Mainit na sikat ng araw na tumatama sa makinis nyang mukha ang nagpagising sa isang dilag. Nakapikit na umupo si Wendy sa kanyang kama. Sandali syang nagmuni muni bago
biglang minulat ang mata. Nilingon niya ang alarm clock sa tabi nya para lang mapasigaw.
"WWWAAAAAAA!!!!! late na naman ako!!!!" sigaw ng babae.
Dali dali nyang tinalon ang kama at tinakbo ang banyo.
Sya si Wendy Santos, 22 taong gulang. Kasalukuyan syang nagtatrabaho sa isang sikat na kumpanyang halos pinapangarap ng lahat na pagtrabahuhan. Isang katuparan para sa kanya ang makapasok doon dahil kilala din ito sa hirap ng standards at qualifications pagdating sa mga aplikante. Mapalad siya at naka pasok siya kahit fresh graduate pa lang.
Pabalibag na bumukas ang pinto at iniluwa ang babaeng nakatapis lang ng tuwalya. Mabilis nyang tinapos ang ritwal niya sa harap ng salamin pagkatapos mag bihis na mas mabilis pa yata sa world record.
"Ate Wendy!!!! Late ka na naman! bilisan mo at tanghali na!" sigaw ng binabaeng kasama niya sa appartment na kasalukuyang tinitirahan nya.
"Oo na heto nga't nagmamadali na eh!" ganting sigaw ng babae.
Nagmadaling sinuot ang heels at lumabas ng bahay na hindi man lang sinusulyapan ang almusal na nakahain.
--------------
"Hay sis anu ba naman yan, muntik ka na naman dun ah" bulong ng babaeng palapit sa mesa nya.
"Buzzer beater nga eh, HAIST! kasalanan mo eto eh. Sabi naman sayo na wag na tayong pumunta sa party na yon eh" inis na wika nya sa katabi.
"Eh sinabi ko ba sayo na maglasing ka ha?" sumbat ng kaibigang si Nicka.
Napasimangot na lang ang babae at hinarap ang trabaho.
Tahimik na nagtatype sa computer si Wendy ng tumunog ang telepono sa tabi nya.
"Good Morning, LHV fashion house office of the president, how can i help you?" sagot nya sa telepono.
"Wendy come to my office and bring the neccessary files that i need for our lunch meeting with Mr. Cantos.
"Okay sir" sagot nya at binaba ang telepono para umpisahang hanapin ang kailangan ng amo.
"Mr. Valdez, Sir nandito na po yung mga files na kailangan para sa meeting"bungad ng babae pagpasok ng opisina nito.
"Put it right there and be ready, we'll gonna leave in five" nakangiting sagot nito habang hindi inaalis ang telepono sa tenga.
"Sir kasama po ba ako?" gulat na tanong ng dalaga.
"Yes, hindi mo ba narinig yung sabi ko kanina na OUR lunch meeting at ikaw ang secretary ko kaya malamang sa malamang" nakangiting sagot ng amo.Napapahiyang ngumiti si Wendy sa amo na napansin naman agad ng nakatatanda.
"Okay lang yan, I guess this is your first right? nakangiting wika ni Romeo Valdez.
"Uhmm yes sir, it's just that uhmmm.... baka magkamali po ako eh" nagaalangan tugon ng babae.
"Dont worry, I'll guide you" sambit ng amo na nuo'y kasalukyang tinapos na ang tawag sa telepono.
"Let's go?" tanong ng amo.
Nakangiting tango na lng ang naisagot niya. "Mabait nga pla ang siya gaya ng sabi sakin ni Nicka" wika niya sa kanyang isipan.

BINABASA MO ANG
Expensive Hearts
RomanceSi Luke Harris ay isang binatang walang alam sa kanyang totoong pagkatao. Naaksidente ang mga magulang nya at sa kasamaang palad ay nakasama siya sa nahulog na sasakyan sa gilid ng bundok. Natagpuan siya ng kasalukuyan nyang kinikilalang ama na pina...