⚜The Plan⚜
20 years later
"Hoy Athena bumalik ka dito! Hindi pa tayo tapos!" sigaw ng mga galit na galit na grupo ng mga lalaki habang hinahabol ang isang babae. Tumatawa pa ito habang tumatakbo at nakikihalo sa maraming tao.
Nagpaikot ikot sila sa pamilihan upang hanapin ang pilyang dalaga ngunit bigo silang mahanap ito hanggang sa kusa nalang silang sumuko at umalis. Sa isip nila ay may araw rin ang babaeng iyon sa kanila.
"Mga mahihina" natatawang sabi ni Athena sa sarili habang pinagmamasdan ang grupo ng mga lalaking kanina lang ay hinahabol sya. Malayo na ito kaya naman hindi na nila napansin ang dalaga. Napailing iling nalang sya sa sarili dahil nakatakas nanaman sya.
"Saan ka nanaman galing at ganyan ang itsura mo?" agad kung inayos ang buhok ko na magulo ng mapansing naka abang na sa pintuan ng bahay ang nanay ko. Nakapamewang pa ito at tila hindi nanaman nagustuhan ang pag uwi ko na ganito ang itsura. Isang pilit na ngiti lang ang isinagot ko dahil siguradong masesermonan nanaman ako.
"Nakipag karerahan ka nanaman ng kabayo sa grupo nila Rodrigo ano?" hindi ako umimik at yumuko lang hanggang sa marating ko ang pinto kong nasaan nakatayo ang nanay ko.
"Hindi bat sina-"
"Nay, sayang rin naman kasi yung perang mapapanalunan ko doon. Isa pa pabor pa nga sa- arayyy" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng pingutin ni nanay ang tenga ko. Hindi naman iyon ganon kasakit.
"Ikaw bata ka, ilang beses ko bang sasabihin sayo na 'wag ka nang makikipag kasundo sa mga loko lokong iyon. Babae ka panaman, ano nalang ang-" hindi natapos ni nanay ang sasabihin nya ng biglang pumasok mula sa pinto ng kusina si tatay dala dala ang mga kahoy na sinibak nya.
"Nagtatalo nanaman kayo" natatawang sabi ni tatay dahil hindi na maitsura ang mukha ni nanay dahil sa inis sa akin.
Naglakad na kami ni nanay papasok ng bahay at nag tungo sa kusina.
"Pagsabihan mo nga itong anak mo Jose, napaka tigas ng ulo. Paano kung mapahamak ka, babae ka parin Athena" pagpapaalala ulit ni nanay habang ako naman ay naghanda na ng hapunan.
"Nay nag iingat naman po ako, tsaka mas gusto ko pong kahit papaano ay nakakatulong ako sa gastusin dito sa bahay" pag aalma ko.
"O sya naiintindihan ko naman ang gusto mo anak pero sana sa ibang paraan nalang, 'wag doon sa alam kung mapapahamak ka" isang tango nalang ang isinagot ko at nagsimula ng kumain.
Kinabukasan ay maaga akong nagtungo sa tindahan ng libro sa bayan. Araw ng lunes ngayon at malamang may bago silang mga aklat. Gusto ko rin bumili para naman may bago akong mababasa kapag tatambay ako sa gubat o kaya nagpapahinga sa pag iinsayo.
Tutol ang mga magulang ko sa mga hilig kong gawin tulad ng pangangabayo dahil baka mahulog daw ako doon at mabalian ng buto. Ayaw rin nila ang pagka hilig ko sa pagpapana ng palaso, kaya madalas ay nagdadahilan ako na may pupuntahan sa bayan para naman makapag insayo ako sa gubat. Tanging ang pagka hilig ko lang sa libro ang hindi nila hinahadlangan.
Minsan naiisip ko rin kung bakit mas gusto ko ang mga ganoong gawain. Kung ikukumpara sa ibang mga dalaga dito sa'min na puro pagpapaganda lang ang alam ay malayong malayo ako sa kanila.
Wala akong hilig sa pananamit at pag aayos. Kung pwede nga lang mag damit lalaki ay gagawin ko eh dahil mas komportable ito kaysa sa mga saya.
Nang makarating ako sa bayan ay agad akong dumiretso sa tindahan ni lolo Arturo na siyang may ari ng tindahan ng libro dito.

BINABASA MO ANG
Her Poisonous Blood ( COMPLETED)
VampirosPaano kung dahil sa isang misyon mo ay mapunta ka sa lugar kung saan walang kahit na anong buhay ang makikita. Tila tuluyan ng namatay ang lugar dahil sa isang misteryosong trahedya na nangyari 20 years na ang nakakaraan. Makayanan mo kaya kung mala...