Chapter 7

52 2 0
                                    

        Maagang nagising ang binata ngunit tanghali na ito umalis ng bahay dahil nagaalangan siya kung tutuloy ba siya o hindi. Wala masyadong damit ang binata kaya humiram na lang siya sa kababata. Marami siyang pinagpiliaan ngunit hindi niya alam kung babagay ba ang mga yon sa pupuntahan niya. Sa huli pinili na nya lang ang asul na polo shirt at maong na medyo faded sa bandang hita. Hiniram niya ang sapatos na balat ng tiyuhin para kahit papano naman ay mag mukhang pormal siya sa harap ng iba. Kipkip ang sinagutang bio-data sa loob ng isang lumang envelop, umalis na siya ng bahay.

"Takte! Alas nueve na hindi ko pa nakikita ang lintik na building na'to" sambit ng binata.  May nakita siyang traffic enforcer at sinubukang mag tanong. Itinuro sa kanya ng enforcer ang direksyon at umalis na pagkatapos magpasalamat. "Sabi kakaliwa daw tapos diretso. Malaking gusali daw, Ah baka eto! Eto na nga yun haha sawakas!" parang tangang nakangisi lang ang binata habang nakapamewang na tinititigan ang gusali sa harapan niya.

May naamoy siya sa paligid. Nilingon niya ito at  nakita ang fishball na dinudumog ng ilang mamimili. Biglang kumalam ang sikmura ng binata at naalala na isang tasang kape nga lang pla ang laman ng tyan niya.

"Makatuhog muna ng konti, baka magtagal ako sa loob mamaya" napapangiting bulong niya sa sarili ngunit naalarma ng makapa ang laman ng bulsa. "Nakow kukulangin ako sa barya mamaya paguwe ko" sambit niya ngunit talagang malakas ang espirito ng fishball kaya napatingin uli siya. "Ah bahala na ang tsuper magbarya ng pera kong buo mamaya" sabi ng binata.

Dinukot na nya ang mga barya sa pantalon nya ng may isang pamilyar na pigura ang nahagip ng kanyang mata. Kahit nakapikit siya ay hinding hindi niya makakalimutan ang mukha ng nilalang na ito. Ang babaeng nakita niya sa palengke. Lumilipad ang kanyang isip kaya hindi niya namalayan na parating na ito.

Palapit sa kanya ang babae pero nakatungo siya. nabitin ang gagawin sanang pagbibilang sa bpera ng bigla na lang siya nitong banggain. Hindi na niya nagawa pang umiwas.

"Aaayy! napatili ito ng bumangga sa kanya kaya walang sabing inalalayan nya ito para hindi matumba. Natulala na naman siya at muntikan nang mapapikit nang sumamyo ang pabango nito. Tumingin ito sa kanya na animo'y pinagaaralan ang hitsura niya. Nahiya siya kaya tumungo na lang siya. Napansin niya ang nagkalat na barya at saka nya lang naalala ang ginagawa.

"Tumingin ka naman sa dinadaanan mo miss" pagsusungit niya para matakpan ang pamumula ng mukha.

Umupo ang binata at inumpisahang pulutin ang mga nagkalat na barya. "Antanga mo Estong! Sa halip na tanungin mo ang babae kung ok lang ba siya eh sinungitan mo pa! Bobo mo talaga!" bulyaw ni Stephen sa sarili nang mapagtanto ang ginawa. Mukhang nahiya nga ang babae at tinulungan siyang damputin ang nahulog sa kanya. Nang mabilang kung kumpleto ay ibubulsa na niya ang pera ngunit nagsalita ito.

" HOY! Anong ginagawa mo? Akin yan ah" sabi ng babae. Nagtataka siya sa sinabi nito at inilahad ang palad na mal lamang pera.

"Alin? Eto?" tanong ng binata pero nagulat siya nang kinuha ng babae ang pera sa kamay niya at siya ang nagbulsa nito.

"Bakit mo kinuha! eh akin yan, binibilang ko yan kanina nang banggain mo ako eh!" di na nakatiis na sita ni Stephen sa matary na babae.

"Hoy lalake! kumukuha ako ng pera sa bulsa ko ng mabangga kita. Pasensya ka na kung nabangga man kita pero sakin po ang mga ito!" saad naman ng babae na halos sumigaw na sa gigil habang dinuduro siya sa dibdib.

Magsasalita pa siya ng talikuran sya nito sabay hatak sa kasama niya at lumayo. Nakanganga habang kunot ang noo na nakatitig lang siya sa papalayong babae.

"Aba lintek! nanakawan ako!" gulat na bulong niya sa sarili. "Kapag minamalas ka nga naman oh. Gutom ka na nga, inagawan ka pa ng pangkain mo. Tsk tsk, kung hindi ka lang maganda.... kuh!" nanlulumo siyang humugot ng walaet at napapailing na kumuha ng panibagong pera. "Dyan ka pala nagtatrabaho ha.

Expensive HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon