"Papa Estong!!!! Anong ginagawa mo dito? Hindi ako tumatanggap nang manliligaw sa araw eh. Pero kung ikaw, wafakels, kahit maya't maya mo ko ligawan pwede" bungad ni Czar, ang baklang stylist sa bagong pasok na binata.
Hiindi ito kalayuan sa tinitirahan nila nang kababata. Tatlong kanto lang ang agwat nang parlor nito sa tinutuluyan. Kilala din ito sa kanilang lugar dahil na din sa husay at galing sa pagpapaganda.
Napalingon ang mga customer ng bakla. Ngumiti ito at bumati sa kanya. Ang mga hindi naman nakakakilala ay panay ang ngiti at sulyap sa gwapong binata.
"Tanghali pa lang nananaginip ka na agad. Gupitan mo ako ha. Papogi-in mo naman ako kahit konti, may lakad ako mamayang gabi tapos mga mayayaman pa ang bisita. Ayaw ko naman magmukha akong yagit doon" sabi ni Stephen.
"Hahay, sawakas mahahaplos ko na din ang gwapo mong mukha. Halika rito bilis, upo ka na" biro nang bakla.
"Aba teka, nauna sila eh. Dito muna ako, nakakahyia naman sa kanila" sagot nang binata.
"Sige mauna ka na, hindi naman kami nagmamadali eh" singit nang isang babae sabay paskil nang matamis na ngiti.
"Sigurado kayo? Sige kayo ang bahala" saad nang binata. Naupo na ito at inumpisahan nang ihanda ni Czar ang mga gagamitin.
"Papa Estong, anong gupit ba ang gusto mo?" tanong nang bakla.
"Ikaw na ang bahala. Ay teka pala! ibagay mo dun sa amerikana na susuotin ko mamaya. Itim yon at medyo hapit sa katawan" sagot nang binata.
"Hmmmm, alam ko na. Just sit back and relax" sabi ng bakla.
Nagumpisa nang gumalaw ang bakla habang ang mga customer at ilang naghihintay ay nakaabang sa ginagawa nito. Tila naghihintay na ihain sa kanila ang kanilang paboritong pagkain. Napuno nang masasayang tuksuhan at tilian sa loob nang parlor at nang matapos nang gupitan ang binata ay tinanggal na ni Czar ang nakabalabal na tela at inayusan na ang binata. Halos maglaway ang mga kababaihan nang makita ang natapos nang ayusan na binata.
"What can you say ladies?" proud na proud na saad nang bakla habang nakapamewang sa likod nang binata. "Ang gwapo nya" impit na tili nang isang dalagitang nakaupo.
"Ayos ah, parang hindi ako. Dabest ka talaga Czar. Magkano?" puri nang binata.
"Dahil napakilig mo kaming lahat sa iyong transformation, sige libre na. Tutal, unang beses mo din naman kaseng nagpagupit dito. Pero sa sunod may bayad na ha? At dito ka na lagi magpapagupit" saad nang bakla.
"Aba syempre naman! Ngayon pa na alam ko na ang karakas nang kamay mo sa paggugupit. Salamat ha" sabi ni Stephen.
Hindi nakatiis ang isang dalaga at lumapit para magpalitrato kasama nito kaya ang iba ay gumaya na rin at todo yakap pa sa binata. Nakangiti namang pinagbiyan nang binata ang mga babae at nagpasalamat.
"Ay nako girls bilisan nyo at kukunan ko din nang solo ang papa Estong ko para gawing model salabas nang parlor ko" awat nang bakla.
----------
Sumapit ang oras at abala ang mga tao sa mansyon nang mga Valdez. Nakaset-up na halos lahat nang kailangan para sa pagdiriwang nang anibersaryo nang magasawa.
Natagpuan ni Romeo ang kabiyak habang naluluhang nakatitig sa malaking portrait sa kanilang sala. Larawan nilang tatlo. Si Romeo, si Annika at si Luke Harris. Hinawakan niya ang balikat nang kabiyak at iniharap sa kanya.
"Next month na ang birthday nya hon" sambit ni Annika habang nakayakap sa asawa.
"Yeah I know, never kong nakalimutan" sagot ni Romeo.

BINABASA MO ANG
Expensive Hearts
RomanceSi Luke Harris ay isang binatang walang alam sa kanyang totoong pagkatao. Naaksidente ang mga magulang nya at sa kasamaang palad ay nakasama siya sa nahulog na sasakyan sa gilid ng bundok. Natagpuan siya ng kasalukuyan nyang kinikilalang ama na pina...