Chapter 10

71 2 0
                                        

Naglalakad ang isang ginang sa may parking lot kasama ang isang staff ng supermarket. Itinutulak nito ang cart na naglalaman ng mga pinamili ng ginang. Binuksan ng babae ang compartment ng sasakyan at ipinalagay niya ang mga binili. Kumuha siya ng pera at inabutan ang staff bago ito umalis. Pumasok ito sa loob ng kotse at naupo ngunit hindi pa niya naiisara ang pinto ng may lalaking tumutok ng patalim sa kanya.

"Akin na ang mga pera mo dali!" utos ng lalaki. Nanlamig ang ginang sa kinauupuan niya at natatakot na sinunod ang utos ng lalaki.

"Here, take all my money just don't do anything to me please" pakiusap ng ginang.

"Isama mo na ang mga alahas mo dali, akin na yan kuna ayaw mong patayin kita dito!" bulyaw ng holdaper sa kanya.

Nataranta ang ginang at madaling hinubad ang suot na mga alahas. Ibinigay niya ang mga ito sa lalaki. Dali-daling kinuha ng lalaki ang alahas at pera at nagmadaling tumakbo. Dumaan ito sa pagitam ng sasakyan nnya ngunit hindi pa ito nakakalabas ng mapaupo ito dahil may nabangga itong binata.

"Ay lintik!" gulat na sambit ng holdaper.

Napatingin ang binatang lalaking nakabanga at aktong aalalayan sana ang nakaupo. Naalerto ang ginang na nasa loob ng kotse at ibinaba na ang bintana.

"Tulungan mo ako iho, holdaper yan at kinuha nya ang mga pera at alahas ko!" sigaw ng ginang.

Naguluhan ang binata ngunit nang mapansin ang patalim na tumapon ay walang alinlangan na sinuntok niya ang nakaupong lalaki. Palibhasa ay malaking tao din ito, mabilis na nakatayo ang lalaki at gumanti ng suntok ngunit nailagan naman ng binata. Yumuko ang binat at nagpakawala ng isang malakas na uppercut. Sapol ang lalaki. Sinundan pa niya ng isang tuhod sa sikmura para mapaluhod ang lalaki. Nahawakan siya ng lalaki at hinila pahiga. Umikot sila ng nakahiga at napaibabawan siya nito. Sapol ang binat sa mukha na nasundan pa nang isa. Sumalag lang ang binata at naghintay nang pagkakataon. Dinakot ng binata ang malaking lalaki at gumulong pakaliwa. Siya naman ang nakasakay dito at walang tigil na inupakan ng suntok ang lalaki hanggang sa mawalan na ito ng malay.

Nanginginig ang ginang sa takot habang kita niya ang nangyayari sa labas. Nang makita niyang tumayo ang binata ay nilapitan niya ito para pasalamatan.

"Iho, ayos ka lang ba? Dadalhin kira sa ospital." nagaalalang wika ng ginang.

"Ayos lang ho ako. Mabuti pa ho ay tumawag kayo ng pulis o kaya ay security guard na malapit para maipakulong na itong gago na ito" sabi ng binata.

Nagmadaling umalis ang ginang at pagbalik nito ay may kasama na siyang tatlong security guard. Nabawi ng ginang ang kanyang mga pera at alahas at pinasalamatan ang binatang tumulong sa kanya.

"Maraming salamat talaga sayo iho. Kung hindi ka napadaan ay malamang na nadala na nang taong yun ang mga gamit ko" sabi ng ginang.

"Naku wala ho yun, kahit sino naman ho sigurong tao ang nakakita sa sitwasyon nyo ay ganun din ang gagawin. Nagkataon lang ho na ako yung napadaan" nakangiting pahayag ng binata.

"Pero nahihiya ako sayo. Nasaktan ka pa nang dahil sakin. Dalhin kita sa ospital para sa mga sugat mo" nagaalalang sabi ng ginang.

"Ayos lang ho ako. Wag na ho kayong magalala. Alis na din po ako at kanina pa siguro ako hinihintay ng girlfriend ko. Mas takot ho ako dun kesa sa lalaking nakaaway ko kanina eh. Late na ako patay!" sabi ng binata.

Paalis na sana ang binata nang magsalita ang ginang. "Salamat talaga iho. Ito ang card ko, kung may kailangan ka tawagan mo lang ako. Ano palang pangalan mo iho?" tanong ng ginang.

"Stephen ho, Stephen Madrigal. Sige po salamat. Magingat po kayo." nakangiting sagot ng binata. "Im Annika Valdez, basta kapag may kailangan ka ha tumawag ka lang" pakilala ng ginang.

Expensive HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon