Chapter 1

116 3 1
                                        

"AAAAAARRRGGGHHHH!!!!" umiikot sa loob ng isang silid ang sigaw ng isang babae dahil sa sakit dulot ng panganganak.

Namumutla at pinagpapawisan naman ang asawa na kasalukuyang nakahawak ng mahigpit sa kamay nito.

"Sige lang madam, konti na lang, lalabas na sya!!" sabi ng doktor na nagpapaanak sa kanya. 

"Hon, hindi ko na kaya, sobrang sakit" makaawa ng babae sa kabiyak na nasa tabi nya.

"Tiisin mo lang hon, konti na lang" sagot ng mister.

Sila sina Romeo Valdez at Annika Valdez, mag asawang pawang galing sa mararangya at sikat na pamilya.

kilala sila di lang sa pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa.

 " Malapit na Annika, oh malapit na, ayan na sya!!!" sabi ng doktor na may bakas ng tuwa sa mga mata.

Pumailanlang ang tinig ng umiiyak na sanggol sa loob ng emergency room.

Karga ng ama ang kanyang sanggol habang lumuluha. "hon, look" sabi ng ama habang ipinapakita sa asawa ang sangol.

"Hand him over to me please hon, I wanna see my son" nakadipang inaabot ang bata mula sa ama nito habang tumutulo ang luha dala ng kaligayahan.

"Congratulations madam,sir, he's normal and healthy" bati ng doktor sa mag asawa.

"Thanks doc" nakangiting sagot ng ama.

--------------

Tahimik na natutulog ang babae sa kanyang silid ng pumasok ang kanyang kabiyak.

Hinaplos nya ang pisngi nito na naging dahilan ng pag mulat ng babae.

" Rom, ang anak ko?, where's our baby?" tanong agad ng babae.

"Shhhh, be caareful Annika, you're still recovering from your operation, sabi ng doktor dadalhin daw sya dito maya maya lang" nakangiting paliwanag ng lalaki.

Maya maya pa'y pumasok ang nurse dala ang anak nila, "Sir, Mam, here's your son" nakangiting inabot ng nurse ang bata sa mga magulang nito.

" Oh my baby, kamukhang kamukha mo sya hon" papuri ni Annika sa bata.

" Well probably, his eyes was beautifully inherited from you" ganting papuri ni Romeo.

"What should we call him?" tanong ng babae.

" Do the honor honey" sagot ng lalaki.

" Luke Harris".........

----------------

"Nay Miding!! nasan na po ang gatas ni luke?" tanong ni Annika na halos mahilo na sa kakaikot sa pag aasikaso ng anak nya.

Mula ng makabawi ng lakas, sya mismo ang nag alaga sa anak kahit na may mga personal maids na kinuha ang kabiyak para mag asikaso sa anak nila.

" Ay nak, nandito na, kakatimpla ko lang, oh at nagugutom na naman yata yan, naku bata pa lang eh tumatakaw na" sabi ng matandang katiwala.

"Salamat po nay, eh hindi ko mahindian ang gusto nito eh, ang cute cute kasi eh, di ba baby luke?" sabi ng ina habang nilalaro ang anak.

Maagang naulila si Annika, palibhasa ay ang matanda na din ang nakagisnan na katulong ni Annika nung bata pa sya, ito na din ang ginawa nilang kasambahay at itinuturing na pangalawang ina niya.

Expensive HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon