Lumipas ang takdang araw ng kanilang pag alis. Kasalukuyang bumabyahe si Stephen kasasma ng mag amang Vincent at Jaime.
"Tsong, malayo pa ba tayo?" naiinip na tanong ni Stephen sa nakakatandang kasama.
"Ay nako, malayo-layo pa iho, bakit?" balik na tanong ni Jaime.
"Kumakalam ho yata ang sikmura ko tsong" nakangiwing sabi ng binata.
"Akala ko ba'y nag almusal ka?" singit ni Vincent.
"Tanga hindi yun. Nadudumi ako. Hindi ko na kaya" bulong ni Stephen.
Sukat doon ay biglang tumayo ang binata at lumapit sa driver ng bus na sinasakyan nila. Natatawang umiling na lang ang mag ama at sinundan ni Jaime si Stephen.
"Manong, may matitigilan ho ba tayo dito? alangan na tanong ni Stephen sa driver.
Napatingin ang katabing kunduktor at ang ilang pasaherong nakarinig ng mahinang tanong niya.
"Bakit boy? Bababa ka na ba? akala ko eh Maynila pa kayo? Pati bawal dito oh" nagtatakang tanong ng kundoktor.
"Pards baka may gasolinahan na malapit, pakihinto saglit at magbabawas yata ang pamangkin ko" natatawang pakiusap ni Jaime ng makasunod sa binata.
Napatawa ang driver at kundoktor pati na rin ang ilang pasaherong nakakarinig. Halos pagpawisan na ang binata sa kinatatayuan. Yakap ang sarili, naupo na lang ito sa tabi ng kunduktor sa may pinto. Wala siyang paki sa mga tumatawa sa kanya basta ang mahalaga ay mailabas niya ang kinikimkim na sama ng loob.
"Oh boy dyan sa likod nyan may c.r., bilisan mo ah"sabi ng driver pagkatigil sa malapit na gasoline station. Hindi na nagawang mag pasalamat ng binata at nagbira na ng takbo. Naiwang napapailing at bungisngis ang mga tao sa loob ng bus. Ang iba ay sumunod sa binata para makapag bawas na din.
------------
"Whew! ang layo pala talaga nito tsong. Nakakapagod din pala magbyahe kahit nakaupo ka lang" wika ni Stephen.
Kasalukuyan na silang naglalakad papunta sa bahay na tinitirahan ng ama ni Vincent. Kipkip ang malaking bag, pawisan na naglalakad ang tatlo sa sikat ng araw.
"Tsong taympers muna, kainit eh, malayo pa po ba? Magsakay na lang kaya tayo?" suhestyon ng nagrereklamong si Stephen sa tyuhin. "Tol malapit na, dun sa kanto na yun pagkanan natin, yun na yun" paliwanag ni Vincent na pawisan na din sa paglalakad.
Nilibot ni Stephen ang paningin sa mga nadadaanan nilang eskinita. Madaming batang nagkalat sa karsada habang masayang naglalaro. Sa gilid ng mga tindahan ay may mga ilang tambay na nagiinuman.
"Uy Jaime shot muna!!" tawag ng boses sa nakatatanda sa kanila.Hubad baro ito at may mangilan-ngilang tatoo sa katawan. Tila natakot ang binata sa hitsura ng mga tao doon. "Salamat na lang pards, sa sunod na lang, kasama ko ang anak ko at pamangkin.Uwe muna kami sa bahay" nakangiting sagot ng tyuhin sa mga kalalakihan.
"Tol nakakatakot dito" bulong ni Stephen sa kababata.
"Haha, Ganyan talaga dito, masanay ka na. Nuong una takot din ako pero nasanay na din" tugon ng kababata.
----------
Lumipas ang ilang bwan at nasanay na ang binata sa atmospera ng kapaligiran. Ang mga kinakatakutan niyang mga tambay ay naging tropa na niya. Ang iln ay nagiging idolo siya dahil sa angking kasipagan. Marami siyang sideline na trabaho pero nagbabakasakali pa rin siyang makakita ng permanente. Ang kababata naman niya ay halos tatlong bwan na sa pinapasukan nitong talyer samantalang hanggang part time lang ang nakukuha niya palibhasa walang birth certificate na maipakita.

BINABASA MO ANG
Expensive Hearts
RomanceSi Luke Harris ay isang binatang walang alam sa kanyang totoong pagkatao. Naaksidente ang mga magulang nya at sa kasamaang palad ay nakasama siya sa nahulog na sasakyan sa gilid ng bundok. Natagpuan siya ng kasalukuyan nyang kinikilalang ama na pina...