Chapter 27
"Sige na miss ganda. Kakain lang naman tayo dyan sa malapit na karinderya eh, sagot ko" pangungulit ng isang maton na lasing malapit sa may sakayan ng tricycle.
"Che! Lumayo nga kayo kundi tatawag kami nang pulis!" sigaw naman ni Danica habang nakakapit sa kamay ni Wendy.
"Lintik na bakla ito ah! Hindi ikaw ang kausap ko! Baka gusto mong tadyakan kita dyan." singhal nang lasing.
Pinagtitinginan na sila nag mga tao pero walang makalapit at makatulong dahil pawang mga takot ilang lahat sa maton na lasing. Kilala itong siga sa lugar at alam na pagaari nito ang tiretoryo kung saan sila naroroon ngayon.
Nagpasama lang si Wendy kay Dannica para maghanap nang damit na maisusuot para sa gaganaping party sa bahay ng mga Valdez. Pauwi na sila nang harangin sila nang limang mga nagiinuman sa may paradahan. May nagtangkang makialam pero nabugbog lang nang mga maton. Nanginginig na ang dala wa sa takot at tila maiiyak na.
"Minyong! Tarantado kang hayup ka! Pinagbawalan na kitang tumapak dito ah! Kanina lang kita pinagapang tapos manggugulo ka na naman!" sigaw nang isang lalaki mula sa tumpok nang tao na nakikiusyoso.
Tila naging yelo naman sa kinatatayuan ang maton at parang nahulasan nang mamataan kung sinong parating.
Napalingon naman sina Wendy at Dannica sa gawi nang sumigaw. Nanlaki ang mata nang dalawa nag makita si Luke na tila galit na galit sa lalaking humarang sa kanila.
Binigyan agad ni Luke nang isang malakas na suntok ang maton pagkatapos ay ubod lakas na tinuhod sa mukha. Tumakbo naman ang mga kasama nito nang mamukhaan ang lalaking nagpatumba sa kanilang lahat kanina sa likod nang palengke. Nakaluhod ang lasing na maton habang nagmamakaawa sa binata.
"Sa sunod na makita ko pa o mabalitaan na nanggugulo ka pa sa lugar na ito, magtago ka na sa saya nang nanay mo dahil tutuluyan na kita. Alis na!" sigaw ni Luke sa nagmamadaling umalis na maton.
Hindi makagalaw sina Wendy nang biglang may lumapit at nagsalita sa likod nang mga ito.
"Okay lang ba kayo Wendy? Sinaktan ba kayo nito?" tanong ni Vincent sa dalaga.
"Vincent?"
"Anong ginagawa nyo dito? Gabi na ah. Delikado pa naman dito kapag ganitong oras"
"Pauwe na naman kami eh. Actualy, sasakay na kami dyan sa sakayan nang hinarang kami ng mga yun. Salamat pala ha" kwento ni Wendy sa binata.
Lumapit si Luke sa kanila at inalam kung nasaktan ba sila. Nagulat naman ang dalaga sa hitsura nang binata. Naka sando lang ito pero nakapantalong slacks at balat na sapatos, medyo gulo ang buhok at may ilang pasa sa mukha pero hindi naman malma. Walang sabing napahawak sa dalawang pisngi ni Luke si Wendy at sinipat ang mga galos nito sa mukha. Naasiwa namang inilayo ng binata ang namumula niyang mukha hindi dahil sa pasa kundi dahil sa sobrang pagkakalapit nang kanilang mga mukha.
"Pauwi na ba kayo? Ihatid ko na kayo" sabi ni Luke sa dalawa.
Nahihiyang tumanggi ang dalaga. "N-naku huwag na. Baka maabala pa kita. Okay lang naman kami, at saka may tricycle pa naman na pwedeng maghatid sa amin eh." paliwanag ni Wendy.
Hindi pa man nakakasagot ang binata ay biglang sumingit ang kanina pang nananahimik na bakla.
"Papa Stephen, wag mong intindihin ang sinasabi ni ate Wendy. Matapos ang nangyari, natatakot na akong magbyahe." naglalambing na singit ng bakla. Tumingin nama si Luke sa dalaga na tila nahihiya sa inaasal nang kanyang kasama.
"Tama sya Wendy, hindi din naman kami mapapalagay kung hahayaan namin kayong magbyahe nang ganitong oras lalo na at may nangyari pa nga" sangayon naman ni Vincent kaya lalong nahiya ang dalaga.
BINABASA MO ANG
Expensive Hearts
RomanceSi Luke Harris ay isang binatang walang alam sa kanyang totoong pagkatao. Naaksidente ang mga magulang nya at sa kasamaang palad ay nakasama siya sa nahulog na sasakyan sa gilid ng bundok. Natagpuan siya ng kasalukuyan nyang kinikilalang ama na pina...