chapter 19
"Sir? Anong ibig sabihin po nito?"
Nasa opisina nang Human Resources si Stephen para mag pasa nang resignation letter. Napagusapan na nila ni Mae and desisyon nang binata. Nagkaroon sila nang kaunting pagtatalo pero sa huli ay pumayag na din ang nobya.
"Hindi naman sa nire-reject ko ang letter mo pero kelangan mo pa kasi yang papirmahan kay Sir Romeo eh. Pero sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo iho? Maganda ang performance mo at gusto ka nang lahat nang empleyado rito. Sa tagal na din nating magkakasama eh parang iisang pamilya na din tayo dito." sabi ni Mr.Galvez, ang heard nang HR.
"Alam ko po yun sir. Nagpapasalamat nga po ako na kahit hindi ako yung tipo na madaming alam ay pinagkatiwalaan nyo pa rin ako. May mga pangyayari lang talaga sa buhay nang tao ang hindi maiiwasan at mahirap tanggapin. Mahirap para sakin ang iwan kayo dahil sabi nyo nga, pamilya na tayo at hinding hindi ko makakalimutan yon" saad naman ni Stephen.
Ngumiti ang head bilang pagsangayon. Tumayo na ang binata at nagpaalam.
"Salamat po sir, babalik na lang uli ako mamaya kapag may pirma na ni Sir Romeo" paalam nang binata.
"Sige iho, magiingat ka" sagot nang matanda.
Lumakad na palabas ang binata ngunit muli itong humarap.
"Oh iho, may nakalimutan ka pa ba?" tanong nang matanda.
"Sir, pakiingatan ang mahal ko ha. Hindi ibig sabihin na wala na ako eh pwede na syang palibutan nang mga manliligaw nya dati. Dadalaw pa din naman ako dito kahit papano" tumatawang bilin ni Stephen kay Mr.Galvez.
"Haha, loko ka talagang bata ka. Oo naman, alam naman yan nang lahat" masayang sagot nang matanda sabay tapik sa braso nito.
----------
Nakatingin sa kawalan si Wendy. Kanina pa nakabukas ang PC nya ngunit hindi pa din siya gumagalaw sa kinauupuan nya.
"TOK TOK" katok mula sa lamesa niya ang nagpabalik sa diwa nang dalaga.
"O-oh Mae ikaw pala" sabi ni Wendy.
"Hay naku sis, tulala ka na naman. Kanina pa kaya ako dito. May problem ka ba?" tanong ni Mae sa kanya.
"A-ah eh, w-wala naman! Wala eto. Napuyat lang ako kagabi kaya parang inaantok ako ngayon" sagot nang dalaga.
Tila nahihiyang ngumiti si Wendy sa kaibigan. Hindi nito alam na dahil sa kanilang dalawa nang boyfriend nito kung bakit siya nagkakaganon. Malalim na pagtingin niya kay Stephen pero hindi niya maintindihan kung bakit. Anong nagawa nang lalaki sa kanya at tila naghahabulan ang mga daga sa dibdib niya tuwing magtatagpo ang kanilang landas.
"Ano pala ang sadya mo sis?" tanong niya sa dalaga.
"Ah sasamahan ko si Stephen dito, nasa HR pa lang siya. Magpapapirma nang resignation letter" malungkot na pahayag ni Mae.
Napatayo sa upuan si Wendy at gulat na gulat sa narinig.
"Magreresign na siya!? Bakit?"
"Well, gusto na nya umuwi sa probinsya. Sabi nya mahina na daw si tatay Teban kaya siya na lang ang magpapatakbo nang kanilang farm doon. Actually pinag-awayan pa nga namin yun eh pero in the end naisip-isip ko na may point nga naman siya. Mas kelangan siya ngayon doon"
"Hindi na sya babalik?"
"Paminsan minsan na lang siguro. Bakit? Mamimiss mo? Hahaha" sabi ni Mae habang natatawa sa sinabi.

BINABASA MO ANG
Expensive Hearts
RomantikSi Luke Harris ay isang binatang walang alam sa kanyang totoong pagkatao. Naaksidente ang mga magulang nya at sa kasamaang palad ay nakasama siya sa nahulog na sasakyan sa gilid ng bundok. Natagpuan siya ng kasalukuyan nyang kinikilalang ama na pina...