"Uy tol, anong meron? Bakit lumalaklak ka dyan eh di ba galing ka sa party nang boss mo? Wag mong sabihin na walang toma dun eh ang yaman yaman nila" bungad ni Vincent kay Stephen na nakatambay sa labas nang kanilang bahay habang may hawak na isang boteng beer.
Ngumiti lang ang binata sa kababata bilang tugon sa tanong nito.
"Problema tol? Ah teka magbibihis lang ako. Ipagbukas mo na din ako nang isa" sabi nang kababata. Ilang minuto lang ay magkasama nang umiinom ang magkababata.
Tinawag ni Vincent ang isang bata na naglalaro malapit sa pwesto nila. "Buknoy! Halika dito." tawag ni Vincet.
"Bakit kuya Teng?" tanong nang bata pagkalapit.
"Pasuyo naman ibili mo kami nang beer kay aling Marta tapos yung sukli eh kahit anong tsitserya" saad nang binata sabay bigay nang pera sa bata.
"Eh kuya, paano naman ako?" reklamo nang bata. "Ay oo nga pala, ay teka wala akong barya" sabi ni Vincent.
"Oh buknoy, wag mo agad uubusin ha. Baon mo na yan bukas tapos pagkabili mo eh umuwe ka na, gabing gabi na eh nasa labas pa kayo" singit naman ni Stephen at nag abot ito nang bente pesos sa bata.
"Sige kuya, salamat" nakangiting saad nang bata.
Nakabili na ang bata at halos mangalahati ma ang unang boteng binili nang napabuntong hininga si Stephen.
"Anlalim nun ah, ano tol, handa ka na bang ilabas yang tinatago mo dyan?" tanong ni Vincent.
"Tol alam ko normal lang na humanga sa kagandahan nang iba, pero normal pa rin ba kung magkagusto ka sa hindi lang iisa?" bungad ni Stephen pagkainom sa beer na hawak.
"Depende yan utol, may tinatawag tayong libel nang paghanga. Una, dahil sa tinataglay niyang talento o paguugali. Kaya din tayo nagkakaroon ng mga idols eh dahil sa ganyan. Kasama na dyan yung paghanga lang sa panlabas na kaanyuan. Ikalawa eh dahil sa kuneksyon nyo bilang magkadugo, magkaibigan o magkatrabaho. Gusto mo sila kasi kilala mo na. Mas malalim na ang samahan nyo sa isa't isa." paliwanag nang kababata.
Seryoso lang na tumatango ang binata bilang pagsangayon.
"Ang sumunod naman dyan eh yung paghanga na may kasama nang pagkahumaling. Yung tipo na gusto mo sya lagi nakikita o nakakasama. Gagawa ka nang kahit na ano mapansin ka lang nung tao na gusto mo." dagdag nang kababata.
Napaisip nang malalim ang binata. "Tol may problema ba kayo ni Mae? " tanong ni Vincent.
"Hindi tol, wala naman kaming problema. Bihira nga lang kami magkatampuhan nun eh." sabi ni Stephen.
"Oh eh bakit nagkakaganyan ka tapos mga tinatanong mo eh parang may trip kang iba ah" sabi ni Vincent.
"Hindi naman sa ganon tol, ganito kasi, yung babaeng sinasabi ko sayo dati, si dreamgirl ko. Nung hindi pa ako natatanggap sa trabaho ko, nakita ko na sya. Hindi sya mawala sa sistema ko eh. Tulad nang sabi mo sakin kanina parang hinahanap hanap ko sya. Nakarating nga ako nang luneta dahil akala ko eh sya yung babaeng sinusundan ko, hindi pala." kwento nang binata.
"Oh eh ano naman sya? Anong meron sa kanya at nagkakaganyan ka?" naguguluhang tanong nang kababata sabay lagok uli nang beer.
"Si Wendy, sya yun. Pakiramdam ko kasi may pagtingin na ako sa kanya eh. Hindi ko naman alam na dun din sya nagtatrabaho, tapos nung nalaman ko syempre natuwa ako. Sakto na sakin yung nakikita ko sya at nakakausap paminsan minsan. Pero habang tumatagal parang iba eh. Oo may girlfriend na ako at mahal ko sya pero iba pa din yung saya kapag makita ko man lang o makausap eh" sagot nang binata at inubos ang natitirang laman sa bote nya.
Nagulat ang kababata sa sinabi ng binata. Tila nablangko ang utak niya para makapagbigay nang payo sa kababata. "Tol ang hirap naman. Eh kung distansyahan mo muna kaya?" suhestyon ni Vincent.
"Nagawa ko na, halos hindi ko na nga pansinin eh, pero ang masama nio eh ang kasama ko eh si Mae pero si Wendy naman naiisip ko" sabi ni Stephen.
"Patay kang bata ka" napatapik na lang sa noo ang kababata.
Samantala, sa appartment nang dalaga, ala una na nang madaling araw, hindi pa rin makatulog si Wendy. Maya't maya siyang bangon-higa sa kama niya. Sa twing ipipikit niya ang mata niya ay imahe ng isang lalaki ang nakikita niya.
"Arrrgggghh! Please naman, patulugin mo na ako. Umalis ka na sa utak ko please. May pasok pa ako bukas!" mahinang daing nang dalaga.
Pumikit na ang dalaga sabay takip nang unan sa mata nya. Ilang minuto ang lumipas, biglang tumilapon ang unan sa kungsaan kasunod nito ay iritableng bumangon ang dalaga.
"Kasalanan mo ito Stephen, basta ka na lang pasok nang pasok sa isip ko! Bakit ba kasi nagkakaganito ako sayo? Ano bang meron ka at nagugulo mo ang sistema nang pagiisip ko. Ni hindi ka nga nagsasalitnagsasalita kapag nakakasalubong kita. Hindi naman tayo nagkakatabi pero naaalarma ako kapag malapit ka. Hindi naman ako ganito sa iba ah! Bakit?!" himutok niya habang nakatitig sa lampshade sa tabi nang kama niya.
Tumayo ang dalaga at nagtungo sa kusina. Binuksan niya ang ref at kumuha nang isang basong tubig. Ininom niya ito ngunit kalahati pa lang ay bigla siyang tumigil at napatulala sa kawalan.
"Am I inlove with that bastard?" nakatulalang tanong niya sa sarili.
--------
"Hon? Hindi ka pa ba tutulog?" sabi ni Annika sa kabiyak.
Nakatayo lang ito sa may bintana habang nakaharap sa labas. Nabahala ang babae kaya naupo ito sa kama.
"What's bothering you? Madaling araw na pero hindi ka pa natutulog. May problema ba?" nagaalalang wika ng babae.
"Wala naman hon, it's just... wala, tulog na tayo" nakangiting wika ni Romeo sa kabiyak.
Nais niyang wag na lang sabihin ang nasa isipan at baka magalala lang din ito. Tumabi na siya sa asawa para matulog. Humalik muna ito bago tuluyang pumikit si Annika.

BINABASA MO ANG
Expensive Hearts
RomantikSi Luke Harris ay isang binatang walang alam sa kanyang totoong pagkatao. Naaksidente ang mga magulang nya at sa kasamaang palad ay nakasama siya sa nahulog na sasakyan sa gilid ng bundok. Natagpuan siya ng kasalukuyan nyang kinikilalang ama na pina...