Chapter 28

36 2 0
                                        

Chapter 28

Naging abala lahat nang tao sa mansyon ng mga Valdez. Puno nang halakhakan at siyahan habang nagaayos ang mga tao. Nandoon na din ang ama-amahan ni Luke na si Mang Teban kasama si Nanay ising at Timothy. Hindi pa man sumusikat ang araw ay abala nang nagagayak ang catering na kinuha ni Romeo para sa reception at pagkain. Ang mga katulong ay abala din sa paglilinis nang buong mansyon sa pangunguna ni Annika.

Nakaupo sa may hardin si Luke habang nagkakape kasama si Timothy na abala sa pag banat sa isang platong hotdog at tinapay sa harapan nila.

"Kuya Estong, hanep, ang sarap naman dito sa inyo. Andaming pagkain tapos ansasarap pa. Dito na din kaya ako tumira" saad ni Timothy habang patuloy pa din sa pagnguya.

"Ulol! Eh sinong kasama ng mga tatay sa atin? Sayo ko na nga pinamana yung kalabaw eh kaya sigurado akong mamimiss ka ni Bruno dun." sagot naman ni Luke.

"Eh kuya, pwede ba ako magbakasyon dito ha? Malapit na yun"

"Asows, ang sabihin mo eh dadalawin mo lang yung chicks dun sa may kabilang street" nanunudyong sabi ni Luke sa kinakapatid na biglang namula ang tenga sa hiya.

"Hindi ah! Masarap lang ang mga pagkain dito. Yun lang yun! Tama! Yun lang." namumulang saad ni Timothy.

"Timots, sama ka sakin mamaya"

"Saan tayo pupunta?"

"Dun sa kabilang street, dalawin natin yung chicks mo. Hahahaha"

"Tado! Isusumbong kita sa Tatay Teban!"

Natatawang lumayo si Luke sa kinakapatid na halatang naaasar sa biro nya. Iniwan nya na lang ito habang walang tigil pa din sa pagbanat sa halos paubos nang plato ng hotdog sa mesa.

Lumapit sa kanya ang isa samga gwardya sa kanilang gate.

"Sir Luke, may bisita po. Hinahanap daw po si mam Annika." wika nang gwardya.

"Sino daw po yun manong Kiks?"

"Wendy Santos daw po"

Nagulat ang binata at hindi agad nakapagsalita. Nagdiretso ang gwardya sa loob at hinanap ang ginang. Makalipas ang ilang saglit ay lumabas na ang gwardya kasunod ang ginang. Nilampasan nang ginang ang anak at kinindatan ito sabay ngiti. Napangiti na lang din si Luke sa ginawi nang ina. Bumalik sya sa may hardin at naupo ulit sa bakal na upuan.

"Geh mangasar ka pa ulit at hindi ko aalagaan si Bruno. Pababayaan ko ang tatay sa pag papakain sa kalabaw mo." bungad ni Timothy sa kuya niya na may masamang tingin.

"Hahaha. Biro lang. Yaan mo at sasabihin ko sa tatay na dito ka magbakasyon kapag nakatapos ka na ngayong school year."

"Di nga kuya? Yes!!"

Nakaupo sa waiting area nang guard house si Wendy. Palibhasa eh noon lang siya nakarating sa mansyon ng mga Valdez kaya ganoon na lang ang galak niya sa mga nakikita niya.

"Maam, pasok na po kayo. Pasensya na po at hindi ko agad kayo inapasok dahil na din sa seguridad ng pamilya" bungad ng gwardya.

"Okay lang po yun, naintindihan ko po"

Tumayo na ang dalaga at binitbit ang dala niyang bag. Hindi pa man siya nakakailang hakbang ay sinalubong na agad siya nang ginang.

"Good morning po, pasensya na po at mas napaaga po ako sa pinagusapan natin oras."

"Haha, ikaw pa lang ang nakilala kong humingi ng apology sa pagiging maaga. Come inside iha, mag breakfast ka na muna. pasensya ka na at hindi pa ako handa, nagaayos pa kasi kami sa bahay eh." paliwanag nang ginang.

Expensive HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon