Chapter 25
Normal na araw para sa lahat.
Bawat isa ay may ginagawa.
Okupado lahat nang isipan.
May ilan na naglalakad pero may dala dala na iba't ibang klase nang dokumento.
Sa madaling salita, busy ang lahat sa opisina.... maliban sa isang dalaga na nakatulala lang sa kawalan.
"Hello? Earth calling Ms. Gwendina Santos? Haller!?"
Napapitlag sa pagiisip ang dalaga at napasulyap sa tumatawag sa kanya. Nakita niya si Nicky na naka abrisyete habang nakataas ang isang kilay.
"Hi sis" nahihiyang bati niya sa kaibigan.
"Aba aba! Wag mong sabihin na hanggang dito ba naman eh nage-emote ka pa din? Aba sis, uso na kaya ngayon ang salitang move on."
Napailing na lang si Wendy sa sermon nang kaibigan. Simula nang makabalik sila sa trabaho ay palagi na lang sya nitong sinesermonan sa twing makikita sya nitong wala sa sarili.
"Sira! Hindi ako nage-emote. Nagiisip lang ako nang magandang tema para sa party nina Sir Romeo at Ma'am Annika"
"Weh? I smell something fishy. Siguro iniisip mo na naman yang prince Charming mo ano? Kilala kita Gwendina"
"Tigil-tigilan mo nga ang pagtawag sakin nang buong pangalan ko. Kapag narinig ka nang lola ko, magsawa kang gapangin nun"
Napaismid na lang si Nicky at naupo sa silya sa harapan nang lamesa nang dalaga. Nangalumbaba ito habang patingkayad na hinarap ang kaibigan.
"Para saan naman daw ang party na yan? Invited kaya tayo?" napapaisip na saad ni Nicky.
"Ang sabi ni Sir Romeo eh hindi naman daw talaga para sa kanila ang party, para sa anak daw nila. Actually, tumutulong lang ako kasi si Ma'am Annika naman talaga ang nagaasikaso pero gusto ni Sir na tulungan ko si Ma'am." paliwanag nang dalaga.
"Well, sabagay. Pero anak? Di ba nawawala ang anak nila tapos ang sabi nang iba patay na daw"
"Nawawala lang hindi pa patay. Marinig ka ni Sir Romeo, mawalan pa tayo nang trabaho dahil sa tsismis mo. Try mo na kayang magbago sis"
"Hep! Hindi po tsismis ang idinayo ko dito. Kasalanan ko ba na palagi ka na lang emo? Tapos balita ko, pumasok na si Mae. Si prince Charming mo na lang ang missing in action" paliwanang nang dalaga.
Nagulat si Wendy sa nalaman. Hindi pa siya handang harapin at kausapin si Mae. Alam nito na may nangyari sa kanila nang boyfriend nito. Kahit makita nya lang ang babae ay natatakot na siya.
"Sigurado ka sa sinasabi mo? Wag mo akong ginu-good time sis ah. Promise, hindi ko alam ang gagawin ko" kinakabahang sabi ni Wendy.
"Well, sureness po itey madam. Maaasahan ang source ko kahit medyo malandi at nakakaasar. Friend ko pa din naman yun kahit na nagdate sila nang boyfriend ko kagabi, kumain sa labas tapos niyaya pang manood nang sine and then nag-... Argghh!! Naiinis ako! Bwisit!" nanggigigil na sagot ni Nicky.
Napatawa na lang nang lihim si Wendy. Kahit hindi sabihin sa kanya nang kaibigan niya kung sino ang sinasabi nitong source ay alam niyang si Keshia ang tinutukoy nito. Pero kung totoong galing kay Keshia ang info...
"Huy! Tulala ka na naman dyan" untag sa kanya ni Nicky.
"H-ha? Aish! iwan mo na lang kaya ako para naman mapagplanuhan ko ang gagawin ko kapag nagkita kami. Imbes na ako ang pinoproblema mo, bakit kaya hindi mo muna harapin ang reliable source mo para makapagpasalamat sa mga info na ibinibigay nya sayo?" pagtataboy ni Wendy sa malapit nang mainis na si Nicky.
BINABASA MO ANG
Expensive Hearts
RomansSi Luke Harris ay isang binatang walang alam sa kanyang totoong pagkatao. Naaksidente ang mga magulang nya at sa kasamaang palad ay nakasama siya sa nahulog na sasakyan sa gilid ng bundok. Natagpuan siya ng kasalukuyan nyang kinikilalang ama na pina...