Chapter 30 (Final)

59 2 0
                                        

Chapter 30



After 4 years...

Nakatingin sa labas nang restaurant si Wendy. Kakatapos lang nilang

kumain nang pananghalian. Kasama niya sa lamesa sina Nicky, Mae at

Keshia. Kanina pa siyang tapos kumain at hinihintay na lang ang mga

kasamang magtapos sa kanilang kinakain.

Natanaw niya mula sa malayo ang isang stall nang fishball. Napangiti

siya nang may maalala. Nilingon niya ang kanyang mga kaibigan at

malapad na ngumiti.

"Aba aba friend! Kakaiba na naman yang ngiti mong yan ah. Wag mong

sabihin na after mong tumingin sa labas at mag daydream dyan eh

pagmamadaliin mo nanaman kaming kumain para lang bumili nang fishball

at kwek-kwek?" nakataas na kilay na puna ni Nicky sa kaibigan.

"Hahaha. Pabayaan mo na sya, parang di ka na nasanay." sabi naman ni

Mae.

"Haler almost two years na kaya nating desert ang fishball at kwek-

kwek. Eto nga oh naglabas na ko nang ilang barya para pagkatapos dito

eh ready to go na tayo" sabad naman ni Keshia habang tinatapos ang

pagkain sa plato nya.

"Eh di wag! Mga kj" nakasimangot na sagot naman ni Wendy.

Naghalakhakan ang tatlo na parang napagkaisahan ang dalaga.

"Tampo naman agad ang prinsesa. Sandali na lang po ito kamahalan ha,

isang subo na lang" sabi ni Nicky at pinakita pa talaga sa dalaga ang

kutsarang may lamang pagkain. Bungisngis naman ang dalawa sa harapan

nila.

Natapos na ang lunch break at nasa kanya kanyang mesa na sila. Busy

ang lahat dahil sa nalalapit na launch nang kanilang mga bagong

produkto. Dumaan sa harap niya ang matandang amo.

"Wendy, may sched ba ako mamayang two?" tanong ni Romeo.

Dali daling tiningnan ni Wendy ang planner niya at sinagot ang amo.

"Meeting with our new designers po sir, after that wala na po for now

sir" sagot nag dalaga.

"Sir?" tanong nang matandang amo.

Nahihiyang ngumiti ang dalaga na ikinatawa nang lalaki.

"Sorry po, D-dad" nahihiyang pagtatama ni Wendy sa amo.

"Haha. You better get used to it. Pati kahit na may makarinig, so

what? Unless ikinakahiya mo ang magiging father in law mo?" natatawang

pahayag ni Romeo.

"Eh dad, nasa trabaho po kasi. Para po kasing nakakailang eh."

"Sige, sabihin ko kay Annika yan"

"Ay wag po! please po D-daddy" namumulang saad niya sa matanda habang

pasimpleng lumilingon sa paligid.

Expensive HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon