chapter 18
"Babe? Mukhang malalim ang iniisip mo ah" bungad ni Mae pagkakita kay Stephen.
Nakaupo ang binata sa ilalim nang punong mangga habang nakatingin sa malayo. Pinagmamasdan ang kabukiran, ang kanyang pinahirapan sa maynila. Nilingon nang binata ang nobya at ngumiti.
"Hindi naman. Halika babe, upo ka. Namiss ko lang ang ganito. Tahimik, tapos sariwa pa ang hangin" saad nang binata.
Naupo ang dalaga at tinabihan ang binata.
"Nakakainggit ka nga eh, may uuwian ka na ganito samantalang ako wala. Puro buildings lang makikita mo, puro usok pa ang malalanghap mo. kapag ako tumanda, gusto ko dito" sabi nang dalaga habang komportable na nakahilig sa binatang katabi.
"Pwede naman tayong dito na tumira. Umpisahan na natin ngayon" nakangiting pahayag nang binata.
Kumunot ang noo nang dalaga at tiningnan ang kasintahan.
"Ano naman kaya yun? Kung sakin lang, oo ako pero we still have our works sa manila kaya" sabi ni Mae.
Tumuwid nang upo ang binata at tumingin sa paligid.
"Alam mo babe, lately, naiisip ko na bumalik dito. Gusto ko nang iwan ang maynila at dito na lang magtrabaho. Lalo na ngayon, nagkaganyan nga ang tatay" pahayag nang binata.
"Iiwan mo ako doon? eh pano ako? Hindi naman sarili ko lang ang binubuhay ko eh. Wag ka naman ganyan babe. Oo naintindihan ko ang gusto mo sabihin pero paano na tayo?" tanong nang dalaga.
Hindi gusto nang dalaga ang ideya na magkakahiwalay sila nang binata. Sa lahat nang nakarelasyon niya, si Stephen lang ang nagbigay sa kanya nang totoong kahulugan nang pagiging isang babae. Simple, mapagmahal at maunawain, mga katangian na gusto niya sa isang lalaki bukod sa anyo nito.
"Hindi naman mawawala ang pagmamahal babe, at hindi kita iiwan. Sumagi lang sa isipan ko ang mga nangyari. Kahit malayo ka o malapit, wala naman pinagkaiba eh. Kasi ikaw lang ang nagiisang kayamanan na masasabi kong sa akin. Hindi maaagaw nang sino man, hindi ipagpapalit sa kahit anong tukso na dumating sa buhay ko. Nagiisa ka mahal ko, nagiisang nagmamayari sa puso ko" nakangiting saad ni Stephen sa dalaga.
Hindi napigilan ni Mae ang pagpatak nang luha. Hindi dahil sa iniisip nang binata kundi dahil sa naguumapaw na pagmamahal galing sa binata. Lumapit ang mukha nag binata at kinintalan nang halik ang dalaga. Buong tamis naman na tinanggap nag dalaga ang halik nang binata at inabot niya ang batok nag kasintahan. Naghiwalay ang kanilang labi at yumakap nang mahigpit si Mae kay Stephen. Masaya siya nang oras na yon. Mahal na mahal niya ang binata at kahit anong mangyari, hindi siya bibitaw sa sinabi nang binata.
"I love you Stephen" bulong ni Mae. Muling humalik ang binata at nang maghiwalay ang kanilang labi ay pinakatitigan niya ang mata nang dalaga at bumulong.
"Mas mahal kita Luisa Mae"
-------
Naghihintay sa salas nang apartment ang isang dalaga. Nakabihis ito nang simpleng blouse shirt na natatakpan nang mini jacket at blue fitted jeans na tinernohan nang dilaw na doll shoes. Nakapony-tail ang buhok at tanging pulbos at manipis na lipgloss sa mukha. Maybitbit na bag na naglalaman nang kanyang mga personal na gamit.
"Ate Wendy! Hindi ka na ba talaga mapipigilan? Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong ni Danica habang nakakapit sa hawakan nang hagdanan.
Nilingon nang dalaga ang bakla at walang sabing binato ito nang katabing throw pillow.

BINABASA MO ANG
Expensive Hearts
RomanceSi Luke Harris ay isang binatang walang alam sa kanyang totoong pagkatao. Naaksidente ang mga magulang nya at sa kasamaang palad ay nakasama siya sa nahulog na sasakyan sa gilid ng bundok. Natagpuan siya ng kasalukuyan nyang kinikilalang ama na pina...