Chapter 29
"And now ladies and gentle men, lets have a word from our loving boss, our friendly amo at the same time, mother and father of LHV fashion house, Mrs. Annika and Mr. Romeo Valdez." sigaw nang emcee.
Malakas na palakpakan at sigawan ang namutawi sa malapad na hardin nang mga Valdez. Kumpleto ang lahat. May ilang staff, branch managers, at kaibigan na nakidalo. Nanduon din ang ilan sa mga business partners ng mag asawa. May kanya din lamesa pati ang utility department na sadyang nirequest nang anak nila. Hindi nawala ang tropa nang binata pati mga girlfriend nila kasama ang dalawang bata. Nakahiwalay naman nang lamesa sina Vincent kasama sina Nicky at buong secretarial department. Kasama naman nang magasawang Valdez sina Mang Teban, Nanay Ising, si Timothy pati na din ang ama ni Vincent na si James na hindi inakala na sa isang branch pala nina Romeo nagtatrabaho.
"Thank you, Good evening to all of you. Umpisahan ko ang pagpapasalamat sa panginoon, after twenty two years, dininig din nya ang matagal ko nang panalangin. Thank you Lord for this wonderful moment na ibinigay nyo po sa amin." bungad ni Romeo sa lahat.
Nakangiti naman lahat at nakikinig sa lalaki. Yumakap naman sa braso niya ang kanyang asawa na hindi maalis ang ngiti sa labi.
"Sa lahat nag mga naririto ngayon, maraming salamat" dagdag pa nang ginoo.
Pumalakpak naman sila at may ilan pang tumayo.
"Maraming nagulat sa paghahayag ko nang salo salong ito. Tinanong nila ako kung anong meron. Sinagot ko sila nang ngiti at sinabing dininig na nang Panginoon ang panalangin ko. Opo, para sa mga hindi po nakakaalam. Mayroon po kaming isang anak na nawalay samin nang matagal na panahon. And to sum it up, for almost twenty two years, I'm glad to say this to all of you." kwento ni Romeo. Nilingon niya ag asawa at nginitian. Kinuha nang ginang ang mikropono at siya na ang nagpatuloy.
"He's home, He's now with us" naluluhang pahayag nang ginang.
Pumailanlang ang masigabong palakpakan sa buong lugar. May ilang naluluha at nagaabang kung sino ang tinutukoy nila. Muling nagsalita si Romeo.
"Ang ilan po sa inyo ay kilala na sya and fortunately nakatrabaho nyo na din. Yes, empleyado din po sya nang LHV at dito ko din po siya nakilala."
Umugong ang bulungan at marami na talagang nasabik malaman kung sino ito.
Nasa isang sulok naman si Luke kasama si Vincent na noon ay sinamahan ang kababata.
"Tol, kinakabahan akong umakyat dun. Andaming tao, natatae pa yata ako." pahayag ni Luke sa kababata.
"Hahaha. Kinakabahan? Parang ngayon ko lang yata narinig sa'yo yan unggoy ka. Ang siga nag looban natatakot umakyat sa stage? Hahaha. Tawagin ko kaya sina Bong para pagtulunagn ka naming buhatin papunta doon?" natatawang kumento naman ni Vincent.
"Gago!" singhal niya sa kababata sabay lagok nang tubig sa hawak na kupita.
"Ladies and gentlemen, our son, Luke Harris Valdez!" pahayag ni Annika sa lahat.
Nagtayuan ang lahat para hanapin at makita kung sino ang binatang yoon. Madaming nagulat nang maglakad si Luke sa gitna at nahihiyang ngumiti sa lahat.
"Huh!? Si Stephen yan ah." sabi ni Nicky kay Wendy at talagang ikinagulat nang lahat.
Nakarating na si Stephen sa entablado na talagang ikinagulat nang lahat. May isang lamesa naman sumisigaw at may kasama pang sipol. Ang tropang looban ni Luke kaya itinuro niya ang lamesa nang mga ito at lalong lumakas ang sigawan. Natawa na lang si Romeo sa saya at reaksyon nang mga bisita. Marami pa din napatigil dahil hindi nila akalain na ang isang utility staff na palaging may tulak na cleaning materials at malimit nilang utusan ay siya palang anak at may ari nang kanilang pinagtatrabahuhan.

BINABASA MO ANG
Expensive Hearts
Roman d'amourSi Luke Harris ay isang binatang walang alam sa kanyang totoong pagkatao. Naaksidente ang mga magulang nya at sa kasamaang palad ay nakasama siya sa nahulog na sasakyan sa gilid ng bundok. Natagpuan siya ng kasalukuyan nyang kinikilalang ama na pina...