Chapter 23
"Ambigat mo talagang babae ka. Tsk, sabi na kasing wag masyadong magpakalasing eh" reklamo ni Luke habang buhat sa braso ang lasing na si Wendy.
Sa apat na dalaga, si Wendy ang medyo mahina ang tama kaya napagusapan na ito na lang ang huling ihahatid. Naunang ihatid sina Nicky at Keshia na idinaan sa paginom ang pagaasaran kaya mabilis nabangenge sa kalasingan. Si Mae naman na hindi sanay uminom ay tila noon lang nakatikim nang alak kaya nalibang sa pag tagay. Siya ang unang inihatid dahil sa sama nang pakiramdam.
Pakiramdam ni Wendy ay tila idinuduyan siya sa alapaap nang sandaling yun. Pinilit niyang imulat ang mata pero dala nang kalasingan ay hindi ito nakisama.
"Danica? Tao po!" tawag nni Luke sa binabaeng kinakasama ni Wendy sa bahay na inuupahan nila pero mukhang wala ito sa bahay.
Tinungo naman ni Luke ang ulo niya para gisingin ang dalaga.
"Wendy, Wendy" tawag niya sa nakapikit na dalaga.
"Hmm?"
May susi ka ba sa bag mo?"
"Uhumm"
Nilapag ni Luke si Wendy patayo pero muntikan nang mabuwal ang dalaga kaya napayakap siya dito. Nabigla ang binata sa ginawa nang dalaga at napatitig sa namumulang mukha nang dalaga. Humilig ang ulo nang dalaga papunta sa may leeg nang binata at tila gusto pang magsumiksik dito.
"Ah teka lang Wendy. Umayos ka naman oh" pakiusap nang binata na noon ay tila ginapangan nang init kasabay na din nang konting tama nang alak.
Pilit niyang inabot ang susi sa loob nang bag nang dalaga at binuksan ang pinto. Dahil hindi naman unag beses na nakarating ang binata sa appartment nang dalaga, pagkasarado niya nang pinto ay binuhat niya uli ang dalaga papunta sa kwartong pinagdalhan nya din doon.
Buong ingat niyang pinasan ito na parang bagongkasal papunta sa kanilang honeymoon.
Ipinilig niya ang ulo dahil sa ideyang pumasok sa isipan niya. Pakiramdam niya ay nagtataksil siya sa kanyang girlfriend dahil sa naisip.
Pagkabukas nang pinto nang kwarto ay dahan dahang ibinaba ni Luke si Wendy pahiga sa kanyang kama.
Nakatitig lang ang binata sa mukha nang dalaga nang sandaling yun. Nadako ang paningin niya sa munting labi nag dalaga. Labi na minsan na niyang natikman. Labi na kanyang hinanap hanap. Labing nag eenganyong muli niyang tikman. Labing medyo nakaawang na papalapit sa kanya. Papalapit sa kanya? Bago matauhan si Luke ay nagdikit na ang labi niya sa labi nang dalaga.
Kusang naghiwalay ang kanikanilang mapagkasalang mga labi. Nagulat si Luke nang makitang nakamulat na ang dalaga. Nakatitig lang ang mga mata nito sa kanyan mga mata. Tila nangungusap. Nagsusumamo.
"Wendy, I'm sor-"
"Sshh, please dont"
Naka kapit parin si Wendy sa batok nang binata habang nakatungo paharap sa kanya si Luke. Nakatingin lang sila sa isat isa habang dahan dahan na uling naglapit ang kailang mga mukha. Dala nang sari saring emosyon, nagdikit ang labi nang dalawa at muling nagsalo sa isang masuyong halik. Pareho silang nakapikit nang uminit ang kanilang mga halik. Bumilis ang pintig nang kanilang mga puso at sumiklab ang kanilang damdamin na tila gusto pang tumuklas nang bago at kakaibang pakiramdam.
Tuluyan nang dumapa ang katawan nang binata sa dalaga. Bumaba naman ang haplos nang dalaga papunta sa likod nang binata. Nagumpisa nang gumalaw pati kamay nang binata papunta sa ibang parte nang katawan nang dalaga habang tuloy sa mainit na sagupaan ang kanilang mga labi at dila. Pumasok sa loob nang damit ni Luke ang mapaglakbay na kamay nang dalaga at sinuyod nang maiinit na haplos ang katawan nang binata. Bumaba naman ang halik ni Luke papunta sa leeg nang dalaga at hinimay nang kanyang labi ang bawat madaanan nito.

BINABASA MO ANG
Expensive Hearts
RomanceSi Luke Harris ay isang binatang walang alam sa kanyang totoong pagkatao. Naaksidente ang mga magulang nya at sa kasamaang palad ay nakasama siya sa nahulog na sasakyan sa gilid ng bundok. Natagpuan siya ng kasalukuyan nyang kinikilalang ama na pina...