Chapter 16
Nasa byahe na pauwe nang probinsya si Stephen kasama si Mae. Nakaunan ang dalaga sa balikat nang binata habang nakayakap ang kanang kamay nito. Malalim ang tulog nang dalaga pero ang binata ay kanina pa lumilipad ang isip dahil sa magkasunod na problemang kinakaharap. Una, ang nararamdaman para kay Wendy at ang pangalawa ay ang pagkakaospital nang kanyang kinikilalang ama.
Bagamat alam na niyang tumatanda na ang ama, mas pinili pa din niyang lumuwas nang maynila. Batid naman niyang may magaalaga pa din dito kahit na siya ay nasa malayo pero wala sa hinagap niya na magkakasakit nang malubha ang ama.
"Good morning babes, nakatulog ka ba nang maayos?" bungad ni Stephen sa naalimpungatan na kasintahan.
Ngumiti lang ito at yumakap nang mahigpit sa binata.
"Malayo pa ba tayo?" bulong ni Mae habang nakasuhsob sa leeg nang binata.
"Malapit na, mga kalahating oras na lang at nasa terminal na tayo. Nagugutom ka na ba? May dala akong snacks dito oh." sagot naman nang binata.
"Okay lang, mamaya na lang pagpagbaba natin" sabi nang dalaga.
Tumingala ang dalaga at napansin na nakatingin ito sa katabi nilang pasahero. Dalawang babae ang nasa katapat nilang upuan. Mukhang kanina pa itong nagpapacute sa boyfriend nya pero biglang nagbaling nang tingin nang mapansing nakatingin sya sa kanila.
"Estong! Yang mga mata mo kung saan saan na naman lumilipad. Ngingiti-ngiti ka pa ah" mahinang sermon nang dalaga sabay kurot sa tagiliran nito.
"A-araay, babes naman, wala naman akong tinitingnan na iba ah. Sinisilip ko lang kung malapit na tayo" saad nang binata at humalik siya sa ulo nang dalaga.
"Asus! Eh bakit panay ang sulyap mo sa katapat natin ha?" dagdag nang dalaga.
Napatingin uli ang binata sa katapat na upuan at sinilip ang tinutukoy nang dalaga. Napangiti ang binata pero nakatikim na naman siya nang kurot mula sa nobya.
"Naman babes, masakit na. Napasulyap lang ang tao. Sus! Wala nang mas gaganda pa sayo. Ikaw lang ang mahal ko. Sila? Nah, mas maganda ka" saad nang binata na ikinakilig naman nang dalaga.
Sumimangot ang dalaga para itago ang kilig na naramdaman.
"Bolero ka talaga!"
-----------
Nakatingin ang isang lalaki sa labas nang kanyang opisina. Malayo ang tingin niya. Bumuntong hininga ang lalaki sabay naglakad papunta sa kanyang lamesa. Naupo siya at muling tiningnan ang files na nakapatong sa lamesa niya. Files ni Stephen Madrigal. Pumikit si Romeo at sumandal sa kanyang upuan.
"Nagkataon lang ba na doon mismo sa bayan kung saan sila naaksidente ay doon din nakatira ang binata?" bulong nang isipan nang matanda.
"Hindi naman po talaga ako taga rito eh, halata naman. Lumwas lang ho ako para makahanap nang mas magandang pagkakakitaan at kung papalarin, makita ko din ang tunay kong magulang kung taga rito man sila." kwento ni Stephen sa ginoong kasama niya ngayong nakaupo sa bench sa Luneta.
"Anong ibig mong sasabihin iho?" tanong ni Romeo kahit tila alam niya ang ibig sabihin nito.
"Ampon lang ho ako nang kinikilala kong tatay, napulot lang daw ho ako. Hindi ko naman ho alam kung saan pero hindi na ho mahalaga sakin yon. Masaya ho ako sa piling niya at nagpapasalamat din sa pagpapalaki niya sa akin" sagot nang binata.

BINABASA MO ANG
Expensive Hearts
RomansaSi Luke Harris ay isang binatang walang alam sa kanyang totoong pagkatao. Naaksidente ang mga magulang nya at sa kasamaang palad ay nakasama siya sa nahulog na sasakyan sa gilid ng bundok. Natagpuan siya ng kasalukuyan nyang kinikilalang ama na pina...