Chapter 5

59 2 0
                                    

Hindi mawala sa isip ni Stephen ang mukha ng babaeng nakita niya kanina sa palengke. Kanina pa siyang nakahiga ngunit talagang hindi siya dalawin ng antok. "AHHHH!! Matulog ka na Estong, may lakad ka pa bukas!" inis na sabi niya sa sarili at tinakpan ng unan ang kanyang mukha. 

Maagang nagising ang binata at nagtimpla ng kape. Dumampot siya sa supot ng pandesal at isinawsaw sa kape sabay subo.

"Oh ano Estong, san ang raket ngayon?" bungad sa kanya ng tiyuhin na nuoy naghahanda na para pumasok sa pabrikang pinagtatrabahuhan.

"Wala pa akong alam tsong, magbabakasakali na lang siguro ako sa banda banda dyan baka swertehin. Nakakahiya na din ho eh, ni hindi man lang ako makatulong dito kahit pambili man lang ng kape" napapakamot na sagot ng binata.

"Sus naman itong batang ito. Wag mo nang intindihin yun ano ka ba. Ang mahalaga eh makahanap ka ng permanenteng trabaho para makapagpadala ka sa tatay mo. Pati sinabi ko na din kay pareng Teban na ako muna ang bahala sayo hangga't nasa poder kita" nakangiting sabi ng tiyuhin.

"Salamat tsong" sabi ng binata.

"Sya ikaw na ang bahala sa bahay ah, aalis na ako. Anong oras umalis si Vincent?" tanong ng tiyuhin.

"Mga alas sais ho. sige ho ingat na lang kayo" paalam ng binata.

Lumabas na si Jaime at nagiisa na lang na naiwan si Stephen sa bahay. Iniisip nya kung saan naman kaya siya makaka-sideline ngayon.

"Ah bahala na si batman" wika niya sabay tayo at nag umpisa na sa paghahanda sa pag alis nya.

----------

"Hi sis, aga ah" masiglang bati ni Nicky kay Wendy.

"Subukan mong tumira sa bahay, Mas gugustuhin mo pang pumasok ng maaga kesa makinig sa kwento ni Danica. Dalawa nga lang kami sa bahay eh parang isang barangay ang katumbas kapag tumili na ang baklitang yun eh" inis na sagot ni Wendy sa kasamahan.

"Bakit? May bagong papa na naman ba? Naiinggit ka na naman ba dahil naka isa na uli sya pero ikaw hindi pa?" nanlalaking mata na bulong ni Nicky sa kaibigan.

Sukat doo'y napatayo si Wendy sa kinauupuan at pinandilatan ang kausap.

" Hoy! Sinong naiinggit? Ako? Bakit naman ako maiingit dun eh ni hindi pa nga niya kilala eh" nakasimangot na sumbat ng dalaga sa kasamahan.

"Nangitian lang eh Binoypred na agad sa pantasya nya" dagdag pa nito. 

"Wendy what's my schedule for today?" bungad ng boses sa harapan nila dahilan para matauhan ang magkaibigan.

Dali-daling kinuha ni Wendy ang planner nya at binasa sa amo ang mga aktibidades niya sa araw na yun.

"That's all for now sir" ngiting sabi ng dalaga.

"Ok, Thanks, Oh at pakitimpla naman ako ng kape ah, black, thanks ulit" nakangiting pakiusap ng amo sa dalaga. Nakapasok na ang amo nang kalabitin siya ng kasamahan.

"Bakit kaya ganyan yan noh? Masyadong mabait. tapos nakita na tayo kanina na nagkukwentuhan pero ngumiti lang" nagtatakang tanong ng kaibigan sa dalaga. Nagkibit balikat lang ang dalaga at nag umpisa na gagawin.

Nakarinig ng katok si Romeo habang nagbabasa ng files na nakalatag sa mesa nya. "Come in" walang lingon na tugon nya.

 "Sir your coffee po" sabi ng dalaga. Nilingon ng lalaki ang kape at humigop.

"Thanks, ah Wendy samahan mo ako mamaysa sa photoshoot ng mga bagong items natin bago tayo dumeretso sa lunch meeting kay Ms. Diaz" sabi ng lalaki.

Expensive HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon