was being poisoned? Your blood is the cure. Isa pa, when I first saw you, I know there is a connection. I can feel it. I tried to avoid you, pero nang masugatan ka at naamoy ko ang dugo mo, that moment I knew you were my mate."
Sandali akong hindi nakaimik sa mga sinabi ni Vlad. Kaya pala ganon nalang ang epekto nya saakin, hindi lang pala ako ang nakaramdam non. Maging sya ay nahihirapang labanan ang koneksyon naming dalawa.
At ngayong nakilala na namin ang isa isat, mas mahirap para saamin lalo na sa katulad ni Vlad na bampira ang malagay sa alanganin ang mate nya. Ngayon ay mas naintindihan ko na kung bakit ganon nalang ang galit nya ng malamang nasa sentero clan ako.
"Akala ko, mateless ako. I've been living my life for so long. At ni minsan, hindi ko naramdaman ang ganito." Pabuntong hininga nitong sabi. Naramdaman ko rin ang kamay nitong humahamplos sa balikat ko.
"Nagsisisi kabang sa isang tao kapa naitakda?" May pangamba sa tono ng tanong ko. Mariin naman syang umiling at mataman akong tiningnan sa mata.
"Why would I? Matagal akong nabuhay sa mundo na puro galit at gulo. Now that you came, I want to live with you. Mahal kita, Athena, mated man tayo sa isat-isa o hindi, I will choose to love you no matter what." Sinsero nitong sabi saka marahan akong hinagkan.
Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. Agad ito pinunasan ni Vlad at saka hinalikan akong muli sa nuo.
"Mukhang maganda gising natin ah" Mapanuyang asar ni Callus ng makita nya ako sa silid aklatan. Kanina pa hindi mawala ang mapang-asar nitong ngiti simula ng makita ako.
"Pinagsasabi mo?" Mataray kong sabi saka sya pilit na tinataboy.
"Asus, kayo naba ni kamahalan?" Mapang-asar ulit nitong tanong kaya naman hindi na ako nagdalawang isip at hinampas na sya ng libro. Agad naman syang nakatakbo kaya nauwi sa habulan ang usapan naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Her Poisonous Blood ( COMPLETED)
VampirePaano kung dahil sa isang misyon mo ay mapunta ka sa lugar kung saan walang kahit na anong buhay ang makikita. Tila tuluyan ng namatay ang lugar dahil sa isang misteryosong trahedya na nangyari 20 years na ang nakakaraan. Makayanan mo kaya kung mala...