Prologue

727 28 0
                                    


Taong 1620

Malakas ang buhos ng ulan na may kasamang pag kulog at pagkidlat. Tila galit na galit ang kalangitan na para bang may dilubyong darating.

"Kamahalan, kamahalan!" Sigaw ng isang matandang lalaking kuba. Nagmamadali itong tumatakbo sa kahabaan ng madilim na pasilyo kung saan may isang lalaki ang nakatayo. Nakabalot ito ng itim na talukbong habang nakaharap sa bintanang gawa sa salamin.

"M-Masamang balita kamahalan.." Huminga muna ito ng malalim bago muling magsalita "nawawala ang sanggol ng Hari at Reyna kung kaya galit na galit ang taong bayan at ikaw ang pinagbibintangan nilang kumuha nito" nakayuko lamang ang matanda habang inaantay ang magiging sagot ng lalaking nasa harap nya.

"Ano ba ang kasarian ng sanggol na tinutukoy mo?" galing sa isang malamig na boses na tila ba hindi man lang nasindak sa ibinalita ng matanda.

"Paumanhin kamahalan ngunit hindi ko na natukoy ang kasarian ng nawawalang sanggol. Ngunit ang mga tao kamahalan....balak ka nilang sunugin kasama ang iyong palasyo" kabadong saad nito. Sandaling nag hari ang katahimikan, walang kahit na anong reaksyon ang lalaking kanina pa naka tingin sa bintana.

Kitang kita ng kanyang dalawang mata ang mga tao na may dala dalang mga sulo patungo sa kanyang palasyo. Hindi na gaanong malakas ang ulat ngunit hindi parin maawat ang pag kulog at pag kidlat. Kasabay ng nag ngangalit na kalangitan ay ang mga sigaw ng tao sa ibaba.

"Wala ka na bang ibang balita na masisindak ako?" walang gana nitong tanong na hindi inaalis ang paningin sa mga taong nagpupumilit pumasok sa kanyang kaharian.

"K-kamahalan ayon sa manghuhula.." napatigil muna ang matanda at nagdadalawang isip kung itutuloy pa ba nya ang sasabihin.

"Ayokong pinaghihintay" saad ng lalaki dahilan para mapahinga ng malalim ang matandang lalaki para malabanan ang kabang nararamdaman.

"Ayon sa manghuhula, ipinanganak na ang taong makakapaslang sa iyo kamahalan" naninginig ang boses ng matandang kuba at hinihintay kung ano ang magiging reaksyon ng lalaking nasa harap nya.

Isang malakas na tawa na puno ng pagka sarkastiko ang bumalot sa buong paligid. "Ilang libong taon ko ring inantay ang pagkakataong ito at ngayon...hihintayin ko nalang ang pagkikita namin" sa pagkakataong iyon ay humarap na ang lalaki. Agad namang tumabi sa gilid ang matanda at yumuko upang mag bigay galang. Naglakad na ito palayo sa bintana at pumasok sa kanyang silid na hindi manlang nababahala sa mga nalaman.


#HerPoisonousBlood

Her Poisonous Blood ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon