-(makalipas ang 20 taon)-
Masayang nagkukwenta ang isang binata galing sa isang bodega.
"Ahummm!!, isa, dalawa, dalawang daan at tatlumpu!!!, pwede na to" nakangiting binibilang ng lalaki ang kinita niya sa pagtulong sa pag aani ng tubo.
Naglalakad siya sa gilid ng palayan ng may tumawag sa kanyang pangalan.
"ESTONG!!!!, ano na? nasabi mo na ba sa tatay mo yung plano nating pagluwas?? tanong sa kanya ni Vincent, ang kababata nya.
"Ha? Ah eh hindi pa eh, alam mo naman matanda na ang tatay, mahirap iwan mag isa yun, baka mamaya eh umatungal ng iyak yun kapag umalis ako" natatawang sabi ni Estong sa kababata.
Siya si Stephen Madrigal, 21 taong gulang na, siya ang batang iniligtas ni mang Teban mula sa nahulog na sasakyan sa may bundok.
Natagpuan siya ng ama amahan sa loob ng kotse yakap yakap ng ina nito.
Humingi ng tulong si mang teban sa mga kapit bahay niya ngunit dahil sa kalayuan sa pinangyarihan ay hindi na nila inabutan ang laman sa loob ng sasakyan, bagkus ay mga pulis at ilang mga usisero na lng ang nandun.
Tinitigan niya ang bata na nakatulog na ulit sa braso niya.
Dahil sa pangungulila sa kanyang mag ina na pumanaw dahil sa panganganak, niyakap niya ang sanggol at sinabi sa sariling kukupkupin niya ang bata at aalagaan.
Itinuring nya itong sariling anak at binigyan ng bagong tirahan.
"Eh kelan mo pa balak sabihin? Ha? Eh aalis na kami ng tatay sa isang araw engot ka!" bulyaw ni Vincent.
Napakamot si Stephen sa batok at nahihiyang tumungo.
"Mamaya siguro, pagkagaling ko ng talipapa, bibili muna ako ng bigas at ulam" sabi ni stephen.
"Sige, ay! sya nga pala, samahan mo uli ako kina Lorain ah" sabi ni Vincent habang nakangiti at tumataas ang dalawang kilay nya.
"Naman!! eh ako nanaman ihaharap mo dun sa pulis na tatay nun eh, nung nakaraan halos mapaihi ako sa takot nung ikasa sa harap ko yung kwarentay singko nun eh, kundi lang agad kayo nakauwe, nakow!!" napapapikit na sambit ng binata.
"Pasalamat ka nga at nagpumilit agad umuwe si Lorain eh, teka pakiramdam ko eh ikaw ang gusto nun at hindi ako eh" nagtatampong tugon ng kababata.
"Tarantadong to, ako pa pinagselosan, hindi yun, ikaw ang gusto nun.Sya sya una na ko at mamimili pa ko" sabi ng binata.
"Geh, basta mamaya ha, alas syete"sabi ni Vincent.
"Oo na oo na, ikaw talaga" sagot ni Stephen.
----------------
"Tatay!!! kain na ho tayo!!!, asan na ba yung gurang na yon?"sigaw ni Stephen.
"SINONG GURANG?!!" sigaw ng matanda sa likod niya.
Akmang hahatawin ng baston ng matanda si Stephen ng akbayan ito ng binata.
"Relax ka lang tatay, Relax. Masyado naman kayong high blood eh, kain na tayo pogi" pang uuto ni stephen sa matanda na may kasama pang kindat.
"HEEE!!!, pogi pogi, umupo ka na at kumain na tayo" bulyaw ng matanda.
Masayang nag hapunan ang mag ama habang nag kekwentuhan.
Pagkatapos kumain, nagpahinga na ang matanda habang si Stephen ay nag ayos ng sarili para sa lakad nilang mag kaibigang si Vincent.

BINABASA MO ANG
Expensive Hearts
RomantikSi Luke Harris ay isang binatang walang alam sa kanyang totoong pagkatao. Naaksidente ang mga magulang nya at sa kasamaang palad ay nakasama siya sa nahulog na sasakyan sa gilid ng bundok. Natagpuan siya ng kasalukuyan nyang kinikilalang ama na pina...