Chapter 24
"Antagal mo 'te, kanina pa ko nagaalala eh. Hindi pa rin sya lumalabas nang kwarto nya hanggang ngayon. May alam ka ba?" bungad ni Danica sa kapapasok lang na dalaga.
"Pasensya na, dumating kasi ang kapatid ko kagabi kasama ang pamangkin ko tapos nagkakwentuhan kami magdamag kaya medyo napuyat. Heto pala, may dala akong pagkain. Maghain ka, sabay sabay na tayo" saad ni Nicky sabay abot nang dala sa kasama.
"Puntahan mo nga sya 'te, hindi pa din yan kumakain eh"
"Tsk, Mag iisang linggo na ah, akala ko ba ok na sya nung huling punta ko dito?"
"Akala ko nga din eh. Lagi pa din tulala. Kapag tinatanong ko naman, ayaw naman nyang sumagot tapos bigla na lang lumuluha" malungkot na kwento nang binabae.
Inakyat ni Nicky ang kaibigan sa kwarto nya. Pagkapasok pa lang sa kwarto, bakas na agad ang malungkot na atmospera sa loob. Hinanap nang kanyang mga mata ang kaibigan. Namataan niya itong nakatayo sa may bintana at tila nakatingin sa kawalan.
"Sis?"
Tumingin lang sa kanya ang dalaga at walang imik na bumalik tingin sa labas nang bintana. Naawang nilapitan niya ito at niyakap sa likod.
"Ano ba talagang problema sis? Bakit ka ba nagkakaganyan? Tell me"
Mapait na ngumiti si Wendy sa kaibigan. Pumuhit siya at hinawakan ang dalawang kamay nito.
"I'm okay, don't worry" sagot nang dalaga pero bakas pa din ang kalungkutan sa mata nito.
"I doubdt, you're ok sa lagay mong yan? Siya pa din ba? Ano ba kasing nangyari? Alam mo maiintindihan kita kung sasabihin mo sakin para naman kahit papaano gumaan yang dinadala mo pero hindi eh" napabuntong hininga na sabi ni Nicky.
"Hindi ka na lumalabas nang kwarto mo, napabayaan mo na din ang sarili mo. Siguro kung lalaki ka lang?, mala Santa Claus na siguro yang bigote at balbas mo"
Natawa nang konti ang dalaga at napabuntong hininga na lang.
"Wala naman akong balak magkulong nang matagal dito eh. Gusto ko lang kasi makapag isa, makapagisip isip, kasi pakiramdam ko sis para akong masisiraan nang bait sa sakit. Ganun pala talaga ang pakiramdam nang harap harap na tanggihan ang nararamdaman mo para sa kanya. Kung pwede lang ako magtago sa ilalim nang lupa nang mga oras na yon nagawa ko na" sabi ni Wendy kaya niyakap uli siya i Nicky.
"My God Wendy, hindi ko alam. Akala ko lang talaga nagselos ka lang sa kanila at hindi mo na kinaya. I'm sorry sis"
"Don't worry sis, unti unti na akong namamanhid sa sakit. Makakamove on din ako promise." nakangiti nang pahayag nang dalaga kaya tiningnan lang ni Nicky ang kaibigan at sa huli ay ngumiti na din ito.
"That's my girl! Kaya mo yan sis! Para kang hindi si Wendy Santos na kilala ko kung magkakaganito ka lang. Ipakita mo ang totoong ikaw na matapang, matatag at hindi papatalo" masayang pahayag ni Nicky.
Nagkatatawanan sila pero madaling itinalikod nang kaibigan si Wendy at itinulak papunta sa banyo.
"Maligo ka nga muna. Kasi naman ikaw na bata ka sabi ko sayo matuto ka nang maligo nang wala ako. Hala sige! Maligo ka at amoy laway ka pa, wag mo nang hintayin na ako pa ang magpaligo sayo" sermon ni Nicky na akala mo ay kinder ang pinagsasabihan.
Natawa lang ang dalaga at kumuha nang tuwalya.
"Yes mommy!"
---

BINABASA MO ANG
Expensive Hearts
RomansSi Luke Harris ay isang binatang walang alam sa kanyang totoong pagkatao. Naaksidente ang mga magulang nya at sa kasamaang palad ay nakasama siya sa nahulog na sasakyan sa gilid ng bundok. Natagpuan siya ng kasalukuyan nyang kinikilalang ama na pina...