Chapter 9

54 2 0
                                        

"Tol kumusta, aga mo ata nagising ah naunahan mo pa ako" bati ni Vincent kay Stephen.

"Aba syempre, first day ng trabaho ko tol" nakangiting sagot ng binata.

"Aba ayos ah. Pagbutihin mo tapos sa unang sahod mo...alam muna shot tayo" tumataas ang dalawang kilay na saad ng kababata sa kanya.

"Oo bah, yun lang pala eh, labas tayo tapos isama natin si tsong" sabi ng binata.

"Ayos na ayos nga yun hahaha. Aabangan ko talaga yan." sagot ng kababata.

Naghanda na ito para sa pagpasok, ganun din siya at sabik na siya para sa unang araw ng trabaho nya sa kumpanya.

---------

"Mr.Cortez, I'd like you to meet Stephen Madrigal, our new utility staff, Stephen, sya si Mr. Rodolfo Cortez, sya ang magiging supperior mo. Kapag may kailangan ka, sa kanya ka na lalapit." pakilala ng HR manager.

Nakipagkamay ang binata sa matandang superior nya. "Manong Rod, kayo na po ang bahala kay Stephen" sabi ng manager.

"Sige po sir" nakangiting sagot ng matanda. Ipinakilala na si Stephen sa iba pa niyang mga kasamahan at binigyan na din sya ng uniporme.Itinuro na sa kanya lahat nang dapat niyang gawin para sa araw na ito. Medyo nahirapan siya sa una ngunit agad naman niya itong nakabisado.

Sumapit na ang tanghalian ng hindi man lang niya nararamdaman. Masaya siya sa ginagawa niya. Bawat iutos sa kanya ay kaagad niyang nagagawa ng may ngiti sa mga labi.

Lumabas siya ng gusali para humanap ng makakainan. Lahat pala nang kanyang mga kasama sa departamento nila ay maydalang baon pagkain kaya tanging siya lang ang lumabas para bumili ng tanghalian.

Mula sa kinatatayuan, nahagip ng kanyang mata ang isang nilalang na kanina nya pa gusto puntahan dangan lamang at may ginagawa pa siya. Nakita niya na masayang kumakain ang magkaibigang Wendy at Nicky. Sukat doon ay napangiti ang binata ng walang dahilan,

Pupuntahan na niya ang mga ito nang marinig niya ang boses na tumatawag sa kakanyang pangalan.

"Stephen! Hi, kumain ka na ba? Sabay na tayo" nakangiting bati sa kanya ni Mae.

"A-ah sige tara" sagot ng binata. Tumawid sila sa karsada at pumasok sa restaurant na kinaroroonan ng dalawang binata.

 ----------

"Ay sis tingnan mo oh. Paano nangyari na magkasama silang dalawa? Magkakilala ba sila?" tanong ni Nicky kay Wendy.

"Ha? Sino bang tinutukoy mo?" nalilitong sagot ng dalaga. Ngumuso ang kaibigan para ituro ang sina Stephen at Mae na kapapasok lang sa restaurant na kinakainan nila. Kumunot ang noo ng dalaga pagkakita sa dalawa."Pabayaan mo sila, baka naman magkakilala na sadya sila" pabulong na sabi ng dalaga sa kaibigan.

Lumingon si Mae at nakita silang dalawa kaya lumapit ito sa kanila.

"Hi Wendz, Hi Nicky" nakangiting bati nito sa dalawa.

"Sis magkakilala kayo nun?" tanong ni Nicky habang itinuturo si Stephen na kasalukuyang umoorder ng pagkain sa counter.

"Ah si Stephen? Nagkakilala kami nyan kahapon sa may lobby, cute nya noh?" nakangiting sagot ni Mae.

"Parang ang bilis mo namang naging kaibigan yang lalaking yan" sabi ni Wendy.

"Huh? Bakit naman? Wag mong sabihing may gusto ka sa kanya Wendz?" naguguluhang tanong ni Mae.

Expensive HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon