Chapter 26
"Hmmmm, teka nga! Totoo na ba itong nakikita ko o akting lang?" bungad ni Nicky kay Wendy nang makita niya ito sa may pantry habang nagtitimpla nang kape.
"Huh? Anong nakikita? Anong akting?" naguguluhang tanong nang dalaga.
"Ayan oh yung ngiti mo! Mukhang kakaiba."
"Kakaiba? Wala namang masama sa pag ngiti ko ah. Ikaw talaga, wala ka na namang maasar sa area mo noh kaya ka nandito?"
"Hindi naman, napansin ko lang na parang happy ka today sis. Kanina ko pa kasi napapansin yang ngiting yan eh, pagpasok pa lang kaninang umaga. Share naman!" pangungulit ni Nicky sa kaibigan.
Ngumiti ang dalaga at tinalikuran ang kaibigan. Hinabol naman siya agad nito hanggang sa pwesto nito.
"Anong meron? Sige na chicka ka na"
"Wala naman. It's just, ok na kami ni Mae. Nagkausap na kami kanina sa may lobby."
Saglit na napanganga ang kaibigan habang nakatingin kay Wendy.
"Say what? Bati na kayo?"
"Hmmm. Sort of. Parang ganun na nga."
"Imposible sis! Paano naman nangyari yon? As in friends na ulit kayo na parang walang 'boyfie snatching thingy' na nangyari between you two?" hindi makapaniwalang tanong ni Nicky sa kaibigan.
"Wag ka nga sumigaw, baka may makarinig. Well sabihin na natin na mabait talaga ang friend natin. Nag usap na kami tungkol dun at tanggap na niya ag nangyari kahit kita ko sa mukha nya ang lungkot." kwento nag dalaga.
"Kahit naman ako! Kahit na friend pa kita or kapatid, baka nga kinalbo pa kita sa sabunot."
"Grabe ka naman. Kahit kelan talaga napakabayolente mong babae ka." natatawang sabi ni Wendy.
"Eh teka pala, maiba ako. Ano palang nangyari sa kanilang dalawa ni Prince Charming? Nagkabati na ba sila?"
"Hindi ko tinanong. Hindi ko din alam kung anong nangyari, basta para sa akin okay na kami"
"Ah para masalo mo agad si Estong?" nakangising tudyo ni Nicky.
"Sira! Hindi noh! Syempre gusto ko munang magkaayos kami ni sis Mae na nangyari na nga then saka ko naman kakausapin si Stephen. Pero parang hindi ko pa kaya eh." malungkot na pahayag ni Wendy.
"Ah ewan ko sayo! Kung talagang naka move on ka na, simple na lang sayo ang kausapin ang lalaking yun." sermon ni Nicky sa kaibigan.
Bago pa man sumagot si Wendy ay mabilis na nagpaalam ang kaibigan habang pasimpleng ngumuso sa direksyon ng elevator. Iniluwa nito ang lalaking kanilang pinaguusapan habang may tulak-tulak na vacuum cleaner. Nagtama ang tingin nang dalawa at panandalian na nagkatitigan. Unang nang iwas nang tingin ang dalaga at ibinaba na lang ang paningin sa kapeng tila lumamig na sa kakahalo. Wala sa loob na hinigop niya ang kape na nanlamig na nga sa mesa niya. itinuon niya ang mga mata sa makinaryang nasa harapan niya. Ganoon na lang ang panlalamig ng kamay nya nang mapansin ang papalapit na yabag nag binata.
"G-good morning, kunin ko lang yung laman nang trash bin mo." mahina at nahihiyang bungad ni Luke sa dalaga.
Natutukso man lumingon si Wendy ay hindi nya ito ginawa bagkus ay sumagot na lang sa mahinang boses.
"Kunin mo na lang. Nandito lang sa likuran." tila kaswal na sagot nang dalaga.
Nagtungo ang binata sa likuran bahagi nang pwesto ni Wendy at yumukod. Tila parang yelo naman ang dalaga sa presensya nang binata. Hanggang sa mapatingin siya dito nang bigla itong bumanggit nang ilang kataga.

BINABASA MO ANG
Expensive Hearts
RomanceSi Luke Harris ay isang binatang walang alam sa kanyang totoong pagkatao. Naaksidente ang mga magulang nya at sa kasamaang palad ay nakasama siya sa nahulog na sasakyan sa gilid ng bundok. Natagpuan siya ng kasalukuyan nyang kinikilalang ama na pina...