Chapter 17
"Room 308, malamang eto na yun babes" sabi ni Stephen sa dalaga.
Nakarating na sila sa ospital na sinabi sa kanila ni Vincent. Kasalukuyang naglalakad ang mag kasintahan para hanapin ang silid nang matanda.
"Malamang, eh may nakikita ka pa bang ibang room 307? hmmp!" inis na sabi nang dalaga.
Naiinis siya hindi sa binata kundi sa mga babaeng nars na kanina pang nagbubulungan at panay ang pacute sa nobyo niya. Kitang kita sa mga mata nang mga ito na ang sabik at tuwa sa tuwing ngingitian sila nang binata.
"Oh teka lang. akala ko ba eh okay na tayo? Bakit parang galit ka yata?" naguguluhang tanong nang binata.
Sumimangot nang kaunti ang dalaga at hinawakan ang dalawang pisngi nito.
"Ikaw kasi! napaka poging nilalang mo naman kasi! Alam mo naman na selosa ang girlfriend mo eh todo pacute ka pa sa ibang babae lalo na kanina sa mga nurse. Sus ko po! eh parang kapatid mo na yung mga batang yun eh!" gigil na sabi nang dalaga.
Pilit umiwas ang binata habang tumatawa.
"Ayun naman pala! kaya pala hinihila mo na agad ako habang nagtatanong tayo nang kwarto nang tatay ko. Malamang ngitian ko sila kasi may kailangan tayo, epektib naman diba? with escorts pa nga sana kundi mo lang pinigilan" natatawang puna nang binata kaya kinurot siya nang dalaga sa tagiliran.
"Tse! tara na nga. Mauna ka" sabi nang dalaga.
Binuksan nang binata ang pintuan kaya kumapit sa kanya ang dalaga na noon ay biglang tinamaan nang kaba. Makikilala na niya ang ama nang binata. Inabutan ni Stephen na nakaupo ang matanda habang kumakain ito. May isa pang tao sa loob nito at nakatalikod ito sa kanila. Babae ang nagbabantay. Hindi niya alam kung sino ito. Hindi naman ito ang kapatid nang kanyang ama na si nanay Ising.
"Estong? anak ko?" naluluhang bigkas ni Mang Teban.
Lumingon ang binata sa matanda. Agad nilapitan ito nang binata at mahigpit na niyakap.
"Kamusta tay? ayos na ba ho ang pakiramdam ninyo? Sabi na kasing huwag hahawak sa kalabaw at baka tangayin kayo kapag tumakbo ito" biro nang binata.
"Aba't loko lokong bata ito ah. Pero bakit ka naman kasi ngayon lang dumalaw ha? Inantay mo pa talagang maospital ako bago ka umuwe. Bihira ka na din tumawag" sabi nang matanda.
"Kanina ka pa nya hinihintay Estong. Nung malaman kay Timots na uuwe ka eh maya't maya na akong tinanong kung dumating ka na ba daw" singit nang boses sa may tagiliran niya.
Nilingon ito nang binata at ngumiti. Si Lorain, ang babaeng nililigawan dati ni Vincent. Mas tumangkad na ito at gumanda. Morena man ang balat, hindi maipagkakailang nakakaakit ang ganda nang dalaga.
"Salamat pala Lorain sa pagaalaga sa tatay ko. Pasensya ka na at naabala ka pa para lang magbantay dito" sabi nang binata sabay ngiti.
"Ehem!" sabat ni Mae na kanina pang umuusok ang ilong dahil sa selos nang makita na maganda ang babaeng kaharap nang nobyo.
Napaharap ang lahat sa kanya kaya medyo nabawasan ang inis sa dalawa at napalitan nang kiming hiya.
"Estong sino naman ang magandang kasama mo dito?" nakangiting tanong nang matanda sa anak.
Lumapit ang binata sa nobya at inakbayan ito. Inakay niya ito palapit sa ama at pinakilala.
"Ah pasensya na babes ah, nga pala tatay,si Louisa Mae, asawa ko ho" nakangiting saad nang binata.
Nanlaki ang mata nang lahat na nasa loob nang silid. Siniko naman siya nang nobya pero hindi maitago ang umaahong kilig sa katawan dahil sa sinabi nang binata.

BINABASA MO ANG
Expensive Hearts
RomansaSi Luke Harris ay isang binatang walang alam sa kanyang totoong pagkatao. Naaksidente ang mga magulang nya at sa kasamaang palad ay nakasama siya sa nahulog na sasakyan sa gilid ng bundok. Natagpuan siya ng kasalukuyan nyang kinikilalang ama na pina...